Chapter 35

256K 8.6K 1.3K
                                    

Chapter 35

I don't know how long I've been sitting at Mandy's lawn beside the pool. Basta nung hindi na ako binalikan ni Lexie, pumunta ako sa poolside para magpahangin. Parang bigla kasing nag init ang living room nina Mandy, para bigla akong nasuffocate and I need a breath of fresh air kaya naisipan kong lumabas.

Hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa inantok ako kaya pumasok na ako sa loob ng bahay. Tahimik na ang buong bahay, tulog na ata ang lahat kasi past 12 na pala at kailangan pang gumising ng maaga para sa birthday ni Lime. Kaya pala inaantok na din ako. Inikot ko ang knob ng room namin nina Barbie and Chelsea but the knob didn't budge. Sinubukan kong buksan ulit pero sarado talaga. Nakalock mukla sa loob. I tried knocking pero mukhang tulog na tulog na ang mga bakla.

Saan ako ngayon matutulog? Alangan naman na sa nursery? Wala akong tulugan doon dahil doon natutulog ang mga Yaya. Lima ang kwarto sa bahay nina Mandy. Dalawang guestroom, isang master's bedroom, isang kwarto ni Lexie at ang nursery. Napatingin ako sa isa pang guestroom sa likuran ko. Baka bukas! Usually kasi hindi yan binubuksan kapag walang ibang guests.

Sinubukan kong buksan at laking tuwa ko nung hindi nakalock ang pinto. I opened the door at kinapa ang switch ng ilaw pero wala akong makapang switch. Then I remembered na nagpalit ng mga switch sila Mandy. Wala nang light switch sa mga kwarto, remote control na lahat.

Nangapa na lang ako sa dilim at dahil alam ko naman kung saan banda ang banyo, doon na ako dumiretso at naglinis ng katawan. Bathrobe na lang ang sinuot ko kasi ang mga gamit ko nasa kabilang room.

Napansin kong basa ang tile at gamit ang isang bathrobe. Hmm...baka dito natulog ang isa sa mga bading kasi masikip nga naman kung tatlo kami sa iisang bed. Baka tinamad na din si Mandy magpababa ng isang kutson.

Lumabas na ako ng banyo at dumiretso na sa kama. Hindi ko na lang pinatay ang ilaw sa CR at binuksan ng kunti ang para may kunting liwanang sa room. Nahiga na ako sa tabi ni Barbie or ni Chelsea at agad na nakatulog.

I smiled when I woke up, napasarap ang tulog ko. Ang bango ng kama ng guestroom nina Mandy. I like the warmth of the comforter, yun nga lang, bakit sobrang bigat naman ata ng comforter?

Then I realized na hindi comforter ang mabigat kundi dahil ang legs na nakapulupot sa akin. Langyang baklang to! Ang bigat! Ginawa akong unan. Nakatalikod ako and his legs is draping on my legs kaya ako nabibigatan. Tapos may kamay din na nakapulupot sa katawan ko diretso sa...sa boobs ko. His hand, whoever he is, is comfortably cupping my left boob. Nanlaki ang mga mata ko.

What the hell! Agad ko inalis ang kamay sa dibdib ko.

Bigla akong bumangon at hindi ko narealize nasa edge na ako ng bed kaya bigla akong nahulog sa sahig. Plakda, buttfirst. Thank God for the carpet but still and sakit ng balakang ko.

Sino ba ang hinayupak na baklang nangdadakma ng boobs kapag tulog? Bakit hindi ang dibdib niya ang kapain niya?

"Aray ko po!" Daing ko at sinubukang umupo pero masakit talaga ang balakang ko. Sinubukan kong abutin ang kama para makasampa ako at sa awa ng Diyos, nagawa ko naman pero muntik na ulit akong mahulog sa kama nung makita kong hindi si Barbie o si Chelsea ang katabi ko kundi si Lexie.

Nanlaki lang ang mga mata kong nakatingin sa kanya habang natutulog siya then he opened his eyes at nagkasalubong ang mga tingin namin. Nanlaki ang mga mata niya pagkakita sa akin.

"Missy! What the hell are you doing?" Gulat na gulat din na sabi niya at biglang napaupo sa kama.

"Gumagapang?" I said sarcastically. Hindi pa din ako makatayo.

"Ginagapang mo ako? You don't have to do that you know." May amusement na sa mga mata niya. Naramdaman ko ang pag iinit ng pisngi ko. Bwisit! Kung hindi lang masakit ang balakang ko, sinipa ko na siya lalo pa at ramdam ko pa ang init ng kamay niya na kung makahawak sa boob ko parang inari na niya.

The Gay Who Stole My BoyfriendWhere stories live. Discover now