XX. CONFLICT

164K 1.6K 42
                                    

XX. CONFLICT

Hindi ko naabutan ang kotse ni Mark sa parking lot ng school, hindi man ito nagsabi na mauuna na ito o kung may dadaanan pa siya. Naglakad nalang ako palabas ng campus para magtaxi ng may biglang tumigil na kotse sa gilid ko.

"Aine hatid na kita." si Evan pala,sumakay ako sa passenger seat at sinabi ko kung saang subdivision kami nakatira ni Mark.

"Nice house, laki niyan para sa inyong dalawa ah." Anito ng makarating kami sa tapat ng gate namin.

"May mga kasambahay kaming kasama." sabi ko sa kanya bago ako bumaba ng kotse niya, bumaba rin siya upang pindutin ang doorbell. Maya maya pa ay lumabas na si Manang upang buksan ang gate, nakita kong nakapark na ang kotse ni Mark.

"Tara pasok ka." Yaya ko sa kanya upang makita din nito si Mark.

"Hindi na may pupuntahan pa ako eh." Tanggi nito sa akin mukhang inihatid lang talaga ako sa bahay.

"Salamat sa paghatid."

"Ikaw pa, sige bye." humalik pa ito sa pisngi ko bago tuluyang sumakay ng kotse niya at umalis. Papasok n asana ako ng gate ng makita ko si Mark sa may main door na madilim ang mukha.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt