CHAPTER 3

6.5K 303 26
                                    

AKEESHA POV

“Ang lalim yata ng iniisip mo Akeesha.”

Napatingin ako kay Ryan nang bigla itong magsalita. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Nandito kasi kami ngayon sa may Elemental tree dahil lunch break pa. Naisipan naming dito muna tumambay dahil tahimik dito at sariwa pa ang hangin. Sina Jethro at Riya ay hindi ko alam kung saan nagpunta. Nagpaalam sila sa amin na may pupuntahan daw sila at babalik sila bago magstart ang afternoon class.
Hindi ako sumagot kaya tumayo si Ryan at lumipat sa harapan ko kaya magkatapatan na kami ngayon. Pinagmasdan ko siya, ang mga mata niyang nagiging kulay brown kapag natatamaan ng sikat ng araw, iyong dimples niya sa kanang pisngi, matangos na ilong at manipis na mga labi. Akala ko hindi ko na muli siya makikita pa. Sobrang namiss ko siya.

“Baka matunaw ako nyan.” nakangiti niyang sabi sa akin.

Bigla akong natauhan noong magsalita siya at doon ko napagtanto na nakatitig ako sa kaniya. Napayuko ako sa sobrang hiya na naramdaman ko. Harap-harapan ko siyang tinitigan. Pakiramdam ko tuloy ay kulay kamatis na ang mukha ko. Masyado nang halata na inlove na inlove ako sa lalaking ito.

“Ang cute mo talaga kapag namumula ka.” pang-aasar pa niya.

Sinamaan ko siya ng tingin na lalo naman niyang ikinatawa. Muli akong napatitig sa mukha niya. Kitang kita sa mga mata niya ang sobrang kasiyahan. Malayong malayo ito sa nakita ko bago ako magpakita sa kaniya noong bumalik ako. At simula noong makilala ko siya, ngayon ko lang yata siya nakita na ganito kasaya. From being a serious man to being a jolly one. Ang laki na nang pinagbago ni Ryan. No, hindi pala siya nagbago. Bumalik ang dating siya bago siya sinaktan ni Athena noon.

“Ryan, hindi ka ba nagtataka kung paano ako nakabalik?” deretso kong tanong sa kaniya.

Sa lahat kasi ng nakausap ko simula noong bumalik ako, si Ryan lang ang hindi nagtanong kung paano ako nakabalik. Maski sina Riya kasi ay tinanong ako kung ano raw nangyari sa akin sa loob ng anim na buwan. Medyo natigilan siya at deretsong tumingin sa akin.

“Hindi na mahalaga sa akin kung paano ka nakabalik. Ang importante, nandito ka at kasama ko.” seryoso niyang sabi sa akin.

Hindi ko na napigilan ang mapangiti dahil sa sinabi niyang iyon. Mas lalo niya akong binibigyan nang dahilan para ipaglaban ang pagmamahal ko sa kaniya.

“Iyong mga babae ba kahapon ang gumugulo sa isipan mo?”

"Hindi naman. Expected ko na rin na magtatanong sila at pag-uusapan ako.”

Hindi sila ang iniisip ko kundi ang tatlong reyna at ang council. Akala ko alam nila ang nangyari sa akin dahil sila ang unang nakaalam nang tunay na purpose ko sa mundong ito. Pero nagkamali ako dahil maski sila ay nagtatanong kung paano nga ba ako nakabalik. Ang tanging alam lang nila ay tapos na ang mission ko kaya ako naglaho at hindi na nila inexpect na makakabalik pa ako.

“Huwag mo nang isipin iyon. Ako na lang ang isipin mo, hindi ka pa maiistress.” mayabang na sabi niya sa akin.

“Huwag ka nang masyadong ganyan. Hindi ako sanay. Ang kilala kong Ryan, suplado, mainitin ang ulo at hindi palangiti.”

“Nagbago ako dahil sa iyo. Ikaw ang nagpabago sa akin Akeesha.”

“Hindi ka nagbago. Bumalik ka lang sa dating ikaw.” pagkontra ko sa kaniya.

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita ulit.

“Ganyan ka na talaga. Naging masungit ka lang simula noong binasted at pinagtabuyan ka ni Athena.”

Naikwento kasi sa akin ni Riya dati na hindi naman daw talaga cold at masungit si Ryan dati. Napakamasayahin daw niya, friendly at napakadaldal pero nagbago iyon mula noong nagbago si Athena. Noong binasted siya ni Athena, naging mainitin ang ulo niya, bihira nang ngumiti, bihira nang magsalita at napakasuplado raw. Sobrang nasaktan si Ryan noon dahil mahal na mahal niya si Athena dati. Kaya noong unang araw pa lang na nagkita kami, nasungitan na niya agad ako. Maski noong mga oras na siya ang nagtetrain sa akin, dinaig pa niya ang mga teachers sa sobrang pagkaistrikto niya.

“At nagbalik ako sa dating ako dahil sa iyo.”, seryoso niyang sabi sa akin.

Hindi ako nagsalita. Deretso lang akong nakatingin sa kaniya habang siya ay napangiti na lang. Sana hindi na siya bumalik pa sa pagiging cold niya kahit na anong mangyari.

“Teka, huwag mong sasabihin na nagseselos ka kay Athena?

Automatic na napataas ang kilay ko. Ako? Nagseselos kay Athena? Bakit naman ako magseselos sa kaniya?
Tumayo ako at tiningnan si Ryan na ang lawak ng ngiti.

“Tara na nga.” pagyaya ko sa kaniya.

“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Nagseselos ka nga?”

Hindi ko siya pinansin. Naglakad na ako paalis sa Elemental tree at agad naman siyang nakasabay sa paglalakad ko. Kinukulit pa rin niya ako pero hindi ko na lang siya pinapansin.

Noong medyo nasa may marami nang estudyante ay bigla siyang tumigil. Tumingin ako sa kaniya nang may pagtataka.

Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang dalawa kong kamay. Since madaming estudyante ang nandito ngayon, lahat sila ay nakatingin sa amin.

“Ryan.”

“Akeesha, mahal na mahal kita.” seryoso niyang sabi sa akin.

Nakatingin siya ng deretso sa mga mata ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay nag-iinit ang mga pisngi ko.

“Wala ka dapat ikaselos kay Athena. Yes, minahal ko siya pero dati pa iyon Akeesha. Dahil ngayon, ikaw lang ang laman ng puso ko kaya huwag ka nang magselos.”

“Teka, sino bang may sabi sa iyo na nagseselos ako?”

Binawi ko sa kanya ang mga kamay ko. Ngumiti naman siya sa akin at bahagyang ginulo ang buhok ko.

“Everyone, listen! This girl in front of me, gusto ko lang malaman niyo na mahal na mahal ko ang babaeng ito.”

Gusto ko sanang kiligin kaso mas nangibabaw ang hiya ko dahil ipagsigawan ba naman ni Ryan na mahal niya ako. Lalo na at lahat sila ay nakatingin sa amin.

“Akeesha, no one can take away you from me.”

Akeesha, no one can take away you from me.

Ang sarap pakinggan ng mga sinabi ni Ryan at hindi ko na napigilan ang mapaiyak.

Ayoko nang bawiin ang sayang naidulot kay Ryan ng pagbabalik ko. Ayokong bumalik siya sa buhay niyang naging miserable noon.

Sana sapat na ang pagmamahal ko para hindi na siya bumalik sa dati. Mahal na mahal ko si Ryan at gagawin ko ang lahat para sa kaniya.

In Between Two Destiny - L.E book 2Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang