XLIX. SUSPECT

123K 1.2K 51
                                    

XLIX. SUSPECT

Hindi ko alam kong tama itong ginawa ko, pero bilang isang ina ang gusto ko lang ay siguro ang kaligtasan ng anak ko. Dahan dahan kong kinuha ang cellphone ni Mark sa side table habang mahimbing itong natutulog sa tabi ko. nakahinga ako ng maluwag ng makuha ko ito nang hindi gumagawa ng kahit anog ingay. Agad ko itong binuksan at pumunta sa call log para hanapin ang isang number. agad ko itong isinave sa cellphone ko at marahang ibinalik ang cellphone ni Mark sa side table. Wait for me David, bulong ko sa sarili ko.

Halos hindi na ako makatulog sa kahihintay ng update ng pulisya, mag iisang linggo na mula ng mawala si David, may nilagay ang taga NBI sa mga cellphone namin para matrace ang location ng kidnapper pag muli itong tumawag sa amin.

Pero nakakapagod maghintay hanggang ngayon hindi pa rin ito tumatawag kaya ako na ang tatawag sa kidnapper, ako na ang mismong lalapit sa kanila para sa anak ko. Hindi ko kayang isipin kung ano na talaga ang tunay na kalagayan ni David sa kamay ng kidnapper niya. Dahan dahan akong bumangon upang silipin si Janelle sa kwarto niya, hindi ko alam kong makikita ko pa ulit ang bunso ko sa gagawin ko. Maingat ko siyang binuhat para hindi magising. Ang isipin palang na hindi ko na makikita ang mga anak ko parang madudurog na ang puso ko, alam ko namang hindi sila papabayaan ni Mark.

"Babe? Bakit nandito ka?"gulat akong lumingon sa pituan kong saan nakatayo si Mark. Nagising siguro ito ng bumangon ako.

"Sinilip ko lang ang bunso natin."i tried to smile to hide the pain and sadness. marahan itong naglakad papunta sa amin. Hinalikan nito ng marahan ang bata, pagkatapos ay matiim na tumitig sa akin.

"Sana hindi tama ang hinala ko Janine, please hayaan mo na akong gumawa ng paraan para mahanap si David. Don't put yourself in danger, I need you, our children needs you." hindi naman sa wala akong tiwala sa asawa ko, sa mga pulis, sa NBI o sa mga koneksyon namin na makita si David, ang hindi ko kaya iyong maghintay lang na hindi alam kong anong nangyayari sa anak ko habang wala sa amin.

***

"Hey! Bakit ilang araw ka nang nandito sa bahay namin? Wala ka bang mommy at daddy kaya ka nandito sa bahay namin?"inosenteng tanong ng batang babae kay David na ngayon ay nakaupo sa gilid ng kama.

"I want to go home."malungkot na sagot ni David sa batang babae.

"Saan house ninyo? Ano pala name mo?"tila balewalang tanong ng batang babae na tuluyan ng pumasok sa loob ng kwarto at umupo din sa gilid ng kama sa tabi ni David.

"Just somewhere. I'm David James. How about you?"tila nagliwanag ang mukha ng batang babae ng makiusap na sa kanya si David.

"I'm Venice. How old are you?"hindi pa rin maialis ni Venice ang tingin kay David.

"Seven."nakayukong sagot ni David.

"Wow! Ako five. Anong ginagawa mo dito sa bahay namin?"muli tanong nito kay David, umusog pa ito palapit lalo kay sa batang lalaki.

"House talaga ninyo ito? Dinala ako dito ng isang lady. She told me na friend siya ni Mommy at Daddy ko."mukhang napaisip ang batang babae sa sinabi ni David.

"Ako lang naman ang lady dito sa house namin ah. Kami lang ni Daddy ko ang nakatira dito."kumunot ang munting noo nito.

"You're not a lady! You're just a child like my baby sister. You're too small to be a lady."pagsusuplado ni David sa batang babae.

"No! I'm lady, hindi na ako bata."matigas din na sagot ng batang babae.

"Venice! Anong ginagawa mo dito? Go to your room."biglang may pumasok na lalaki doon sa kwartong kinaroroonan ng dalawang bata.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Where stories live. Discover now