XXII. CHRISTMAS BALL

164K 1.6K 40
                                    

XXII. CHRISTMAS BALL

 Pagkatapos ng Charity events naging extra sweet at caring sa akin si Mark. Nalulunod ako sa pag aalaga niya sa akin kaya naman lalo ko siyang minamahal at sana dumating din yung time na masabi niyang mahal niya ako. Di ko tuloy maiwasang mapangiti pag naalala ko ang mga kasweetan ni Mark.

*flashback*

Nasa kalagitnaan ako ng klase ng bigla itong kumatok sa classroom ko.

"Yes Mr. Fuentabella?" nakangiting bungad ng prof ko sa kanya.

"Ma'am pwede po ba munang makaistorbo saglit may importante lang po akong iaanounce." abot hanggang tenga ang ngiti nito.

"Sure Mr. Fuentabella at mukang hindi ka rin naman mapipigilan." nagpasalamat ito at tumuloy na sa classroom namin, lahat ng mata ay nasa kanya lalo na ang mga babae. Hindi rin kaila sa buong campus ang relasyon namin ni Mark yun nga lang ang alam ng iba eh fiance ako ni Mark at hindi asawa.

"Hi everyone!" masiglang bati nito sa lahat at yung mga fan girls niya kuntodo kilig naman.

"I’m here in front of this class to make an very important announcement." tumigil ito saglit bago nagpatuloy pero nakapako ang mga mata nito sa akin.

"Gusto ko lang po malaman ninyo na this is the best year of my life, as you all know that Janine Faye is my fiance." kinakabahan ako sa mga pinagsasabi ni Mark pero hindi rin mapigilan ang kilig na umuusbong sa pagkatao ko.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Where stories live. Discover now