XXXII. SHE'S BACK

157K 1.3K 53
                                    

XXXII. SHE'S BACK

"Drei buti andyan ka na, proceed na tayo sa board room. Nadelay na tayo ng one week dahil sa problema ko sa mga hotels. Andun na daw sila Mr. Lim pati yung Advertising company representative sa board room, magppresent daw at dadating din yung model for our approval." nagmamadali kong kinuha ang ilang files sa table ko.

"Mark, she's back." napinto ako sa ginagawa ko at tumingin kay Drei. Tama ba ang narinig ko?

"Hindi sinasadyang naikwento sa akin ni Anne kagabi, nakita niya daw si Faye sa mall noon isang araw." Nakita kong hindi nagbibiro si Drei at alam kong hindi nya ako pagttripan lalo pagdating sa asawa ko.

"I need to see her, saan daw siya?"hindi na nasagot ni Drei ang tanong ko ng sabihin ng secretary ko na kailangan na naming pumunta sa board room. Tulala ako hanggang makarating sa board room, nakita ko ang mag asawang Lim.

"Good morning!"narinig kong bati sa kanila ni Drei.

"I would like you to meet our soon Zian Zachary Lim of Lim Advertising Nevada Branch. Zian Meet Mark Dave at Drei Joseph Fuentabella of JFF Shipping Lines."Kinamayan namin ni Drei si Zian, sinubukan kong magconcentrate dahil distracted talaga sa balitang binigay sa akin ni Drei. Umupo muna kaming lahat para hintayin ang model.

"I'll call her again."sabi ni Zian dahil limang minutong late na ito.

"Sana sinundo mo nalang yung girlfriend mo Zian para hindi siya nadelay." narining kong sabi ni Mr. Lim, girlfriend pala ni Zian yung hinihintay namin.

"It's okay, pwede naman siyang humabol pakipresent na muna sa amin yung concept." sabi ko na lamang para hindi masayang ang oras naming at pinigilan ko ng uminit ang ulo ko dahil sa pagkalate ng naturang model.

--

Kanina ko pa tinatawagan si Faye, natraffic daw ito ayaw pa kasing pumayag na sunduin ko eh. Andito na kami ngayon ng parents ko sa JFF Shipping Lines tumuloy kami sa eight floor kong nasaan ang office ng CEO at Board room. Humanga ako sa design ng building na ito talagang class ang dating.

"Ito po ang office ng CEO."tinuro ng nag assist sa amin ang isang pintuan. Binasa ko ang nakalagay na plate sa may pintuan. Mark Dave Fuentabella at CEO siya.

"How about that?" turo ko sa isang pituan na ang nakalagay sa plate ay JFF, glass door iyon pero hindi kita ang buong loob ng naturang opisina.

"Wala pong gumagamit sa office na iyan, ang alam ko isa din siya sa may ari nitong company pero hindi pa namin siya nakita." ewan ko pero iba ang kaba ko ng araw na ito. Saka ngayong araw makikita ng magulang ko si Faye, I asked her to pretend as my girlfriend para tigilan na ako sa pangungulit ng magulang ko.

Pagkarating naming sa board room ay saglit pa kaming naghintay bago pumasok ang magpinsan na Fuentabella, kung wala lang ang magulang ko dito malamang nagtitittili na ako sa kilig. Hindi man kasi sinabi sa akin na ang ggwapo pala ng mga ito, parang mga greek god ang mga ito. Pero nang makita ko yung Mark, ewan ko parang nakita ko na siya kung saan lalo na yung mata niya.

Bigla kong naalala si Faye, late na siya. Never pang nalate ang babaeng iyon. Naisipan kong tawagan siya.

"I'll call her again."sabi ko sa mga ito kasi nahihiya na ako, ayaw kong mapahiya kami.

"Sana sinundo mo nalang yung girlfriend mo Zian para hindi siya nadelay."sita sa akin ni Daddy, hay Faye asan ka na ba?

"It's okay, pwede naman siyang humabol pakipresent na muna sa amin yung concept."sabi naman ni Mark, there again his eyes sobrang pamilyar sa akin. No choice ako kundi magpresent but I texted Faye first at sabi niyang malapit na siya. Ipinapakita ko sa kanila ang slide ng concept na binuo ko para sa commercial tahimik lang ang mga ito sobrang seryoso lalo na si Mark.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Where stories live. Discover now