CHAPTER 34

4.6K 259 56
                                    

Isaiah 26:4

Trust in the Lord forever, for the Lord, the Lord himself, is the Rock eternal.





*****


AKEESHA POV


Napapikit na lang ako ng hinalikan ako ni Ryan sa noo ko..alam pala nya lahat ng nangyayari sa akin..pero paano nya nalaman?..


"Akeesha..mahal na mahal kita..at ayos lang sa akin kapag pinili mo ang mga magulang mo..maiintindihan ko yun"

Napaatras ako sa sinabing iyon ni Ryan..ayokong mamili sa kanila..ayoko..

"Akeesha..makinig ka..piliin mo ang pagiging psyche..dahil pagkakataon mo na yun para makasama ang mga magulang mo"


Isang sampal ang naisagot ko kay Ryan..


"ang lakas ng loob mo para sabihin sa akin yan Ryan..akala mo ba ganun kadali ang mamili sayo at sa magulang ko na kanina ko lang nalaman na magulang ko pala sila..akala mo ganun lang kadali sa akin lahat?..Ryan hindi mo alam..hindi mo alam kung gaano ako hirap na hirap sa sitwasyon kong ito..oo Ryan..minsan ko nang pinangarap na magkaroon ng mga magulang..minsan ko ng pinangarap na maging isang anak..pero Ryan, pinangarap ko ding makasama ka..pinangarap ko ding bumuo balang araw ng sarili kong pamilya kasama ka..bakit ganun?..bakit ang dali dali para sayo na ipagtabuyan na lang ako?.."

"Akeesha..nahihirapan din ako..masakit sa akin na makita kang nasasaktan..at ayoko din na ako ang maging dahilan para talikuran mo ang mga magulang mo.."

"kaya ganun lang kadali sayo na ibigay ako sa mga magulang ko"

"Akeesha"


Lumapit sa akin si Ryan pero umatras lang ulit ako..balak nyang hawakan ang mga kamay ko pero umiwas ako..ang sakit sakit eh..yung mahal ko na gustong gusto kong ipaglaban ang nagsasabi sa akin na isuko ko na lang sya..durog na durog na ang puso ko..pinong pino na..

Tumalikod na ako sa kanya at tumakbo..pero nahabol nya ako at niyakap nya ako sa likod..isang mahigpit na yakap na hindi ko magawang makaalis..


"Ryan..bitaw!"

"Kung pwede lang Akeesha..sa akin ka na lang..gustong gusto kong ipaglaban ka..gustong gusto kong sabihin sayo na ako na lang ang piliin mo..na wag mo akong iwan ulit..pero mali Akeesha..hindi ka akin..dahil mas may karapatan pa din sayo ang mga magulang mo.."


Umiiyak na din si Ryan habang nakayakap pa din sa akin..


"Akeesha..piliin mo ang mga magulang mo"


That's it..patay na ang puso ko..kusa na ding huminto ang pag-iyak ko..at wala na akong maramdaman..sa sobrang sakit na naramdaman ko, parang namanhid na ang buo kong katawan..para akong isang zombie..buhay pero hindi na tumitibok ang puso ko..

Unti unti nang lumuluwag ang pagkakayakap sa akin ni Ryan..hanggang sa kumalas na talaga sya sa pagkakayakap sa akin..




























"i'm letting you go Akeesha..sinusuko na kita sa mga magulang mo.."


Hindi na ata ako makahinga..hindi na ako makagalaw..para akong nabato sa kinatatayuan ko..sinusuko na nya ako..hindi man lang nya ako nagawang ipaglaban..nasaan na yung sinasabi nyang 'mahal na mahal' nya ako?..nasaan na yung sinasabi nyang hindi na nya kakayanin kapag nawala ulit ako?..nasaan na ang pagmamahal na lagi nyang pinaparamdam sa akin?..nasaan na?..


Umalis na si Ryan at iniwan nya akong mag-isa dito sa may elemental tree..napaupo na lang ako sa may damuhan..hindi ko na kailangang mamili..dahil si Ryan na ang pumili para sa akin..sumuko na sya..isinuko na nya ako..hindi na nya ako kayang ipaglaban..


Gusto kong iiyak lahat lahat..pero parang naubos na ata ang luha ko..wala na din akong maramdaman..


Salamat Ryan..thank you for making me feel this way..yung tipong buhay na buhay pa ako pero hindi ko na maramdaman ang sarili ko..you killed me..ikaw ang bumuhay sa akin noon pero ikaw din pala ang papatay sa akin ngayon..sana hindi mo na lang ako binuhay..sana..





*****

Sino pong naiyak?..comment po guys..gusto ko malaman ang reaksyon nyo sa chapter na ito..gusto kong malaman kung pareho tayo ng naramdaman..^_^

Thank you and God bless!


-----nnaeillek


In Between Two Destiny - L.E book 2Where stories live. Discover now