CHAPTER 1

14.2K 416 25
                                    

AKEESHA POV


“Good morning Akeesha!” masayang bati sa akin ni Riya.

Napatawa na lang ako dahil ang taas-taas na agad ng energy niya. Wala pa rin siyang pinagbago, masiyahin at palangiti pa rin siya. Medyo pumayat lang siya at umiksi na rin ang buhok niya.

“Ang saya-saya mo naman masyado.”
“Syempre, dahil bumalik ka na. Pakiramdam ko ay bumalik na rin sa dating sigla ang buong Elemental World.

“Ang exaggerated mo naman Riya.” tatawa tawa kong sabi.

“Totoo ang sinabi ko ano. Naku kung alam mo lang ang pinagdaanan ni Ryan noong mawala ka.”

Natigilan ako sa sinabing iyon ni Riya. Malaki rin ang ipinagbago ni Ryan. Ang laki ng ipinayat niya at ang laki rin ng eyebags niya. Malayong malayo siya sa Ryan na nakilala ko noon.

“Teka pala, anong nangyari sa’yo sa loob ng anim na buwan?”

Anim na buwan pala akong nawala? Ang tagal na pala. Bakit pakiramdam ko ay saglit lang ako nawala?

“Hindi ko rin alam Riya.” pagsisinungaling ko sa kaniya.

“Seryoso?”

Marahan akong tumango. Nakokonsensya ako dahil nagsisinungaling ako kay Riya pero wala akong choice. Walang ibang pwedeng makaalam ng totoong nangyari sa akin.

“Ano palang sinabi sa’yo ng council? Ay teka, nameet mo na ba sina Ms. Alexa? Kasi kung oo, magtataka ako dahil hindi nila kami isinama.”

Napatawa na lang ako. Napag-alaman ko kasing miyembro na rin sila ng council. Nagkasundo na rin sila ni Athena dahil required daw iyon since pareho silang miyembro ng council. Masaya ako para sa kanila. And now I’m thinking kung tama ba ang desisyon kong bumalik. I mean, maayos na ang buhay nila noong nawala ako.

“Hindi pa ako nakakausap nina Ms. Alexa. Parang noong unang araw ko lang dito di’ba, hindi ko agad sila na-meet. Kung hindi pa nga yata ako nagkaproblema noon sa element ko, hindi ko pa sila mamemeet.”

“Sabagay nga. Wala naman kasi silang pinagbago, bihira pa rin silang makipag-usap sa mga estudyante rito. Halos kaming apat na nina Jethro ang humaharap sa mga bagong estudyante ng academy.”

“O siya, tara na dahil baka malate pa tayo. First day ko pa naman ulit sa academy.” nakangiti kong sabi sa kaniya.


RIYA POV

Sobrang saya ko na bumalik na si Akeesha. Nakita ko kasi na muling nanumbalik ang sigla kay Ryan. Para siyang nagkaroon ng panibagong buhay. Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi nagmove-on si Ryan, dahil alam niyang babalik pa rin si Akeesha. Halos lahat kasi kami ay tinanggap na wala na talaga si Akeesha, tanging si Ryan na lang ang natitirang naniniwala na babalik siya.

Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang mapatingin kay Akeesha. Kung ano ang itsura niya noong unang araw niya rito ay ganoon na rin ang itsura niya ngayon. Brown ang mga mata niya, ang buhok niya ay straight na ulit at kulay itim, at ang balat niya ay kulay kayumanggi na. Ibig kayang sabihin noon ay hindi na siya Legendary? Ano kayang element ang mayroon siya ngayon?

Napatingin ako sa leeg ni Akeesha. Suot niya ang kwintas na bigay ni Ryan sa kanya noong last na foundation day. Naalala ko bigla ang nakasulat sa libro ni lola. Ito kaya ang dahilan kung bakit siya nakabalik?

Ang itinakda ng kwintas ay hindi mababali nang kung sino man.
Tadhana nga kaya nila ang nagpabalik kay Akeesha? Marami akong gustong itanong kay Akeesha pero pakiramdam ko ay hindi pa siya handang sabihin sa akin ang lahat. Alam kong may itinatago siya. Hihintayin ko na lang siguro ang oras na maging handa siya para iopen sa akin ang lahat.


RYAN POV

“Kung si Akeesha ang date mo sa foundation day, bibigyan mo pa rin ba siya ng kwintas?” tanong sa akin ni Jethro.

Naglalakad na kami papasok sa academy. Hindi na kasi nagpasundo sa amin sina Riya at Akeesha dahil magba-bonding daw muna sila dahil ang tagal nilang hindi nagkita. Pinagbigyan ko na lang siya muna tutal naman ay masosolo ko si Akeesha sa foundation day.

“Sa tingin ko, dapat. Tradisyon na nang Elemental World iyon kaya kailangan pa rin nating sumunod.”

Hindi kasi nagfade ang kwintas na binigay ko kay Akeesha last year. Bumalik lang ito sa akin kaya binigay ko ulit ito sa kaniya. Nagdahilan na lang ako na nagpagawa ako ng replica ng kwintas para hindi na magtanong pa si Akeesha noon.

“I see.”

“Ikaw, bakit hindi mo binigay kay Riya ang kwintas? Kailan mo sasabihin sa kaniya ang totoo?”

Hindi rin nagfade ang kwintas na binigay niya kay Riya last year. Ang pinagkaiba lang namin, hindi niya muling binigay ang kwintas at mas pinili niyang itago na lang ito.

“Hind ko rin alam pare. Gusto ko munang makuha ang sagot kung bakit hindi nagfade ang mga binigay nating kwintas. Teka, bakit ikaw? Hindi mo rin naman sinabi kay Akeesha ang totoo di’ba?”

“Alam mo naman ang mga babae. Masyadong mausisa sa mga bagay-bagay. Ayoko nang mag-isip pa siya kung bakit hindi nagfade ang kwintas.”

“Exactly, kaya nga wala rin akong balak na sabihin kay Riya, unless makakuha ako ng sagot.”

“Saan ba natin pwedeng malaman ang sagot?”

“Sabi nang lola ko, may kaisa isang libro raw na naglalaman ng lahat ng mga sinaunang tradisyon ng mga Elementalist. Hindi lang daw niya alam kung sino na ang may hawak ng librong iyon.”

“So kailangan pa nating mahanap ang librong iyon para malaman ang sagot?”

“Yes kaso para tayong naghahanap niyan ng karayom sa damuhan.”

Hindi na ako nagsalita pa dahil natanaw ko na sina Akeesha at Riya. Masaya silang nagkukwentuhan. Napatitig na lang ako kay Akeesha. Namiss ko ang mga ngiti niyang iyon. At noong lumingon siya sa akin ay parang biglang nagslow-mo ang lahat at wala akong ibang nakikita kundi siya lang.
Ang corny ko na pero mas lalong gumaganda sa paningin ko si Akeesha. Tinamaan na talaga ako sa kanya.


AKEESHA POV

Agad kaming lumapit ni Riya nang makita namin sina Jethro at Ryan. Hindi kasi kami nagpasundo ngayon dahil gusto naming magbonding muna na kami lang dalawa.

Pagkalapit ay agad na humalik sa noo ni Riya si Jethro. Si Ryan naman ay pirming nakatingin lang sa akin at hindi kumikibo.

“Okay ka lang Ryan?” nag-aalalang tanong ko.

Para namang siyang natauhan at kumurap kurap pa sa harap ko. Tumikhim muna siya bago magsalita.

“Okay lang. Nakakatulala lang ang ganda mo.” plain niyang sabi sa akin.

“Boom!” sabay na sabi nina Jethro at Riya.

Pinagmasdan ko si Ryan. Walang karea-reaksyon niyang sinabi iyon at parang wala lang sa kaniya samantalang ako ay tila sasabog na ang puso sa kilig. Hindi ko na lang pinahalata sa kanila.

“Totoo nga na nandito na ulit siya.”

“Akala ko ba namatay na siya?”

“Hindi siya namatay dahil wala siyang pagkatao. Naglaho lang siya.”

“So paano siya nakabalik?”

Ilan lang iyan sa mga naririnig ko habang naglalakad kaming apat papunta sa classroom namin.

“SHUT UP!”

Nagulat naman ako nang biglang sumigaw si Ryan. Nakakuyom ang mga kamao niya at alam kong any moment ay maaaring lumabas ang element niya.

“Ang academy ay itinayo para magsanay ang mga estudyanteng elementalist, hindi para pag-usapan ang kapwa elementalist.”

Mahinahon na ang boses ni Ryan pero alam kong nagpipigil lang siya ng galit. Natakot naman ang mga babae at nagsitunguhan na lang sila.

“Ryan, hayaan mo na sila. Tara na.” pag-aya ko kay Ryan.

“No Akeesha. Gusto ko lang ipaalala sa kanila na ikaw ang nagligtas sa buong Elemental World. Kaya wala silang karapatang kwestyunin ka o pagtsismisan ka.”

“Ryan I said stop!” inis kong sabi sa kaniya.

Naglakad ako palayo kina Ryan. Ayos lang naman sa akin na ipagtanggol ako ni Ryan. Ang ayoko lang ay ang sinabi niyang ako ang dahilan kung bakit ligtas na ang Elemental World ngayon. Ayoko nang ungkatin pa ang nangyari noon at ayokong isipin ng mga estudyante ang nagawa ko noon.

“Akeesha.”

Hinabol ako ni Ryan at hinawakan niya ako sa braso. Marahan niya akong iniharap sa kaniya at tiningnan ng deretso sa mga mata ko.

“I’m sorry. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Ayokong pinag-uusapan ka nila Akeesha.”

“Pero sana hindi mo ipinamukha sa kanila ang ginawa ko noon. Ryan, ayoko nang maalala ang nangyari. So please lang sana, kalimutan na natin iyon.”

“SIge kung iyan ang gusto mo at ang makakapagpagaaan ng loob mo.”

“So it’s true. Nakabalik ka na nga.” singit sa amin ni Athena.

Hindi ko alam kung anong tono ng pananalita niya. Bumalik na ang pagkakaibigan nilang apat pero hindi ibig sabihin noon na magiging ayos na rin kaming dalawa. Hindi ko alam kung nagiging judgmental lang ako pero pakiramdam ko ay hindi siya natutuwa sa pagbabalik ko.

“So I think balewala na naman ako sa barkada dahil nandito ka na.”

“Athena.” may pagbabantang sabi ni Ryan.

“What? Totoo naman di’ba. Wala na ulit ako sa inyo lalo na sa iyo Ryan. Well, welcome back Akeesha.” sarcastic na sabi ni Athena.

Inirapan pa ako nito bago kami iwan ni Ryan.

“Huwag mo na lang siyang pansinin. Tinotopak na naman yata.” sabi sa akin ni Ryan.

Ngumiti na lang ako. Alam ko namang never akong matatanggap ni Athena dahil pakiramdam niya ay naagawan ko na naman siya. Pero hindi naman iyon totoo dahil hindi ko kayang tumbasan ang pinagsamahan nilang apat. Sana lang ay matanggap niya rin ako bilang kaibigan niya.

In Between Two Destiny - L.E book 2Where stories live. Discover now