Chapter 17

208K 7.3K 2K
                                    

Chapter 17

Pagkatapos niya akong iwan sa sitting room nila, pinuntahan ako ng driver at sinabihang ihahatid na daw ako. Kahit na gusto ko pang mag stay para masabunutan si Lexie, wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa driver kasi ang layo ng bahay nila palabas ng village at ayaw kong maglakad. Ang init kaya ng panahon.

Nagpahatid ako sa condo nina Barbie at Chelsea. Mabuti na lang at andun silang dalawa at hindi gumimik.

"Anyare bakla!" Bulalas ni Barbie pagkabukas niya ng pinto. Hindi ko siya sinagot. Dumiretso lang ako at naupo sa sofa sa tabi ni Chelsea na busy sa paglalagay ng nailpolish. Napatigil siya sa ginagawa at napatingin sa akin.

"Anong nangyari?"

"Bakla si Ter!" Nanlaki ang mata nilang dalawa at napatingin sa akin.

"Trulaley?" Naupo na din si Barbie sa tabi ko.

"Bakit hindi natin naamoy Chels?"

"Dahil malakas ang pabango?"

"O God! Paano mo nalaman bakla? Hinalay mo ba at nagtitili? Tapos nagconfess na di kayo talo? Nahuli mo ba na may nilalamas na lalaki?" Hindi ko agad sinagot si Barbie. Kinuha ko ang box ng tissue na nasa center table at ipinunas sa mata ko. Suminga na din ako kasi nagbabara na ang ilong ko.

"Nakita ko ang mga pictures nila sa camera niya. Magkasama sila sa Singapore. Mga walang hiya!" Nanlaki ang bibig ng dalawang bakla.

"Teka! Kilala ba namin ang kachurvahan ni Meister?" I nodded at tumili si Barbie.

"Teka, teka! I can't take it anymore. Huhulaan ko. Tao ba? Hayop? Lugar? Pangyayari o guni guni?"

"Mga hayop sila!" Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko and I started wailing.

"Hayop? What? Giraffe, Lion, Tiger? Sa zoo ba? Sa dagat? Sa ilog? Lumalangoy ba? Sperm?" Tuloy tuloy pa din si Barbie sa pagsasalita at si Chelsea tumatawa na. Ako ngumangawa.

"Si Lexie..." I cried again.

"Oo, may sperm si Lexie, hindi pa yun nagpagapas eh." Barbie said again.

"Si Lexie ang karelasyon ni Ter!" I blurted out and there was peace. Walang nagsalita sa dalawa and when I look at them, nakanganga sila at nanlalaki ang mga mata.

"Shit!" Barbie said when she recovered.

"Shit the second!" Chelsea seconded.

"Are you sure? Baka naman...baka naman..."

"Inamin na ni Ter at inamin na din ni Lexie. Kung nakita niyo lang ang mga pictures..."

"Oh my God!"Bulalas ni Barbie.

"Oh my God, the second!" Chelsea exclaimed.

"Alam niyo pa kung ano ang mas masakit? Hindi lang ang boyfriend ko ang nanloko sa akin. Pati si Lexie na tinuring kong kaibigan pinagtaksilan ako. Ginawa nila akong tanga! Akala ko ba may rule tayo? Binaliwala niya ang lahat! Binaliwala niya ang sampung taong pagkakaibigan para kay Meister."

"True..." Lumapit na si Barbie sa akin at hinimas himas ang likod ko. Pero instead na maluwagan ang dibdib ko, lalo akong naiiyak.

"Palibhasa, hindi niya ako tinuring na kaibigan. Kayo lang naman ang kaibigan niya. Kahit dati pa hindi na niya ako gustong maging kaibigan kaya napakamaldita niya sa akin. Kaya sinulot niya ang boyfriend ko. Sabit lang naman kasi ako sa friendship niyo."

"Hindi yan true bakla. Lexie cares for you." Chelsea said pero hidni ako naniniwala.

"Yes, He cares for you kasi nung nasa Paris nga siya, tinatanong ka niya." Dagdag pa ni Barbie.

The Gay Who Stole My BoyfriendWhere stories live. Discover now