XLIII. FAMILY BONDING

155K 2.4K 149
                                    

A/Note:

Hello Everyone, pasensya na muna kayo sa UD na ito.. sobrang antok na talaga ako while typing this.. halos wala ng pumasok sa utak ko sa pagod.. haiz! bawi nalang po ako next chapter. Thank you po sa lahat!

I know mabibitin nanaman kayo. but please don't forget to leave your comment and hit the VOTE.

Salamat!

jinii

-

XLIII. FAMILY BONDING

“Mommy let’s go, I want to swim with you and daddy!”nagtatalon pa si David habang niyaya akong magswimming, magkahawak kamay sila ni Mark sa tapat ko.

“Mauna na kayo baby, sunod nalang si Mommy.”nandito kami ngayon sa resort, one week kami magstay  dito, family bonding namin at para na rin magkaroon kami ng mas maraming oras kay David. Nakita ko silang naglakad papuntang pampang, binuhat pa ni Mark si David. Ang sarap nilang panoorin habang naglalaro sa tubig dagat makikita talagang mahal na mahal ni Mark ang anak namin. Nakita kong sinabuyan siya ni David ng tubig kaya naman nabasa ang suot nitong t-shirt. Natatawa itong itong naghubad ng t-shirt, now his only wearing board short. Bakit ba ang sexy na lalaking ito, kaya naman ang mga babae ay hindi maialis ang mata sa katawan ng asawa ko. Duh! Well it’s showtime!

“Ma’am, bakit hindi mo pa samahan ang mag ama mo doon?”kasama naming ngayon ang isang katulong na pinasama ni Daddy sa hacienda, para daw hindi kami mahirapan ni Mark.

“Opo, magpapalit lang po ako ng damit, kayo na po bahala maghanda ng pagkain dito.”pumasok na ako ng cottage, katamtaman ang laki noon, tatlong kwarto, ang isa sa amin ni Mark katabi naman noon ay yung gamit na kwarto ni David, yung medyo sa may bandang dulo ay ang gamit na kwarto ng katulong. Malapit ang naturang cottage sa dagat, siguro mga one hundred meters lamang ito mula sa pampang. We choose to stay here rather than the hotel sa kahilingan na rin ni David, ayaw din nito ng private resort dahil wala daw itong makikitang ibang tao, pero hindi naman ganoon ka crowded itong resort dahil hindi pa naman peak season.

Muli kong naalala yung mga babaeng naglaloaway sa asawa ko doon sa pampang, naku baka gahasain nila si Mark. Agad akong pumasok sa kwarto na gamit naming ni Mark at nagshower sa banyo upang maki join na rin sa mag ama ko sa pagswimming. After kong magshower namili ako ng swim suit ko. Ng makapili na agad ko itong isinuot at pinatungan ko ng see through na topper na umabot hanggang sa gitna ng hita ko. Nang makontento na ay lumabas na ako ng cottage, naabutan ko ang katulong na nagpprepare ng pagkain sa pinaka balcony ng cottage.

Uminit ang ulo ko nang makita ko si Mark habang karga karga si David na masayang nakikipagtawanan sa isang babae na nakatwo piece. May pahampas hampas pa yung hitad sa braso ni Mark at mukahng tuwng tuwa naman ito. You want war? I’ll give you war!

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Where stories live. Discover now