VI. REAL WORLD

224K 2.4K 33
                                    

VI. REAL WORLD

This my day, my birthday, my eighteenth birthday. I’m so happy and excited pero sa kabila noon nakakaramdam pa rin ako ng lungkot, sana nandito ang Mommy ko. Maaga kasi itong binawi ng Panginoon sa amin kaya naman lumaki akong si Daddy ang kasama. Pero thankful naman ako ksai mahal na mahal ako ni Daddy kahit minsan hindi ito nagkulang ng pagmamahal sa akin.

Kung may isang bagay man na nakakagulo sa isipan ko ngayon iyon ay kung papaanong si Mark ang escort ko? Last week ko lang nakita ang invitation, my first choice is Evan my bestfriend but since he’s not around hinayaan ko na lamang si Daddy ang mamili ang buong akala ko isa sa mga pinsan ko ang magiging escort ko but I was wrong, totally wrong! Ang tanging dahilan na ibinigay sa akin ng magaling kong ama ay family friend at business partner naman daw namin ang mga Fuentabella, wala naman akong magagawa naipamigay na ang mga invitations at ayaw ko namang bigyan ng sama ng loob si Daddy. Napatigil ako sa pagmumuni muni ng may kumatok.

“Tuloy, bukas iyan.” Hindi na ako nag abalang tumayo, baka yong event coordinator ito.

"Ms. Janine ready na po ba kayo? Nandito nap o kasi yung mga make up artist ninyo." Hindi nga ako nagmali yung event coordinator nga, pumasok ito sa hotel suites na kinaroroonan ko ngayon. Ang balita ko pag aari ng mga Fuentabella itong hotel, hindi ko nga maintindihan si daddy pwede namang sa Hacienda ganapin bakit dito pa?

“Sige po papasukin nyo nap o sila." tuluyan nitong binuksan ang pintuan upang patuluyin ang mga kasama nito. Bago ito lumabas inilapag nito sa kama ang isang malaking box nahuhulaan kong yung gown na gagamitin ko ang laman ng box na iyon.

“Naku kagandang bata naman nito kahawig mo si Nina Dobrev.” Nakangiting sabi nito sa akin, hindi siya ang unang beses na nagsabi na kamukha ko yung artista na iyon. Pang Vampire Diaries pala ang beauty ko.

Inayusan na nila ako, tatlo sila na puro gay. Hinayaan ko na lamang sila sa kung anu anong pinag gagawa at pinaglalagay nila sa mukha ko. Hindi naman siguro sla ihihire kong hindi sila magaling. Finally pagkatapos ng mapakatagal na sandal natapos na rin sila sa pag aayos sa akin. I slowly opened my eyes, ilang beses akong kumurap upang masiguro na ako nga talaga ang nasa reflection ng salamin.

“Ang ganda mo talagang bata ka.” Maging ang make up artist ay natuwa din sa resulta ng pag aayos niya sa akin. I’m speechless hindi ako makapaniwalang ako ito ang ganda ko! Simple lang naman ang ginawa nila sa akin light lang ang make up at yung buhok ko kinulot nila ang bandang dulo na bumagay naman sa akin.

“Magbihis ka na para lalong lumutang ang kagandahan mo.” Binuksan nito ang malaking box na nasa gitna ng kama. Kinuha ko yung gown at pumunta ako sa banyo upang magbihis. Maganda ang yari ng gown na pinasadya pa sa sikat na designer. Pakiramdam ko I’m a princess wearing this gown.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Where stories live. Discover now