Chapter 14

207K 7.6K 1.5K
                                    

Chapter 14

"Bakla, kailan mo kakausapin si Lexie?" Napaismid ako sa sinabi ni Chelsea. Hindi ko siya sinagot. Ipinatong ko ang paa ko sa bean bag at sumandal sa sofa habang umiinom ng chocolate drink na nasa tetra pack.

"Bakit nag sorry na ba siya?"

"Kawawa naman kasi." Tumaas ang kilay ko. Si Lexie pa ang kinakaawaan niya? Sino kaya ang pinakain ng isang kilong strawberries? Sumakit ang tiyan ko pagdating sa bahay.

"Anong kawawa? Sino ba ang nauna? Saka sumakit kaya ang tyan ko dahil sa pinakain ng isang kilong strawberry. Tapos ako ang mag eeffort na kausapin siya? Masyado siyang sinuswerte." Lalo akong umismid at sumipsip pa ng choco drink. Kaso naubos na pala ng di ko napapansin. Kumuha ulit ako ng drink na nasa center table at nakalagay sa ice bucket. Comfort food ko ang choco drink kaya I make sure na nagsastock ako. Kayang kaya kong uminom ng mga sampung tetra pack ng choco drink in one sitting.

"Baka may pinagdadaanan lang yung tao." Hah! Lahat naman ng tao may pinagdadaanan. Tsaka ano ang pagdadaanan niya? Ang kabaklaan niya? Hindi pa ba siya sanay eh buong buhay ata niya bading siya. Ang sabihin niya, maldita talaga siya at galit siya sa akin. Kaya kung galit siya sa akin, galit na din ako sa kanya. Kung dati hinahayaan ko lang ang mga pagtataray niya, ngayon hindi na! Aba, kailan pa ako naging martyr?

"Tapos ako ang pagbubuntunan niya ng galit at inis niya? Di ba unfair naman yun? Tsaka kung gusto niya talaga mag sorry dapat nag effort siya noh? Lumagpas na kaya ng walong oras at wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya kaya malamang pinangangatawanan niya ang kamalditahan niya." I sipped on my drink.

Nagkatinginan lang sina Chelsea at Barbie.

"Paano siya magpaparamdam eh nasa Singapore siya." Bigla akong napaupo ng tuwid. Muntik pa akong mabilaukan ng choco drink. Mabuti na lang at nakastraw ako na maliit. But what? He's in Singapore? Ter is also in Singapore! Speaking of Ter, he hasn't contacted me eversince we've talked nung pauwi na kami galing Sagada. Sabi niya tatawagan niya ako pero hindi niya ginawa. Bigla akong kinabahan.

"Nasa Singapore si Lexie?" Sana naman hindi sila magkasama di ba? No...erase erase. Hindi ko pwedeng pag isipan ng masama si Ter. Alam kong mahal niya ako at hindi niya ako ipagpapalit sa isang bakla kahit na gaano pa kayaman at kagwapo. Ter is not that kind of guy. He's decent, sincere and he loves me.

"Hindi mo alam? Kaya nga nagmadali tayong umuwi from Sagada di ba? Kasi may photoshoot siya sa Singapore. Dapat nga andun na siya nung Monday pa pero dahil nga nasa Sagada tayo, humabol na lang siya. Hindi ba sinabi ni Meister na magkasama sila ni Lexie sa photoshoot?" Nangunot ang noo ko. Bakit nga ba hindi yun nabanggit sa akin ni Ter?

"Well, baka naman hindi importante na I-mention pa niya si Lexie."

"He works for Lexie kaya." Nakaismid na sabi ni Barbie sabay kuha na din ng choco drink. Nainggit ata sa akin.

"Exactly, masyado na siyang nasanay kay Lexie that he thinks it's no longer important to tell me to whom he's working for." Tumaas lang ang kilay ni Barbie at hindi na nagsalita.

Nag iba na ang topic namin hanggang sa nagpaalam ang dalawa. That night, Ter called me at nakalimutan ko na ang inis ko sa hindi niya pagtawag sa akin dahil ang sweet niya. Tinanong pa niya ako kung ano ang gusto kong pasalubong at kinuwento niya sa akin ang mga pinuntahan nilang lugar. Nagplano pa siya na pupunta daw kaming Singapore next month para maipasyal niya ako. Siyempre natuwa ako. Just the thought na magkasama na kami lang dalawa ni Ter sa Singapore naeexcite na ako. Baka doon sa Singapore ang kaganapan ng lahat ng pangarap ko. Baka doon puputulin ni Ter ang mga ugat ng hymen ko. O kaya, baka doon siya magpopropose. Napatili ako ng wala sa oras. Excited na excited na ako.

The Gay Who Stole My BoyfriendWhere stories live. Discover now