XV. MOMENTS

187K 1.8K 45
                                    

XV. MOMENTS

“Dala ko yung kotse ko.” Pagbibigay alam ko kay Mark.

“Iwanan mo nalang safe naman yan dito sa school yung kotse ko nalang gamitin natin.” sabi ni Mark habang papunta  kaming parking lot.


“Hi Faye! Galing mo pala kumanta. Pwede ko bang makuha number mo?” may nakasalubong kaming isang lalaki na estudyante din dito sa University gwapo din naman ito pero halatang mayabang.

“No. She’s my girl so back off.” sabi ni Mark at inakbayan ako nito. Kilig to the bones naman ako. Parang gusto ko tuloy isipin na nagseselos siya.

“Sorry Mark, hindi kita napansin.” Parang biglang naging maamong tupa ito sa harap ni Mark.

“Lets go babe.” hinila niya ako palayo dun sa lalaki. Sana lagi nalang siyang ganito, yung ako lang ang nakikita niya, yung tipong ako lang ang babae sa buhay niya. Sana forever kaming ganito. Pagdating naminsa tapat ng kotse niya ay napatingin siya sa may kotse ko.

“Dito ka din pala nagpark.” Nakatingin ito sa kotse ko.

“Yup, di mo lang siguro napansin kanina mukang busy ka kasi eh.” hindi ko na napigilan ang bibig ko. Tumingin siya sa akin na parang may gustong sabihin.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Där berättelser lever. Upptäck nu