XXI. CHARITY EVENT

165K 1.6K 65
                                    

XXI. CHARITY EVENT


"Get it!" mariing utos sa akin ni Mark, nakakatakot ang aura nito kaya sumunod na lamang ako sa kanya. Pabagsak nitong isinara ang pintuan ng kotse pagkasakay nito at agad inistart at tuluyang pinasibad ang kotse.

Nakaramdam ako ng takot sa bilis ng pagpapatakbo nito, nang lumingon ito sa akin at nahalata yatang ninerbyos ako medyo binagalan nito ang pagpapatakbo.

"Hindi mo dapat ginawa yun Mark." nakayukong sabi ko dito, ayaw ko siyang tingan dahil natatakot pa rin ako sa kanya.

"He deserved that Janine. And what do you want me to do? That guy just admitted that he loves you!" nagulat ako dun sa pag amin ni Evan but i can't deny the fact the kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. At kahit minsan hindi ko naramdamang nagtake advantage siya sa akin.

"Eh ano naman sayo ngayon Mark?" may halos inis na tanong ko sa kanya.

"You're mine Janine and don't you dare seeing that guy again!" sinigawan ako nito halos mabingi ako sa lakas ng sigaw nito sa akin.

"Sorry but i can’t do that Mark, kaibigan ko siya no matter what." May pinalidad na sagot ko sa kanya.

Days passed, after that incident lalong napapadalas ang away namin ni Mark, si Evan nararamdaman kong medyo umiiwas sa akin para daw makapag move on daw siya.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Where stories live. Discover now