XXVI. ATHENS 2

147K 1.6K 77
                                    

XXVI. ATHENS 2



Our New Year here in Greece went well, last day na naming ngayon sa Greece mamayang gabi na flight naming pabalik ng Pilipinas, kaya sususlitin naming ang oras para makapamasyal at mamili ng mga pasalubong.


“Asawa kong antukin bangon na dyan, baka magbago pa ang isip ko at hindi na tayo makapamasyal.”narinig kong sabi ni Mark, mukhang kagagaling lang nito sa shower dahil amoy na amoy  ko ang sabon na ginamit nito at ang kanyang after shave.

“Nakakatamad bumangon pero babangon na ako.”pinilit kong bumangon kahit pakiramdam ko ang bigat bigat ng katawan ko, ang gusto kong gawin ay humiga at matulog maghapon. Nang makabangon ako ay agad akong tumuloy sa shower room dahil alam kong mamadaliin nanaman ako ni Mark, masyadong mainipin ang isang yun kaya kailangan kong magmadali.


“Magbreakfast muna tayo bago tayo umalis, oorder na ako, anong gusto mo babe?”narinig kong sabi ni Mark mula sa labas ng banyo.

“Anything, ikaw na bahala.”sagot ko sa kanya, sa ilang buwan na pagsasama naming sa iisang bubong alam na ni Mark ang gusto at ayaw ko sa pagkain. Sa araw araw marami kaming bagong discovery sa isa’t isa, like siya ayaw niya ng mabagal kumilos at gusto niya laging organized ang mga gamit namin sa bahay, ayaw niya rin ng maysadong malakas na volume ng TV o sounds pagnagpapatugtog ako sa bahay, minsan nga mas maarte pa siya kesa sa akin.

“Babe, breakfast will be ready within 15 minutes.”

“Okay.”sagot ko sa kanya, kailangan kong magmadali dahil ayaw niyang pinaghihintay ang pagkain.

--


Una naming pinuntahan ang Areopagus Rock kung saan sinansabing nagpreach daw sa naturang lugar si St. Paul, maraming tao ang nadtanan naming doon at karamihan mga turista din gaya namin.

“babe, smile.”hawak hawak ni Mark yung DSLR habang abala sa pagkuha ng picture sa akin.

“Tayong dalawa naman.”hiling ko sa kanya.

“Okay.”lumapit ito sa akin at hinapit ako pagkatapos itapat sa amin ang camera na hawak niya.

“one, two.. smile.”pagkaclick niya sa camera ay hinalikan niya ako sa pisngi.


“Patingin nga!”inagawa ko sa kanya yung camera para tingnan yung picture. Ang cute naming tingnan, todo ngiti ako habang siya naman ay nakahalik sa pisngi ko.

Nilibot namin ang buong Areopagus Rock at wala kaming ibang ginwa kundi magpicture at magkulitan.

“national Museum na tayo bago tayo magshopping ng mga pasalubong.”sabi ko kay Mark.


“Nasesense kong marami akong dadalhin pagbalik sa hotel.”natawa na lamang ako, dahil alam niyang pagsinabi kong shopping talagang marami akong bibilhin.


Pagkadating naming sa National Musuem agad kaming nagikot, nakakalibang talaga dahil ang dami dami mong makikita, lalo na at mahilig ako sa greek mythology kaya talagang nag eenjoy ako. Sa kaiikot ko hindi ko namalayan na medyo napalayo na ako kay Mark dahil busy din ito sa pagtingin ng mga paintings.


“I believe that the lovely lady beside me is Ms. Janine Gomez.”napalingon ako sa nagsalita mula sa pagtingin sa statue ni Poseidon.


“Tristan?”alam kong halata ang pagkagulat sa mukha ko.


“Sino pa nga ba?”tumawa ito kaya lalong naningkit ang mata nito. Isa siyang international photographer pero tsinoy ito.


“Wow! It’s been a long time.”sabi ko sa kanya, siya ang photographer namin noon sa New York.


“Yeah, 4 years since our last project together, you’ve grown up and you’re lovelier.” Puri nito sa akin.


“Thank you, bolero ka pa rin talaga.” Sa pagkakatanda ko nasa 24 o 25 na and edad nito ngayon, and I must admit he looks good.


“So what are doing here?”tanong nito

“vacation. Ikaw?”


“Photo shoot, balita ko nag quit ka na sa modeling career mo, sayang naman potential mo, kung hindi ka nagquit I’m sure isa ka ng supermodel lalo sa ganda mong yan.”


“I want to finish school first, at after noon saka ko pag iisipan kong gusto ko pang bumalik.”simpleng sagot ko sa kanya.


“bumalik ka sayang naman, maganda ang future sa modeling world. By the way sinong kasama mo?”palinga linga ito parang hinahanap kong may kasama ako o wala.

“im actually with my-“


“Husband, her husband.”hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi sumingit si Mark, alam kong hindi nito gusto ang nakikita.


“May asawa ka na?”gulat na tanong sa akin ni Tristan.


“Yes. Tristan this my husband Mark Dave Fuentabella, babe si Tristan, photographer siya noon sa last project ko.”pagpapakilala ko sa knila sa isa’t  isa. Nagkamay ang mga ito, nakitang kong nagrelax ang mukha ni Mark.


“Fuentabella? Wait I know you, ikaw yung makulit na teenager noon sa New York na nakiusap sa akin na gustong mapanood ang exclusive photo shoot ni Janine! Tama ikaw yun, patpatin ka pa noon ah, hindi mo talaga pinakawalan si Janine, bilib din ako sayo ah.”hindi matiago ang pagkagulat at pagkamangha sa mukha ni Tristan habang nakatingin sa amin ni Mark.


“babe?”tumingin ako kay Mark upang kumpirmahin kong totoo ng sinasabi ni Tristan.


“I told you I was there.”para itong batang nahihiya sa crush, nagblush pa nga ito.


“Actually Janine your husband even insisted na kahit taga serve nalang siya ng tubig o kape ng buong staff makita ka lang niya, ayaw pumayag ng organizer noong una, kaya ako ang kinulit eh mukang patay na patay sayo, would you believe na lumuhod pa siya sa akin noon nakikiusap na isama ko siya sa loob ng area, kaya ayon isinama ko siya bilang taga serve ng tubig at kape.”tawa ng tawa si Tristan habang nagkukwento, nasa labas na kami ngayon ng National Museum para hindi kami makaistorbo sa ibang namamsyal.



“Really? He never told me about that thing.”hindi ako makapaniwalang ginawa yun ni Mark noon, nakayuko ito at parang hiyang hiya na nabuko siya.


“Yeah, at hindi ka na talaga pinakawalan, itinali ka na agad huh! You just broke my heart with that Janine.”alam kong nagbibiro lamang ito.


“Hey! Nandito ako, asawa lang naman ako ni Janine.”hindi maitago ang inis sa mukha ni Mark dahil sa sinabi ni Tristan.


“I’m just kidding dude, hahaha! Congrats sa inyo, and let me remind you Fuentabella, pag iniwan mo yan nako pare maraming sasalo dyan.”sabi nito at tinapik pa ang balikat ni Mark.


--

Marami pa kaming pinuntahan na lugar ni Mark bago naming napagpasyahang magshopping ng mga pasalubong, natatawa ako sa kanya dahil reklamo ito ng reklamo sa dami ng bitbit na pinamili ko.

“babe, may balak ka bang magpatayo ng department store? Ang dami dami na nito, please naman tama na, bumalik na tayo sa hotel please.”halos hindi ito magkanda ugaga sa pagdala ng mga pinamili ko.


“Let’s have early dinner first, im hungry.”


“Nanaman? Babe wala pang dalawang oras mula nung kumain tayo ah.”gulat na sabi nito.


“Eh sa nagugutom ako eh, dami mong reklamo, tara na kakain tayo and that’s final!”wala naman itong nagawa  kundi sumunod sa akin.

--

A/Note:

Comments and Votes are very much appreciated.

Thank you guys sa walang sawang pagsuporta, sana more reads to come.

-jinii-

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Where stories live. Discover now