CHAPTER 35

4.6K 214 17
                                    

Romans 14:17-19

17 For the kingdom of God is not a matter of eating and drinking, but of righteousness, peace and joy in the Holy Spirit, 18 because anyone who serves Christ in this way is pleasing to God and approved by men. 19 Let us therefore make every effort to do what leads to peace and to mutual edification.





*****

AKEESHA POV


"Akeesha..hui..gising na..baka malate ka nyan.."

"h-hindi muna ako papasok ngayon"

"teka..umiiyak ka ba?"


Napakagat na lang ako sa labi ko..wala pa din akong tulog dahil sa nangyari kagabi..at ngayon ay nakatalukbong lang ako habang yakap yakap ang teddy bear na bigay ni Ryan..akala ko naubos na ang mga luha ko..pero nagkamali ako..dahil eto..iyak pa din ako ng iyak..


"Akeesha.."

"Riya..ok lang ako.."

"ok?..kung ok ka talaga..humarap ka sa akin.."

"R-riya.."

Humigpit ang yakap ko sa teddy bear at hindi ko na napigilan ang makalikha ng ingay ang pag-iyak ko..narinig ko naman syang bumuntung hininga..


"sige..papasok na ako..uuwi agad ako mamaya..at magkkwento ka.."


Pagkasabi nya nun ay naramdaman kong lumabas na sya ng kwarto..agad akong bumangon at inayos ang sarili ko..hindi dapat ako magpaapekto..sinuko na nya ako at hindi dapat ako nagkakaganito..pero lintek..ang sakit eh..ang sakit sakit..at ang nakakainis pa ay ayaw tumigil ng mga mata ko sa pagluha..


hindi mahalaga sa akin kung paano ka nakabalik..ang importante nandito ka..


Bumalik ako para sayo..pero bakit ganito?..bakit pinagtabuyan mo na ako?..


no one can take her away from me


Pinagsigawan mo pa yan sa harap ng mga kapwa natin estudyante..pero bakit ikaw na mismo ang naglayo sa akin sayo?..


walang forever Akeesha..for life meron..at habang nabubuhay ako..ikaw lang ang mamahalin ko..FIRE WATER FOR LIFE..


Pinanghawakan ko yung pagmamahal mo eh..yun ang nagsilbi kong lakas para ipaglaban ka..


mahal na mahal kita Akeesha..at hindi na ako papayag na mawala ka pa sa akin..


Nasaan na Ryan?..nasaan na ang paninindigan mo na hindi ka na papayag na mawala ulit ako sayo?..nasaan na?..


hindi ako possessive..tinuturuan ko lang sila na wag kunin ang hindi kanila..


Hindi ako pagmamay-ari ng psyche world..pero bakit pumayag kang kuhanin nila ako..bakit ganun na lang kadali para sayo ang isuko ako sa kanila?..


tss..hindi mo ba talaga alam Akeesha..ayokong nakikita kang umiiyak..


Ayaw mo akong nakikitang umiyak?..pero bakit mo ako pinaiyak?..paano mo natiis na umiiyak ako dahil sayo?..


Fire Water Akeesha


Dapat pa ba akong maniwala sa pagmamahal mo?..dapat ko pa bang panghawakan ang pagmamahal na sinasabi mo?..


i'm letting you go Akeesha..sinusuko na kita sa mga magulang mo..


Ang bilis mo namang sumuko Ryan eh..akala ko ba mahal mo ako?..akala ko ba hindi mo na kakayanin kapag nawala ulit ako?..pero bakit..bakit mo nagawang ipagtabuyan ako?..bakit sumuko ka na agad?..bakit?..






RYAN POV


"hoy Ryan..pinaiyak mo ba si Akeesha?"

Tiningnan ko lang ang bagong dating na si Riya..at parang nagulat pa sya ng makita nya ang mukha ko..

"Riya..hayaan mo na sila..magdamag ding umiiyak yang si Ryan eh.."

Bulong ni Jethro kay Riya..tss..bumulong pa sya samantalang dinig na dinig ko naman..


Tumayo na lang ako at lumabas ng classroom..narinig ko pa ngang tinatawag ako ni Jethro pero hindi ko sya pinansin..nagpunta na lang ako sa may elemental tree..pero katulad kagabi..nandun sya..ang babaeng pinakamamahal ko pero nagawa kong isuko..


Gustong gusto kong lumapit sa kanya at yakapin sya ng mahigpit..gustong gusto kong sabihin na binabawi ko na ang sinabi ko kagabi..gustong gusto kong sabihin na hindi ko na sya isusuko sa magulang nya..gustong gusto kong sabihin na ipaglalaban ko na sya..kaso wala..eto ako..nakatanaw lang sa kanya..


Ilang minuto ko pa syang pinagmasdan..hanggang sa hindi ko na sya natiis..tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap sya sa likod..lalong lumakas ang pag-iyak nya habang pinipilit na tanggalin ang mga kamay ko sa bewang nya..


"Akeesha..mahirap din ito para sa akin.."

"hindi ko maintindihan eh..mahal mo ako pero ang bilis mong sumuko..hindi mo man lang ako ipinaglaban.."

"mahal na mahal kita kaya ko ito ginagawa.."

"wag mo nang dagdagan ang sakit na nararamdaman ko Ryan..wag mong sabihin na mahal mo ako..kasi hindi ko na kayang paniwalaan pa yan..mas lalo mo lang akong pinapahirapan.."

"alam kong malaking kalabisan na ito..pero Akeesha..please..stay with me until 12 midnight..hayaan mong ipadama ko sayo amg pagmamahal ko.."

"Ryan naman eh.."

"FIRE WATER AKEESHA"


Hindi na sya nagsalita pa..hindi na rin sya nagpumiglas sa pagkakayakap ko..tanging mga hikbi nya lang ang naririnig ko..


Kung kaya ko lang sanang ihinto ang oras, nagawa ko na..dahil ayoko ng matapos ang oras na ito..dahil baka ito na ang huling pagkakataon na mayayakap ko si Akeesha..ito na ang huling pagkakataon na makakasama ko sya..


Sana hindi na matapos ang oras na ito..kung may magagawa lang sana ako..sana..


In Between Two Destiny - L.E book 2Where stories live. Discover now