XXXVII. DEAL

155K 1.7K 64
                                    

XXXVII. DEAL

“Papayag na ako sa annulment.”bigla akong napatingala kay Mark, we’re now on the middle of the dance floor, pagkabalik ko galing washroom inaya ako ni Mark na magsayaw hindi ako nakatanggi dahil agad niya akong hinala sa dance floor.

“T-talaga?”hindi ako makapaniwala na pumayag ito at hindi ko rin maikakaila ang sakit na naramdaman ko sa kaalamang sumuko na siya and he agreed to our annulment. Sabagay yun naman ang gusto ko di ba? Pero bakit hindi ako masaya?

“Yes, but in two conditions.”mariin na sabi nito, maang na muling tumingin ako sa kanya.

“What conditions?”nakita ang pagseryoso ng mukha nito at kinabahan ako doon.

“First, you need to work in our company, technically may ari ka din ng JFF dahil ang perang ginamit ko dito ay ang pera na galing sa mga magulang natin nung ikinasal tayo, idinagdag ko lamang ang trust fund. You will work as company consultant, dahil dapat mong pangalagaan ang sarili mong kumpanya.” Kaswal na sabi nito na para bang kliyente nya ang kausap niya. patuloy pa rin kami sa marahan na pagsayaw, kung titingnan kami akala mo ang sweet naming dahil masyadong malapit ang mukha naming sa isa’t isa na nagdulot sa akin ng kakaibang pakiramdam.

“Imposible yan, may sarili na akong buhay sa Nevada at temporary lang ang pagbalik ko dito. At isa pa nandoon ang buhay naming mag ina.”lalo akong kinabahan ng makita kong tumaas ang sulok ng labi nito na para bang nagpipigil ng ngiti, knowing Mark may iniisip itong kakaiba.

“Bago ka tumanggi alamin mo muna ang pangalawa kong kundisyon.”He smirked again.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Where stories live. Discover now