LIV. RENEWAL

136K 1.4K 51
                                    

LIV. RENEWAL

"We need a break babe. After ng nangyari sa inyo ni David we deserve a long vacation. Makakabuti din ito kay David para makalimutan niya ang nangyari."paliwanag sa akin ni Mark dahil nga kumukontra ako sa gusto nitong bakasyon.

"Okay sige payag na ako. Pero two weeks is enough okay? "dalawang buwan na rin ang nakalipas mula ng makalabas ako sa ospital. Tama ito we need this vacation, dahil ito mismo ay walang pahinga dahil sa mga negosyo, ako naman full time na mommy nina David at Janelle.

"Okay babe. So ifinalize ko na ang exclusive trip natin using our very own cruise ship."nangniningning ang mata nito sa tuwa para bang iniimagine na nito ang naturang bakasyon. Cruise pala ang gusto nito, tama din lang para mas relaxing.

"Wow! mukhang talagang nakaplano na ang lahat ah. Well mas okay nga yan para mas relaxing at for sure mag eenjoy si David alam mo naman kung gaano nag eenjoy yun sa dagat. In time si Janelle maeenjoy nya na rin ang mga ganitong bagay."i tried to imagine our daughter na lumalaki.

"Ang bilis nilang lumaki, sooner manliligaw na yan si David. Ready ka na ba para doon?"he teased me and I frowned, para sa akin baby pa rin si David parang ayaw ko pang isipin ang pagdating ng panahon na manliligaw na ito at magkakaroon ng sariling pamilya.

"Mabilis din lumaki si Janelle babe, hindi mo na rin mamamalayan ang panahon may manliligaw na din sa kanya, magkakaboyfriend at magaasawa. remember we got married when I was eighteen."I also teased him dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang bunso namin, sunod sunod itong umiling.

"Matagal pa yun babe at sisiguraduhin ko munang dadaan sa butas ng karayom ang sinumang magliligaw sa bunso ko. Let's not talk about the future, lets enjoy the present."gusto kong matawa sa facial reaction nito talagang hindi nito nagustuhan ang idea ng paglaki ni Janelle.

"Kailan tayo magbabakasyon?"pagbabago ko ng topic dahil baka mawala lang ito sa mood. Ganito ko na siya kakilala, alam ko na ang mga simpleng bagay na ayaw at kina iinisan nito. Pero sa bawat araw na magkasama kami marami pa rin akong madidiscover kahit namaliliit na bagay sa kanya.

"How about the day after tomorrow?"he grinned, mukhang talagang hindi na ako nito bibigyan pa ng chance na hindi pumayag.

"Hindi ka rin naman excited nyan?"lumapit ito sa akin at mahigpit akong niyakap. Isa sa mga ugali nito na gustong gusto ay ang pagiging malambing nito. He is so sweet kahit na sa kaliit litang bagay, ugali nito na nakuha naman ni David.

"Babe, we need this, no more buts."may katigasan at pinalidad na sa boses nito.

"Okay, okay wala naman akong magagawa. Family bonding na din,lalo ka na masyado kang busy lately." Namiss ko na rin na makasama siya ng matagal, kahit na araw araw kaming nagkikita sa bahay iba pa rin talaga anng quality time. Lagi itong nagmamadali, madalas din itong gabihin dahil sa dami ng trabaho sa opsina. Pag nasa bahay naman lagi itong may kausap sa phone, minsan nga gusto ko ng magselos pero pilit ko pa rin siyang inuunawa.

"That's my girl, kaya nga mahal na mahal na mahal kita dahil ikaw ang best mommy at best wife. Kahit na minsan masungit at sobrang mataray ka mahal pa rin kita."lalong humigpit ang yakap nito sa akin.

"Ikaw din naman mahal na mahal na mahal kita kahit na mayabang at mainitin ang ulo mahal pa rin kita Mark Dave Fuentabella. I love you."gumanti din ako ng mahigpit na yakap sa kanya.

"I love you more Janine Faye."

--

"I'll make sure this will be the best vacation ever." he winked at me. Kadarating lang naming ngayon sa cruise ship.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Where stories live. Discover now