I. NEW

832K 4.9K 145
                                    

MR. BADBOY'S WIFE

by: ms_tearious

This is my first ever story here at wattpad so please bear me with my flaws and imperfections in writting this story. I hope you'll enjoy and support this story.

 ****PAUNAWA****

THIS STORY IS PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL, AVAILABLE ANG BOOK SA PRECIOUS PAGES AT NATIONAL BOOKSTORE.
*****************

I.                   NEW

New School, new life. mag aadjust nanaman ako nito sa bagong lugar. by the ako nga pala si Janine Faye Gonzales, laking manila but suddenly kailangan namin umuwi sa probinsya dahil na sa namayapa na aking lolo at kailangan ni Daddy pamahalaan ang mga lupain na minana nya sa lolo. Kaya ito ako ngayon kinailangan kong lumipat ng school. I just hope na hindi ako mahirapang mag adjust dito and soon to have friends here. Hindi na rin masama na lumipat ako ng school dahil according to Daddy family friend daw namin ang nag mamay ari nitong University na kilala naman sa bansa.


Nagsimula na akong maglakad para hanapin ang isang hall na tinatawag nila ditong Convery Hall dahil  doon daw gaganapin ang pagwelcome sa mga studyante para sa semester na ito, sa laki ng school na ito I doubt kung makikita ko agad ito buti nalang nagbaon ako ng isang timbang tiyaga.


"Hi! Bago ka dito no?" nagulat ako ng may lumapit sa akin na isang magandang babae. I smiled at her ng tuluyan na siyang makalapit sa akin, sana naman tulungan niya akong makita itong lugar na hinahanap ko.


"Yup, ito nga medyo naliligaw na ako. I’m Faye.” Hindi na ako nahiyang sabihin iyon sa kanya she look nice naman at friendly. I offered her a handshake na tinanggap naman nito.

"I’m Antonette, pero Anne nalang. Since bago ka dito sigurado akong hinahanap mo ang Convery Hall at nagkalilala naman na tayo kahit sa name lang, sasamahan na kita at doon din naman ang punta ko.” napangiti ako, at hindi na nagdalawang isip na sumama sa kanya dahil magaan naman ang loob ko sa kanya at sa palagay ko naman ay mapagkakatiwalaan ko siya. 


Medyo malayo pa pala dito sa bungad ang Convery Hall nila, on our way there nagkwentuhan kami ni Anne para lalong makilala ang isa’t isa and good thing same year and course kami, my instant friend na agad ako at palagay ko magkakasundo kami.

  

Papasok kami ni Anne sa naturang Convery Hall nang biglang may bumunggo sa akin, muntik na akong matumba dahil sa lakas ng pagkakabunggo nito sa akin. Buti nalang naalalayan ako ni Anne kung hindi bumagsak na talaga ako.


"Ano ba!? Bulag ka ba o sinadya mo yun para mapansin kita?" sabi sa akin ng taong nakabangga sa akin, nang tingnan ko ito nakangisi pa talaga siya na para bang tuwang tuwa ito sa nangyari. Gwapo sana ito kaya lang halata ang kayabangan at kabastusan nito. At talagang napansin ko pa ang kagwapuhan niya! Kinalma ko ang sarili ko, ang lalaking katulad nito hindi ko dapat pansinin ang kagwapuhan, oo gwapo ito, matangkad, moreno at macho. Lalaking lalaki ang dating nito. I composed myself bago ako sumagot sa kanya.


 "Excuse me?" hindi ko alam kung bakit iyon lang lumabas sa bibig ko ang balak ko sana pagsalitaan ito pero parang hindi ko ito magagawa dahil sa klase ng tingin na ibinibigay nito ngayon sa akin. Matiim itong nakatitig sa akin na para bang pinag aaralan niya ang kabuuan ko, ang mata nitong mapungay na pagtumitig ay tumatagos sa pagkatao ko. He smirked bago sumagot sa akin.


"Excuse you?! Naku miss gasgas na yang style mo. Kung type mo ako sabihin mo hindi yung kunwari ibubump mo pa ako. Mga babae talaga makakita lang ng gwapo magpapansin agad." sabay tawa nito, yeah! He look so hot pag tumatawa pero mayabang ito, mali pala napakayabang nito bagay na ayaw na ayaw ko sa isang lalaki! 


"Hoy! Wag kang feeling dyan, sa halip na magsorry ka at nabunggo mo ako, aba'y masyado ka pang assuming! Duh! Type type your face, bakit ko naman magiging type ang isang unggoy?!"sabi ko sa kanya para hindi naman ako mapahiya at para naman mabawasan kayabangan nito.


"Faye, tama na yan, halika na.'" bago pa ito makasagot sa akin ay hinila ako ni Anne palayo dun sa lalaking gwapong unggoy.. aish!ano ba naman yan Faye nabastos ka na nga nagagwapuhan ka pa rin talaga! Sigaw ng utak ko, I can’t believe na sa kabila ng kagaspangan ng ugali nito ay nagawa ko pa ring humanga sa kanya. Pero sisiguraduhin ko naman na mawawala din iyon, hindi siya ang taong gugustuhin ko.


"Eh bastos to eh akala mo kung sino, pangit naman!" sagot ko kay Anne baka kasi mahalata ako nito.

"Tara na, hindi mananalo kay Mark." pilit niya akong hinihila  palayo dun sa Mark. Wala akong nagawa ng kundi magpahila sa kanya ng tuluyan dahil parang takot ito doon sa taong yun.


"Sino ba yun?" tanong ko kay Anne, bakit parang maraming takot sa kanya dito? Napansin ko kasi kanina maraming nakatingin sa amin pero walang nagtangkang lumapit para awatin man lang kami maging ang gwardya ay nakatingin din lang sa amin.


"Si Mark Dave Fuentabella yun, mayabang talaga yun, akala mo pag aari nya ang mundo, sila ang may ari nitong school kaya ganyan ang attitude, pero wag ka sya ang pinaka hot at pinakagwapo dito sa school.'' kinikilig pang sabi ni Anne at parang inimagine pa nito si Mark.


"Hot? Gwapo? San banda? malabo ba mga mata mo? Naku parang gusto kong magsisisi na dito pa ako ng transfer!" sabi ko kay Anne dala ng inis ko. Okay given na may itsura siya pero ang pangit ng attitude nito parang sosyal na sanggano lang sa kanto.


"Ano ka ba girl? baka mamaya nyan mahook ka kay badboy may magic pa naman sa mga girls yun, ikaw din!" nakangising sabi nito. hindi na ako nagsalita dahil nagsimula na ang program.

"Good Morning everyone! Welcome to Fuentabella University." yung may ari ng school ang nagsasalita. siguro tatay ito nung Dave na mayabang, sa isip ko lang. Marami pa itong sinabi tungkol sa iba't ibang program at acheivements ng school, maya maya pa tinawag nito ang Student Council president which is his son alone. Marami akong narinig na tilian. Sluts! sa isip ko.


"Hi everyone!" patweetums na sabi nito. Aba himala mukang naging maginoo. pero kumukulo talaga dugo ko sa unggoy na ito! Parang sarap nitong dagukan sa mismong stage ng makabawi man lang ako sa kanya. Paano ba naman kasi kalalaking tao pumapatol sa babae.


"Girl, kung nakakamatay yang talim ng tingin mo malamang tigok na si Papa Mark doon sa stage very letal ang tingin mo, you got the eye of the tiger." napalingon ako kay Anne halatang inaasar lang ako nito.


"Anong gusto mo ngitian kong unggoy na yan?" may halong iritasyon na sagot ko sa kanya but she don’t mind mukhang nag eenjoy ito sa presence ni Mark sa stage.



"Girl, ang gwapong unggoy naman nyan! Tingan mo sya ang gwapo gwapo!" kinilig na sabi Anne. Tiningnan ko ulit si Mark sa stage habang nagsasalita. Sa totoo lang gwapo naman talaga ito, matangkad I think nasa  5”9’ or 6 ft. yung height niya, moreno, mapungay ang mata, at ang lips wag ka kissable parang ang sarap halikan. At hindi maikakaila na macho talga sya, ano kaya ang feeling pag yakap ka nya? Naiapiling ako dahil kung anu ano ang pumapasok sa isipan ko Kaaway ko nga pala siya, badboy siya at hindi ko sya dapat hangaan.



"Ano girl, gwapo di ba?" si Anne na parang nang iinis pero hindi nalang ako sumagot para hindi na humaba pa ang usapan tungkol kay Mark at alam kong pagsumagot ako lalo lang ako nitong aasarin o ibubuyo sa taong iyon.


 Sa wakas natapos din yung program, sa mga nakita ko namang achievements that they presented kanina masasabi kong hindi nga basta basta ang University na ito. Tinagurian nga itong future of the business world. Medyo nagpahuli na kami ni Anne sa paglabas dahil ayaw naming makipagsisikan sa mga naglalabasang estudyante. Nang meyo na nagsisiksikan palabas ay napagpasyahan na din naming ni Anne na lumabas na din.



"Aray!" sigaw ko ng naramdaman kong may biglang bumatok sa akin, paglingon ko nakita kong tawa ng tawa si Mark at kasama yata nito ang mga barkada nito na nagtatawanan din. Pakiramdam ko biglang umakyat ang lahat dugo ko sa ulo sa sobrang galit, pakiramdam ko bulkan akong ano mang oras ay sasabog! Napakawalang modo nito, wala akong ginagawang masama sa kanya para gawin niya sa akin ito, nakakabastos na talaga! Hindi ko na napigilan ang sarili ko para gawin ang isang bagay sa kanya, pero hindi  pagsisisihan ito dahil he deserve this.

Lahat ng mga estudyante na palabas maging ang ilang staff ay biglang napatigil at halata sa mukha ng mga ito ang gulat sa ginawa ko kay Mark, but I don’t care! 

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Where stories live. Discover now