Chapter 37

247K 8K 1.3K
                                    

Chapter 37

Pumasok na ako sa banyo at hinayaan si Lexie sa kwarto na namimilipit sa sakit. Pagkatapos kong maligo, wala na siya sa kwarto kaya pumunta ako sa kabilang kwarto at nagbihis. Pagkabihis ko, hinanap ko ang dalawang bakla. Magtutuos kaming tatlo!

Pumunta ako sa may pool area kung saan hinahanda ang party at nakita kong inaayos ni Barbie at Chelsea ang mga cupcakes sa cupcake stand.

"Bakla! Bakla! Bakla Forevermore. Si Chelsea ay bakla! Bakla forevermore." Kanta ni Barbie habang kumikembot. Palapit na ako nung napatingin ang dalawang mahaderang bakla sa akin. Napatigil sa pagkanta si Barbie at napatigil sa ginagawa si Chelsea. Both of them are looking intently at me then they both grinned and gave each other a high five. Mga maldita talaga!

"Bubuka ang bulaklak, papasok ang hari, sasayaw ng cha cha, ang saya saya! Boom ti-ya-ya-boom, ti-ya-ya boom-ye-ye! Boom-ti-ya-ya-boom, ti-ya-ya-boom ye-ye!" Kanta ni Barbie at sumayaw si Chelsea habang tawa ng tawa.

"Ang laki-laki, Ang laki laki.."Patuloy sa pagkanta si Barbie. Umismid ako at nagmamadaling naglakad palapit sa kanila kahit na iika ika ako dahil sa masakit ang balakang ko.

"Hoy mga bakla!" Sigaw ko sa kanila.

"Mabango ang bulaklak!" Pagtatapos ni Barbie sabay ngisi sa akin. Kung makaarte, akala mo walang ginawang masama.

"Bakit niyo ako sinarhan ng kwarto kagabi? Hindi ko pa kayo napapatawad sa panloloko niyo sa akin kahapon akala niyo!" Sita ko kaagad sa kanila at sabay nilang napanganga.

"What! Ni lock mo ang room kagabi Barbs?" Maarteng sabi ni Chelsea at mukhang gulat na gulat pero sobrang exaggerated. Halatang umaarte lang.

"Of course not! Why would I do that?" Maarte ding sabi ni Barbie. Lalong naningkit ang mga mata ko sa kanila.

"Oo nga! Hinihintay ka pa nga namin kagabi sa room. Pero inantok na kami hindi ka pa din pumasok. Paggising namin wala ka din. Hindi ka natulog doon. Saan ka natulog bakla?" Tiningnan ko ulit sila ng masama. Umismid ako at iniwan sila tapos kumuha ng food. Bumalik na ako sa pwesto nila. Mamaya na lang kami magtutuos kapag busog na ako. Nagutom ako at naubos ang energy ko sa nangyari sa amin ni Lexie kanina sa room.

Pagbalik ko, kasama na ng dalawa si Lexie na nasa tabi ng pool. Lumapit ako at inilapag ang pagkain ko sa mesa pati na din ang bitbit kong kape.

"Bakla, bakit ka iika ika?" Umismid lang ako kay Barbie. Maghintay ka kapag may baterya na ako, sasabunutan ko kayo! Kumain lang ako at hindi sumagot.

"Hoy! Di ka nagdahan dahan ano?" Napatingin ako bigla kay Chelsea na nakatingin kay Lexie na nakatingin naman sa akin. Nakita ko ang pamumula bigla ng pisngi ni Lexie.

"I didn't..."

"Sinasabi ko na nga ba! Yang mga pent up emotions na yan!" Exaggerated na sabi niya.

"Masakit ba beks?" Hinawakan ni Barbie ang balakang ko.

"Siyempre! Try mo kaya!" Sagot ko and I heard the clearing of throat. Napatingin ako kay Lexie at umiwas siya ng tingin. Tumingin siya sa pool. Kasalanan niya talaga ang lahat.

"I wish! Saan ba nagsimula ang lahat. Sino ang nagsimula ng lahat? Ano ba ang nangyari?" Mahinhing sabi ni Barbie. Concerned naman pala ang baklang to sa akin. Nakakakunsensiya naman sabunutan.

"Barbs..." I heard the warning on Lexies tone. Tiningnan ko siya ng masama.

"Bakit ayaw mong malaman nila na kung hindi dahil sa'yo hindi nanakit ang katawan ko?" Narinig ko ang pagsinghap ng mga bakla.

The Gay Who Stole My BoyfriendWhere stories live. Discover now