Chapter 31

219K 7.6K 1.4K
                                    

Chapter 31

Damn! I put another dab of concealer on my eyebags. Ganito na ba talaga pag tumatanda na? Mahirap nang itago ang signs of aging? Pero hindi naman ito sign of aging kundi sign of stress. Sino ba naman kasi ang hindi ma si-stress sa mga nangyari sa akin? Una, totoong hindi bakla si Lexie, pangalawa, in love daw siya sa akin. Pangatlo, he's still hung up on his deceased girlfriend. Pang apat, apat na araw na simula nung nag walk out ako but I didn't hear anything from him. Not that I am expecting him to call, or text or to show up but if he's so well bent on proving to me his feelings he should have at least exerted an effort. Right? Hmp! Pero bakit ko ba iniistress ang sarili ko ng dahil kay Lexie? Echosera siya! Umismid ako at lumabas ng opisina at tumulong sa boutique.

I was assisting one customer when someone called my attention.

"Missy." Napalingon ako and I saw Shing coming towards me.

"Shing!" Nakangiting lumapit siya sa akin.

"What are you doing here?"

"Naghahanap ako ng regalo para kay Mommy." I smiled at him. Ganun pa dinsiya, sweet pa din siya sa Mommy niya. Isa yan sa mga nagustuhan ko kay Shing. He's very close to his parents lalo na sa Mommy niya kaya hindi nakakapagtakang naging close din siya sa parents ko. Yun nga lang, nagpapaniwala sa mga astrology.

Tinulungan ko siyang maghanap ng gift para kay Tita at nagbigay din ako ng gift ko. Kahit para man lang sa madaming spaghetti na nakain ko habang bumibisita kami sa kanila. After namin napabalot ang mga gifts, niyaya ako ni Shing na magmeryenda at hindi na ako tumanggi.

"Himalang wala kang bantay ngayon." Sabi niya pagkaserve ng kape namin. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What do you mean walang bantay? Kailan pa ako nagkaroon ng bodyguard?" Nagpapatawa 'tong si Shing.

"Your boyfriend."

"Si Ter? Hay naku, hiwalay na kami." Pinaalala pa. Nangunot ang noo ni Shing.

"Hindi ko kilala si Ter. Si Alexander ang sinasabi ko." Huh?

"Alexander? As in Lexie?" Anong pinagsasabi nitong si Shing?

"Yes."

"Saan mo naman nakuha ang tsismis na naging kami ni Lexie? He was gay. Paano maging kami?"

"He told me himself. You mean, you never had a relationship? And Missy, he's not gay." Nangungunot ang noo ko habang seryosong nakatingin kay Shing.

"Alam mong hindi siya bakla?" Paanong nalaman ni Shing na hindi bakla si Lexie? Kami nga na mga kaibigan niya naloko niya eh. Kunsabagay, hindi naman naging close si Lexie at Ter kaya hindi nakita ang kabaklaan dati ni Lexie. If I remember correctly, minsan lang sila magkita, nung nagbakasyon si Lexie from Paris.

"He's gay? But when he talked to me about your relationship, he doesn't sound gay." Ganun? Pinakita niya ang totoong kulay niya kay Shing?

"Shing. Pwede bang ikwento mo sa akin ang lahat? Why did you break up with me?"Nagtatakang napatingin sa akin si Shing pero nagkwento naman siya.

"Kilala mo naman si Mommy di ba? She's very particular with feng shui and stuffs. Maybe I inherited those beliefs too. The day before we broke up, a woman came to our house for feng shui. I ignored her at first but then pinatawag nila ako and she told me about the vedic astrology. Mamalasin daw kami if I continue our relationship." I just looked athim.

"Sinabi niyang ako?"

'No..no...but she mentioned your sign, your built, the month and year of your birthday. She even mentioned a few letters of your name that according to her is not compatible with my name. Kaya naniwala kami because she seemed authentic. How the hell would she know about you, if she's not authentic? That's why I broke up with you."What the hell! Wala na talagang ibang rason? Dahil lang talaga sa hula? Hindi man lang third party? O di kaya na fall out of love siya? Yung mga gasgas na break up lines.

The Gay Who Stole My BoyfriendWhere stories live. Discover now