XVI. NEW HOME

182K 1.8K 31
                                    

 XVI.  NEW HOME

After a week lumipat na sila Faye at Mark sa bago nilang bahay. Wala naman silang nagging problema sa bahay dahil fully furnished na ito sinigurado muna nila na kumpleto na ang mga kagamitan bago nila napagpasyahang tumira na doon.

“Girl ang ganda ng bahay nyo!” manghang bulaslas ni Anne pagkapasok palang nito.

“Thanks Anne, regalo lang sa amin kaya maganda.” tumatawang sagot ni Faye, bigay ng mga magulang nila itong bahay bilang regalo sa kasal nila.

“Sinong interior designer nyo? Wala akong ma say ha, ang galing niya at tingnan mo naman ang ganda ng pagkakaayos. Siguro malaki talent fee noon?” patuloy ito sa pag puri hanggang sa loob ng bahay.

“Nakakatawa ka talaga, ako lang nagdesign dito sa loob no!” ipinaubaya sa kanya ni Mark ang pagdedesign at pag aayos sa loob ng bahay ang katwiran nito para daw amy feminine touch.

“Talaga!? Naku girl ano pa bang talent mo ang hindi ko nakikita?” hindi makapaniwala si Anne, nakakatuwa talaga ang personality nito.

“Sira ka talaga!” I just laughed at her.

“Nagsasabi lang ako ng totoo,di bale pag nagpagawa na si Papa Drei ng bahay naming, ikaw kukunin kong interior designer.” Hanggang ngayon hindi pa rin mawala ang pagkahumaling nit okay Drei, head over heels in love daw siya kay Drei.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon