CHAPTER 25

4.5K 231 11
                                    

Hebrews 11:1

Now faith is being sure of what we hope for and certain of what we do not see.






*****

AKEESHA POV


Akeesha


"Aries??"

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko at naghahanda na para matulog..kagagaling lang namin sa elemental ball..madaling araw pa lang at bigla ko na lang narinig ang boses ni Aries sa isipan ko..


nandito ako sa elemental tree..maaari ka bang pumunta dito?


"sige.."


Agad akong bumangon at dahang dahan lumabas sa dorm..pagkarating ko sa may elemental tree ay nakita ko agad si Aries..gulo gulo ang buhok nya at nakaupo sa may damuhan..


"hindi mo na kailangang ipaalala.."

Napatigil ako sa pagsasalita nang ilabas ni Aries ang kwintas ko..yung kwintas na galing kay Ryan last year..agad ko iyong kinuha at itinago sa bulsa ko..

"pasensya na kung kinuha ko"

Malungkot nyang sabi..susumbatan ko sana sya kaso nakita ko kung gaano sya kalungkot..ngayon ko lang ata sya nakitang ganito..

"m-may problema ba??"

"naranasan ko na ang maiwan ng babaeng mahal ko..she left me dahil sa nakatakda sa kanya.."

Napatingin ako kay Aries..umiiyak na sya ngayon..

"ang unfair lang..dahil ako, tinalikuran ko ang nakatakda sa akin para sa kanya..then malalaman ko na lang na wala na sya.."

Hindi ko alam na may ganitong sitwasyon si Aries..ibig bang sabihin na naging elementalist din muna sya bago naging psyche..

"halos ikamatay ko nung nawala sya..kaya muli kong hinarap ang nakatakda sa akin..ang pagiging psyche..at dun ko nalaman na nakatakda din pala syang maging psyche"

Ibig sabihin isang psyche din ang tinutukoy nya?..pero sino?..

"ang masaklap lang..mas pinili nyang maging psyche kesa sa ipaglaban ako..at ang pinakamasakit..hindi nya ako makilala.."

Iyak na sya ng iyak..hindi ko tuloy alam kung paano sya icomfort..


Ehris, kung naririnig mo ako..kailangan ko ng tulong mo..isa kang emotion psyche..kaya alam mo kung paano pagaanin ang loob ni Aries ngayon..


Yan ang sigaw ko sa isip ko habang pinagmamasdan ang pag-iyak ni Aries..he is really in pain..he really love that girl..pero sino kaya yung babae..

"bakit ganun?..ang unfair naman..wala naman akong ginawa kundi mahalin sya..pero bakit ako nahihirapan ng ganito?.."

"mahal mo eh..kaya ka nahihirapan..hindi ka mahihirapan ng ganyan kung hindi mo talaga sya mahal.."

Napatingin sya sa akin..

"mali ba ang magmahal?"

"minsan natanong ko na din yan sa sarili ko..hindi naman talaga mali ang magmahal..mayroon lang talagang mga pagsubok ang magpapahirap sayo..katulad nyan.."

"ikaw..paano mo nahahandle ang sitwasyon mo?..isang buwan na lang.."

Natigilan ako..isang buwan na lang..


"ayokong iwanan si Ryan..pero hindi ko alam kung may magagawa ba ako.."

"may magagawa ka..kung gugustuhin mo"

Napabuntung hininga ako..may magagawa ako?..ano?..

"eh ikaw..sino ba yung tinutukoy mo?..si Aira, si Ahana o si Ehris?.."

"hindi mo na dapat pang malaman"..

"wow Aries..matapos mo akong pagsabihan ng mga hinanakit mo..tapos sasabihan mo ako ng ganyan.."


Pinitik ako sa noo ni Aries..aray!!


"gumalang ka nga..mas matanda ako sayo ng dalawampu't limang taon..hindi lang halata dahil immortal ako.."

"mas matanda ka nga pero sa akin ka tumakbo dahil sa problema mo sa pag-ibig"

"ibibigay ko lang dapat yang kwintas mo..kaso tinanong mo ako..kaya ayan.."

Napangiti na lang ako..hindi ko malubos maisip na ang kaharap ko ngayon ay isang psyche..na umiyak pa sa harap ko at nag-open about sa lovelife nya..

"pero seryoso Akeesha..ipaglaban mo si Ryan.."

"nakakapagtaka ka..dati halos isubsob mo na ako sa elemental tree para ipamukha sa akin na nakatakda akong maging psyche..tapos ngayon..ipinagtutulakan mo na ako kay Ryan.."

Pabiro kong sabi kahit nangingilid na ang mga luha ko..

"naisip ko lang ang sitwasyon ko noon..Akeesha..masakit maiwan ng mahal mo..nakita ko na yan noon kay Ryan..sobra syang nasaktan..at kapag iniwan mo ulit sya..sa tingin mo ba kakayanin pa nya?.."

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko na agad ko namang pinunasan at tumayo na din ako..

"umuwi ka na nga sa mundo nyo..matutulog na ako.."

Nag-umpisa na akong maglakad..


"sana Akeesha..hindi kayo matulad sa amin..sana"

Hindi ko na sya nilingon at nagpatuloy na lang sa paglalakad..patuloy na din ang pagpatak ng mga luha ko..hanggang sa makarating ako sa kwarto ay hindi pa din ako matigil sa pag-iyak..ano ba namang luha ito..hindi na naubos ubos..


sana Akeesha..hindi kayo matulad sa amin..sana


Sana nga Aries..sana..






****

Ayan na guys..hahaha..nakakatuwa dahil may mga nakahula about kina Aries at Ehris ^_^..thank you guys!!


God bless!!


----nnaeillek


In Between Two Destiny - L.E book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon