XII. PREPARATION

190K 1.9K 57
                                    

XII.          PREPARATION  

Naging abala ang lahat sa nalalapit na foundation day ng school.  Hindi na halos namalayan ni Faye ang paglipas ng araw, matapos ng makita niya si Mark at Abby para talagang sadya nilang iniiwasan ang isa’t isa. Halos hindi din sila nagpapang abot sa condo maging dito sa University parang sinasadya na iwasan ang isa’t isa. Wala namang nakaka alam na tunay na estado nila ni Mark sa paaralan maliban sa malalapit na kaibigan.

“Ms. Gonzales, you will be joining the band of our department.” Gonzales pa rin ang gamit kong surname gaya ng napagkasunduan naming ni Mark.

“Ma’am, sorry but I can’t.” magalang na tanggi ko sa professor namin.

“I saw your papers, and based from it you sing. No more buts you’ll join the band.”  Wala akong nagawa kundi sundin ang professor namin.

“Wow girl bongga ka, hindi ka na dumaan sa audition kasama ka kaagad. Don’t worry magkasama tayo, ako yung sa base guitar.” May pagmamalaking bulong sa akin ni Anne.

“Hay naku buti nalang may makakasama ako, thanks Anne.” Siguro kailangan ko din ito para naman hindi puro si Mark ang pinagtutuunan ko ng pansin.

“Excited na akong marinig ang boses mo, kumakanta ka pala huh! Ano pa ba ang mga hidden talent mo?” she giggled sumusumpong nanaman ang adrenaline rush nito sa kakulitan.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Where stories live. Discover now