CHAPTER 38

4.6K 191 5
                                    

Proverbs 11:2

When pride comes, then comes dishonor, But with the humble is wisdom.





*****

RIYA POV


"Akeesha.."


Paggising ko ay wala na sa kama nya si Akeesha..tss..nasaan na kaya sya?..may utang pa syang kwento sa akin..hindi kasi nya kinuwento sa akin kagabi kung bakit umiiyak sya kahapon..

Nasaan na kaya sya?..pumasok ako sa banyo kaso wala din sya doon..baka pumasok na sya..naligo na ako at agad na nagbihis..

Aalis na sana ako kaso may napansin akong papel na nakapatong sa higaan ni Akeesha..kinuha ko iyon at binasa ang nakasulat..



Riya,

Kung nababasa mo na ito, sigurado na wala na ako..mahirap iexplain..sorry kung inilihim ko sa iyo ito..Riya..sa mga oras na ito, isa na akong psyche..ikaw na sana ang bahala kay Ryan..mamimiss kita girl..mag-iingat kayo palagi..

----Akeesha



*****


"Jethro..nasaan si Ryan?"

Bungad ko kay Jeth ng makalabas ako sa dorm..

"nasa may elemental tree..si Akeesha..nasaan?..mukang LQ pa din yung dalawa.."


Hindi na ako sumagot kay Jethro..hinila ko na lang sya papunta sa may elemental tree..nagtataka man sya ay napasunod na lang sya sa akin..at habang naglalakad ay hindi ko na napigilan ang mapaiyak..hindi naman siguro totoo yung nasa sulat..baka pinagttripan lang ako ni Akeesha..


"Ryan"


Nakaramdam ako ng awa kay Ryan..mugtong mugto ang mga mata nya..ang gulo gulo ng buhok..nakaupo lang sya sa may damuhan..at walang kabuhay buhay ang mga mata..


"totoo ba Ryan..isa na syang psyche?"


Hindi nya sinagot ang tanong ko..tumingin lang sya saglit sa akin at ibinaling na lang ulit ang tingin nya sa mga damo..

Niyakap ako ni Jethro at doon ako nag-iiyak..Akeesha naman eh..sana nagpaalam ka man lang sa akin..nakakainis ka..akala ko ba magkaibigan tayo?..




RYAN POV


Nagpromise ako kay Akeesha na magiging masaya ako..na bubuksan ko ang puso ko sa iba..pero mukang mapapako lang ang pangako kong iyon..dahil hindi ko kayang maging masaya..hindi ko kayang buksan ang puso ko para magmahal ng iba..si Akeesha lang ang gusto ko..sya lang..at wala ng iba pa..

Sa bawat lugar na makikita ko, wala akong ibang naaalala kundi sya lang..sa elemental tree, sa classroom, sa canteen, sa garden, at maski sa clinic sya pa din ang naaalala ko..ilang oras pa lang ang nakakalipas nung umalis sya..pero miss na miss ko na agad sya..

Paano ako magpapatuloy sa buhay kung ang dahilan ng pagtibok ng puso ko ay wala na?..





AKEESHA POV


"Akeesha..anak.."

Nandito na ulit ako sa psyche world..at medyo nag-iba na ang itsura ko..kulay asul ang mga mata ko at kulot ang buhok ko..ganitong ganito ang itsura ko nung maalis sa katawan ko ang apat na elemental seal..

"nasaan ang magiging tirahan ko?"

Tanong ko sa limang psyche..

"dun ka muna sa tirahan ko"


Sagot sa akin ni Ehris..tinuro nya sa akin ang tirahan nya..tumango lang ako at nagderetso na sa tirahan nya at pumasok na ako sa magiging kwarto ko..


Nangako ako kay Ryan na bibigyan ko ng chance ang mga magulang ko..kaso ang hirap pala..ang unfair lang kasi..pinili ko sila kaya nandito ako ngayon..pero kung tutuusin, hindi ako pinili ng aking ina..mas mahalaga pa din sa kanya ang pagiging psyche kaya nagawa nya akong iwan sa bahay ampunan noon..ang sakit nun para sa akin..sarili kong magulang, hindi ako nagawang panindigan..at ngayong kasama ko na sila..hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong naramdaman..magagalit ba ako o matutuwa..hindi ko rin alam kung paano ko sila pakikitunguhan..hindi ko alam..






*****

Salamat sa paghihintay guys ^_^

God Bless!!



---nnaeillek


In Between Two Destiny - L.E book 2Where stories live. Discover now