LII. LIFE AND DEATH

128K 1.4K 74
                                    

LII. LIFE AND DEATH

Wala ako halos naintidahan sa nangyari ang alam ko lang nakabulagta na sa sahig ang isang babae at yung lalaki at wala nang buhay. Si David ay walang tigil sa pag iyak sa harap ni Janine na duguan din. I can't move.

"Daddy! Please help Mommy she got shot!"tila nagising ako mula sa mahabang pagtulog ng marinig ko ang pagsigaw ni David. Agad akong tumakbo sa kinalalagyan ni Janine na nakalagan na ng tali ng isang NBI agent.

"Please babe, hold on please. Don't leave me, don't leave us."Pinangko ang duguang katawan nito at patakbo akong lumabas ng bahay na iyon para makarating agad sa kotse at madala sa pinakamalapit na ospital ang asawa ko. I almost cry nang makita na napakaraming dugo ang umaagos mula sa katawan nito.

Sumunod sa akin si David,inilagay ko sa backseat si Janine, doon na rin ako umupo kasama si David. On my state I can't drive.

"Manong pakibilisan. Sa pinakamalapit na ospital tayo."utos ko sa driver na mukhang hindi din inasahan ang nakita.

"Janine, babe please hold on please."hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya, ramdam ko ang panginginig ng sarili kong kamay na may bahid na din ng dugo mula sa katawan ni Janine.

"Mommy, please wake up!"inaalog pa ni David si Janine. Walang ampat ang pag iyak nito, namamaga na ang mga mata nito dahil sa kakaiyak.

"She's a tough woman son, dont worry she'll fight for us." pampapalakas loob ko sa anak ko o mas tamang sabihin na pinapalakas ko ang loob ko dahil hindi ko kayang mawala si Janine sa buhay namin, ni hindi ko kayang isipin na mangyayari iyon.

Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari, ang daming sana na pumapasok sa utak ko, sana hindi ko siya iniwan kanina sa bahay, sana mas maaga kaming dumating, sana ako nalang ang nasa kalagayan niya ngayon. Gusto kong patayin ang taong gumawa nito sa asawa ko pero patay na rin ito matapos makipagpalitan ng putok sa grupo ng NBI.

Hanggang ngayon wala pa ring linaw sa akin kung bakit at sino sila. Bakit kailangang mangyari ito? Bakit si Janine pa? Pinulsuhan ko siya at nakahinga ako ng maluwag ng madama kong pumipintig pa ang pulso niya ngunit mahina. But I don't care ang mahalaga sa ngayon alam kong buhay siya at alam kong lalaban siya.

Nang makarating kami sa pinakamalapit na ospital agad kaming inasikaso at ipinasok si Janine sa emergency room, gustuhin ko mang sumama sa loob ay hindi pwede kaya wala akong nagawa kundi mag hintay sa labas ng emergency room. Maging si David ay pinatingnan ko na rin para masigurong wala itong natamong pinsala sa katawan.

Makalipas ang thirty minutes ay lumabas ang doktor mula sa loob ng emergency room. Agad akong tumayo upang salubungin ito para tanungin ang kalagayan ng asawa ko.

"Doc, kamusta na po ang asawa ko?"agad na tanong ko sa kanya.

"Tatapatin na kita, she's not doing well. Kailangan siyang maoperhan at matanggal ang bala sa dibdib niya."parang sinuntok ang puso ko ng marinig iyon, my sweet Janine.

"Gawin po ninyo ang lahat mailigtas lang ang asawa ko please Doc."kulang nalang ay lumuhod ako sa doctor para mailigtas nito si Janine.

"Hindi po ako mangangako lalo na at maselan ang kalagayan niya. I'll be honest fifty-fifty sa ngayon ang asawa nyo. Gagawin ko ang kaya ko para mailigtas siya. Pray hard mister."naiwan akong nakatulala ng umalis sa harapan ko ang doctor.

Natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa loob ng isang chapel sa loob mismo ng naturang hospital. When was the last time I prayed for something or for someone? I can't remember. Paglalapat pa lamang ng tuhod ko sa kneeler ay agad na pumatak ang mga luha ko.

Please Lord save her, help her. Wag po muna ninyo siyang kunin sa akin, sa amin ng mga anak ko. Hindi ko kaya, I maybe selfish but please I just can't let her go. Please let her live.

Hindi ko alam kong anong klaseng pagmamakaawa ang gagawin ko sa Diyos para mailigtas ang asawa ko.

"Trust Him son."naramdaman ko ang mga kamay ng tatay ni Janine sa balikat ko. Hindi ko na siya nilingon dahil boses pa lamang nito ay kilala ko na.

"Bakit sa kanya pa ito nangyari Dad?" ang sakit sakit kasi bakit si Janine pa ang nag aagaw buhay ngayon.

"Matapang ang anak ko Mark. Magtiwala ka lang alam kong lalaban siya."narinig ko na rin ang pag piyok sa boses ng ama ni Janine. Pinapalakas nito ang loob ko kahit na alam kong nahihirapan din ito.

"Sana nga po Dad. Hindi ko kaya pag nawala siya, hindi ko matatanggap. Ayokong bitiwan siya."I can't help but to cry. Pagdating talaga kay Janine mahina ako, siya ang lakas at kahinaan ko.

Iniwan ako ng tatay ni Janine sa loob ng chapel at hindi ko rin kong gaano ako katagal na nanatili doon na nakikiusap sa harapan Niya at umiiyak. Parang wala akong lakas ng loob na tumayo at bumalik sa labas ng operating room.

"Dad?"umupo ako mula sa pagkakaluhod at tumbi sa akin ni David. He reached my checks para punasan ang luha doon.

"Wag ka ng umiyak Daddy, magiging sad si Mommy pag nalaman niyang umiiyak ka."pilit akong ngumiti sa anak ko at ginulo ang buhok nito.

"In time son, pagnakita mo na ang tamang babae para sayo maiintindahan mo ako."soon David will also have his own family. At sana pagdumating ang oras na iyon ay kasama ko pa din ang asawa ko.

"Dad, when did you realize that mom is the perfect girl for you?"hindi ko maiwasang hindi mamangha sa tanong ni David, he's just seven.

"When I was seven."napangiti ako ng maalala ko ang birthday party ni Janine noon kung saan una ko siyang nakita as pretty girl.

"Like father like son."gulat akong napatingin sa anak ko.

"What are you talking about son?"puno ng pagtatakang tanong ko sa kanya, he's grinning.

"Nakakita na po ako ng girl na kasing ganda ni Mommy."I was really amazed ng marinig ang sinabi ng anak ko, kung naririnig lamang ito ni Janine ngayon malamang matataranta yun dahil para sa kanya baby pa rin si David. Mahal na mahal nito ang mga anak namin, lahat gagawin nito para sa mga bata.

"Naku anak, matataranta ang mommy mo nyan alam mo naman na baby ka pa rin di ba?"medyo gumagaan ang pakiramdam ko habang kausap ko ang anak ko, pero hindi pa rin maialis sa isipan at puso ko ang pag aalala sa kalagayan ng asawa ko ngayon.

"Dad, big boy na po ako!"protesta nito, tama nga si Janine hindi lang mukha ko ang nakuha ni David maging ang ugali ko. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya. My wife really did an amazing job for raising my son well. Kahit mag isa niya lang habang lumalaki si David napalaki niya ito ng maayos.

Napapikit ako, everyday of our life laging kinukumpleto ni Janine ang araw ko, pinupunuan niya ang mga pagkukulang ko. I can't imagine my life without her. She's the air I breath. Without her I am nothing.

"Mark! Hinahanap ka ng doktor."Daddy iyon ni Janine, agad akong tumayo at nagmamadaling pumunta sa may operating room.

Bawat hakbang ko pakiramdam ko bumibigat ang puso ko at pinagpapawisan ako ng malamig. Lalo akong kinabahan ng makita ang doktor na nakatayo sa labas ng operating room.

"How is she?"agad kong tanong sa docktor. Huminga ito ng malalim bago sumagot.

"Natanggal na namin ang mga bala mula sa katawan niya."mga bala? Ibig sabihin hindi lang isa ang tama niya?

"Dalawa ang tama niya, pero kahit na natanggal na namin ang mga bala hindi pa rin masasabing magigising pa siya."parang bombang sumabog sa pandinig ko ang sinabi ng doktor.

"What do you mean?"

"She's on the state of coma, pag hindi pa siya nagising within forty eight hours, I'm sorry pero hanggang doon nalang ang buhay niya." 

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Where stories live. Discover now