XIII. FOUNDATION DAY

179K 1.7K 39
                                    

XIII. FOUNDATION DAY

Excited lahat ng estudyante ng Fuentabella University sa taon taon na pagcecelebrate ng Foundation Day, maraming pakulo ang school kaya naman parang fiesta talaga ang dating ng okasyon na ito.

“Faye, excited na ako mamayang gabi para sa battle of the band. Medyo nakakapressure din kasi last year department natin ang nagchampion kailangan this year tayo ulit manalo.” parang di mapaanak na pusa ang itsura ni Anne.

“Relax, the more na nappressure ka the more na magkakamali ka.” Pagpapalakas ko ng loob nito kahit ang totoo maging ako ay under pressure din.

“Idol na talaga kita Janine, parang walang pinagdadaanan ah.” sabat naman ni Johan, ngayon gusto ko ng maniwala sa sinasabi nilang ang mga lalaki may pag kainsintitive.

“Alam mo Johan paminsan minsan hindi masamang maging sensitive” pangbabasag ni Anne dito, maasahan ko talaga si Anne sa mga panahon na gaya nito.

“Enough guys, ano practice tayo?” pang aawat ko sa kanila at para naman lalo kaming makapghanda.

 “Kulang tayo, may laro sila Chris ngayon.panoorin nalang natin.” Oo nga pala nabanggit ni Chris na may laro sila ngayon ng basketball.

“Ay oo nga pala basketball game ngayon, tara na!” excited si Anne kaya bigla nalang  ako nitong  wala naman akong magawa kundi magpahila kay Anne. Sumunod din sia Johan at Vince sa among dalawa ni Anne. Sa labas palang ng gym dinig na dinig na ang sigawan ng mga estudyante lalong lalong na mga babae. Agad kaming humanap ng mauupuan pagkapasok sa gym, nagsisimula na ang laro at grabe talaga hiyawan ng mga babae lalo na ng maka three point shoot si Mark. Ngayon ko lang nakitang naglaro si Mark, somehow I’m proud of him dahil magaling nga naman talaga itong maglaro.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Where stories live. Discover now