Chapter 42

200K 7.3K 957
                                    

Chapter 42

Bumalik ako sa cottage at agad na kinuha ang mga gamit ko. Tinawagan ko si Barbie na magkita na lang kami sa parking at pumayag naman siya. Pagkatapos kong magligpit, agad akong lumabas ng cottage at pumunta sa parking pero nanlumo ako, pagkakita ng kotse ko.

"What the hell!" Inalis ko pa ang shades sa mata ko para makasigurado na tama ang nakikita ko. Umikot pa ako sa kotse at lalong nanlumo. All my tires are flat.

Pakiramdam ko lalong sumakit ang ulo ko, dinagdagan pa ng sobrang init ng sikat ng araw. Gusto kong sabunutan ang sarili ko habang nakatingin sa mga gulong ng sasakyan ko.

"What now?" I was gaping at my car when a uniformed personnel walked by.

"Kuya. May alam ka po bang malapit na talyer dito?" Gusto ko nang maiyak. Bakit ba napakalamas ko ngayong araw?

Tiningnan ng lalaki ang mga gulong ng kotse ko.

"Ay naku Ma'am, sa bayan pa po ang mga talyer dito. Pwede sana nating palitan pero lahat ata ng gulong mo po flat. Naku mukhang may nangtrip sa inyo Ma'am. I-report po natin sa Management. Tapos po pwede naman doon tumawag para ang talyer na mismo ang pupunta dito para ayusin ang mga gulong ng kotse mo po Ma'am." Wala na akong nagawa kundi ang bumuntonghininga at pumayag sa sinabi ng kuya.

Tumawag sila sa talyer at sinabi ng taga talyer baka bukas pa mapupuntahan ang sasakyan kasi hahanap pa ng gulong ng sasakyan ko. Gusto ko na talagang ngumawa.

"Missy!" Napalingon ako kay Barbie. She's wearing a huge shirt and very short shorts tapos naka tsinelas na. May suot pa siyang malaking sumbrero at may bitbit na mataas na baso ng shake.

"Ano yang suot mo? Akala ko ba uuwi na tayo?" Kaya pala wala siya kanina sa parking.

"Hinahanap nga kita. Hindi mo kasi sinasagot ang phone mo. Stay muna ako dito." Ngumiti siya at sumipsip ng shake. Napanganga ako sa kanya.

"Aalis ka na ba? Pasensiya na bakla ha, hindi matatanggihan ng isang sirena na katulad ko ang paanyaya ng karagatan." He said and plucked her lips. Pinaningkitan ko siya ng mga mata but she just smiled at me.

"Hindi ako makaalis. Flat lahat ng gulong ko." nanlaki ang mga mata ni Barbie at napatingin sa akin.

"Lahat?"

"Oo. Hihintayin ko na lang ang pinapunta ng talyer. O kaya magpapahatid na lang ako sa bus station. Tinatanong pa ng staff kung may available silang sasakyan." Napatingin ako sa kuya na may kausap sa phone.

"Ganun ba? Ay wait lang." Kinuha ni Barbie ang phone sa loob ng hawak niyang pouch at nag text. After a while, dumating na, of all people, si Lexie.

"Ayan, ihahatid ka niya sa bus station para hindi ka na maghintay at hindi mapanis ang beauty mo." Nakangiti pang sabi ni Barbie at sumipsip ulit sa straw.

"Tumawag na ng sasakyan ang staff."Pagsisinungaling ko kasi hindi ko naman alam kung ginagawa nga yun ng staff ng resort. Malay ko ba kung sino ang tinatawagan niya.

"Sabi mo kanina di pa sure kung may available na car? Paano kung wala? Naku wag ka nang maarte at andiyan na ang maghahatid sa'yo."

"Ayaw ko siyang kasama." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinandilatan ko na si Barbie.

"War kayo?" Tumawa ako ng peke at saka sumimangot.

"Tamang tama, mag usap kayo. Kailangan niyo lang ng matinding laplapan, I mean usapan. Aalis na ako." Just like that, nilayasan nga kami ni Barbie.

"Let's go." Mahinang sabi niya pero hindi ko siya pinansin. I remained sitted on my chair. Ni hindi ako gumagalaw.

"You're testing my patience Missy." Oh really? I'm testing his patience? Gusto ko siyang sigawan. Ako pa ngayon? Pasalamat nga siya at wala akong sinasabi. Hindi ko pa sinusumbat sa kanya ang lahat lahat at pinili ko na lang na magpakatahimik.

The Gay Who Stole My BoyfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora