XLVIII. OBSTACLE

134K 1.3K 65
                                    

XLVIII. OBSTACLE

Ilang araw ko ng napapansin na parang wala sa sarili si Mark at napakalalim ng iniisip, may bumabagabag sa kanya pero everytime na tatanungin ko siya wala naman daw. Gaya ngayon pag uwi niya galing sa opisina agad itong tumuloy sa kwarto ni Janelle at tila wala sa sariling nakatitig lamang sa baby na payapang natutulog sa loob ng crib.

"Something wrong?"linapitan ko siya, lumingon ito sa akin at ngumiti.

"Wala naman babe, pagod lang ito."he hugged me when i finally reached him.

"Are you sure? Parang lately laging may bumabagabag sayo." nag aalala na talaga ako sa kanya at naninibago ako sa ikinikilos niya.

"I'm okay."he tried to smile pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.

"Kung ano man yan, wag mong solohin. Asawa mo ako, I'm always here for you."

"Thank you babe. Siya nga pala bakit ikaw ang sumundo kay David sa school?"binundol ng kaba ang dibdib ko.

"I didn't." pailing iling sa sabi ko sa kanya. Lalong lumalim ang pagkakunot ng noo nito.

"Are you kidding me?"i sense warning on his voice na para bang sinasabi nito na wag ko siyang biruin ng ganoon. Agad akong lumabas ng kwarto ni Janelle at tumuloy sa kwarto ni David just to make sure na nakauwi na ang anak ko. Domoble ang kaba ko ng wala doon si David, nagsimula na akong magpanic, hindi ko ito sinundo sa school.

"Where is David?"hindi mapakaling tanong ko kay Mark, napasabunot ito ng buhok.

"The guard told me that someone picked my son. Akala ko ikaw dahil ang sabi babae daw."ngayon lang nangyari ito, imposible namang sunduin ng iba ito ng hindi pinapaalam sa amin. Maya maya pa ay biglang nagring ang cellphone ni Mark, unregistered number iyon. Sinagot iyon ni Mark at niloudspeaker.

"Hello?"kunot noong sabi ni Mark, inilapag nito ang cellphone sa mesa.

"Mr. Fuentabella." malamig ang boses na sagot mula sa kabilang linya.

"Yes. Who are you?"pati ako ay nakuha ang atensyon kung sino mang caller iyon.

"Dinadaga ka na ba? Ano ang pakiramdam na wala ang panganay mong anak ngayon?"the man on the other line laughed.

"Anong kailangan mo? Nasaan ang anak ko?" medyo tumaas na ang boses ni Mark, nakakapangilabot ang tawa mula sa kabilang linya.

"Sabi ko naman sayo di ba? Ingatan mo ang pamilya mo dahil isa isa silang mawawala sayo. Your son, pinatulog ko muna o baka naman gusto mong habang buhay ng matulog ang anak mo."muli itong tumawa, hindi ko ito kaya my son, nasa panganib.

"Subukan mong saktan ang anak ko, i'll kill you!" sigaw ni Mark dito pero gaya ng kanina tumatawa nanaman ang nasa kabilang linya na parang tuwang tuwa na nagagalit si Mark.

"Sige, hindi ko sasaktan ang anak mo. Pero okay lang ba sayo na yung asawa mo nalang ang kunin ko? hmmmm.. kahit kapapanganak palang niya, she's always sexy as hell."muli itong tumawa ng malademonyo.

"Ibalik mo sa amin ang anak ko!"hindi na ako nakatiis kaya sumagot na ako.

"Hi Janine Faye,ibabalik ko ang anak nyo ni Mark kung ikaw ang kapalit."nakakapangilabot ang boses at halakhak nito. Pinutol nito ang linya, nagkatinginan kami ni Mark na hindi maikaila ang galit na nakabakas sa mukha nito.

"Mark, natatakot ako baka saktan niya si David."hindi ko na mapigilan na mapaluha. Agad namang yumakap sa akin si Mark.

"Hush babe, hindi ko papayagang masaktan niya ang anak natin at lalong hindi ako papayag na kunin ka niya sa akin, makakapatay ako ng tao pag nangyari yun."hinalik halikan nito ang bumbunan ko. Sino kaya ang kumuha kay David? Ang sabi babae ang sumundo aky David sa school pero lalaki naman ang tumawag kay Mark.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora