XXVIII. VALENTINES DAY

151K 1.4K 38
                                    

XXVIII. VALENTINES DAY



“Delivery for Mrs. Fuentabella!” biglang may umeksena habang nasa klase ako, may dalawang estudyante ang nag excuse sa klase upang ibigay sa akin ang isang bouquet ng white roses na may kasamang isang kahon ng chocolate, habang ang isa naman ay may dalang life size stuff toy. Narinig kong ang kantyaw ng mga classmate ko sa pamumuno nanaman ni Anne.



“That’s enough, Faye mukang araw araw ka talagang nililigawan ni Fuetabella .”nakisama sa pang aasar ang prof naming, ngiti lang ang isinagot ko sa kanya. May napansin akong maliit na card sa mga bulaklak binasa ko ito, ang nakalagay doon “I’ll pick you later 8pm my dear and lovely wife. I love you. Mark”




After ng klase agad ko siyang tinawagan pero hindi niya naman sinasagot kaya nagtext na lamang ako para magpasalamat. Mga 30 minutes bago ito nagreply, wala daw siya sa school nasa meeting daw at sinabing susunduin siya nito sa bahay nila para sa date nila.






“Excuse me Faye, para sa iyo.” Inaabot sa akin ng isang lalaki ang isang box ng chocolate, mukha itong kinakabahan at parang di mapaanak na pusa. I smiled at him na ikinapula naman ng mukha nito.






“Galing ba sayo yan?”palagay ko first year pa lamang ito totoy na totoy pa.






“O-oo.”lalo itong kinabahan.






“Bakit mo ako binibigyan niyan?”nakakatuwa itong tingnan parang mahihimatay ito sa nerbyos.





“C-Crush kasi kita.” Namumulang amin nito at bumulong pa na nakaabot naman sa pandinig ko “Sana wag marinig ng asawa mo kundi patay ako.”






“So aware ka naman na may asawa ako di ba?” hindi ko maintindihan pero naaliw ako sa batang ito, gwapito itong bata, may pagkakahawig nga kay Drei eh.





“O-opo, please wag mong sabihin kay Kuya Mark, lagot ako sa kanya.”alumpihit na sabi nito.






“Kuya Mark? Your name?”






“Hey kiddo what are you doing here?”namutla ito ng marinig ang nagsalita.






“hey babe, akala ko nasa meeting ka?”nagtataka man ay humalik ako sa pisngi nito.






“Namiss kita at gusto kitang sabayan maglunch. Justin Dexter, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, anong ginagawa mo dito?” baling nito sa binatilyo habang nakatingin sad ala nito box ng chocolate.







“Ah, eh kuya napadaan lang po.”nakayukong sagot nito at parang takot na takot.






“Para kanino yang chocolate na hawak mo?”parang imbestigador na tanong ni Mark sa kanya, nakamasid lang ako sa dalawa at palagay ko malapit na magkakilala ang mga ito.






“Para kay Ate Faye po. Crush ko lang naman po siya kuya. Crush lang kuya.” napataas ang kilay ko kanina Faye lang tawag nito sa akin ngayon ate Faye na.






“Hipag mo pala ang crush mo JD.”may sumingit nanaman si Anne.






“Hipag?”nagtatakang tanong ko kay Anne at Mark.






“Hipag sa pinsan to be exact. Kapatid ni Drei yan.”sagot ni Anne.






“Oh talaga, ang cute cute mo naman.” Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya pinisil ko ang pisngi nito. Mukhang nasaktan ang binatilyo sa ginawa ko kasi namula ang pisngi nito.






MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Where stories live. Discover now