CHAPTER 18

5.3K 216 6
                                    

Nahum 1:7

The Lord is good, a stronghold in the day of trouble; he knows those who take refuge in him.




*****

AKEESHA POV


This is the day!! ^_^ ..foundation day na..nakakaexcite kasi malilibot ko na ang buong elemental world..5am pa lang pero gising na gising na ang diwa ko..kaya bumangon na ako at naligo..natapos akong mag-ayos ay 6am..sakto namang nagising na si Riya..

"ang aga mo naman Akeesha"

"good morning"

Masaya kong bati sa kanya..napangiti na lang sya..binuksan ko ang bintana ng kwarto namin para naman makapasok ang sinag ng araw..hayyy..ang presko ng hangin..pinagmamasdan ko ang buong academy sa may bintana nang may lumipad sa akin na isang ibon na may nakabilot na papel sa tuka nito..agad ko namang kinuha yung papel at lumipad na paalis yung ibon..binuklat ko yung papel at napangiti na lang..


Alam kong gising ka na..bumaba ka na..dahil kanina pang 5am ako nandito..FIRE WATER :)


Pagkatapos kong mabasa yung sulat ay naging isa itong paruparo..lumipad na din ito katulad nung ibon..

"Riya..alis na ako hah.."

"sige..excited na excited ka ehh..hahaha..ingat kayo Rysha"

Napangiti na lang ako..Rysha..pinagsamang Akeesha at Ryan..pero pwede din na Akeeyan ^_^ ..

Lumabas na ako ng dorm at nandun na nga si Ryan..agad akong lumapit sa kanya na nakangiti..

"ang tagal mo"

"eh ang aga mo"

Nakangiti kong sabi..parang ganitong ganito din yung last year..nung kauna unahan naming nagsama sa foundation day..ginulo ni Ryan ang buhok ko..

"tara na nga!"

Nakangiti nyang sabi..hawak kamay kaming naglakad..saan kaya ang una naming pupuntahan?..nakakaexcite ^_^

Paglabas namin sa gate ng academy, merong apat na magkakahiwalay na daan..marahil ang apat na daan na ito ang papunta sa apat na kaharian..napatingin ako kay Ryan..

"saan tayo unang pupunta?"

Tumingin din sa akin si Ryan at ngumiti..

"sa home kingdom natin"

"home kingdom NATIN?"

"oo..sa fire kingdom.."

Nakangiti nyang sabi..oo nga pala..fire ang element ko ngayon dahil aksidente ko itong nagamit nung sinurprise ako ni Ryan..home kingdom..ang sarap sa feeling na may Home Kingdom ako pansamantala..tinahak namin yung ikaapat na daan..habang naglalakad ay hindi ko mapigilan na masdan ang paligid..parang fall season kasi madaming mga dahon ang nalalaglag sa mga puno..tapos may pagkapula ang bawat dahon..


Pagkarating namin sa may gate ng fire kingdom, mas lalo akong namangha..yung gate nya kasi ay gawa sa fire crystals..tapos sa taas nung gate, may dalawang malaking ruby stones..automatic na nagbukas ang gate nang tumayo kami sa harap nito..may sumalubong sa amin na dalawang guardians at pinapasok kami sa Fire Kingdom..


"welcome to Fire Kingdom!"

Bungad nila sa amin..ngumiti kami pareho at nagpatuloy na kami sa paglalakad..

In Between Two Destiny - L.E book 2Where stories live. Discover now