CHAPTER 14

5.1K 218 6
                                    

Ephesians 5:17

Therefore do not be foolish, but understand what the Lord's will is.





RYAN POV

"oh pare..anong itsura yan?"

Tanong sa akin ni Jethro nang makarating ako sa dorm namin..kasalukuyan syang nagbabasa ng libro nung dumating ako..

"nag-away kami ni Akeesha"

"sus..away lang yan"

"hindi lang basta away to..pinagdudahan nya ako..ginagawa ko daw syang panakip butas dahil si Athena pa din daw ang mahal ko"

"tama ba ang pagdududa nya?"

"hindi"

"yun naman pala eh..bakit apektado ka?..normal lang na magselos si Akeesha..umabsent ka ba naman para kay Athena..eh magseselos talaga yun"

"kaibigan ko si Athena..dapat nyang maintindihan yun"

"pero sya ang first love mo..kaya hindi mo maaalis kay Akeesha ang magselos"

Napaupo na lang ako..ganun ba talaga yun?..nakaraan na yun eh..bakit kailangan pang pagselosan?..

"ganang ganan ka din naman nung pinopormahan ni Alvin si Akeesha.."

Nakangising sabi ni Jethro..

"iba naman yun..masama si Alvin..at napatunayan ko yan"

"naging masama din si Athena..napatunayan natin yan"

Napakamot na lang ako sa ulo ko..tss..

"kung ako sayo pare..wag mo nang patagalin yang away nyo.."

Napatingin na lang ako sa kanya..ano bang dapat kong gawin?..malapit na din ang foundation day..hindi ko pa sya pormal na niyayaya..hayyy...





AKEESHA POV

"hoy Akeesha..anong drama nyo ni Ryan kanina?"

Napabuntung hininga na lang ako..ano nga bang drama yun?..

"alam ko na..nagselos ka noh?"

"mali bang magselos?"

"hindi naman mali..normal lang naman yun..pero wala ka naman dapat ikaselos"

"natatakot ako..baka isang araw, si Athena na ulit ang mahal nya"

"lahat naman tayo may takot pagdating sa mga DATING MAHAL ng mga taong mahal natin..pero kailangan mong magtiwala Akeesha..alam mo bang sa anim na buwan na nawala ka..si Athena ang laging nasa tabi ni Ryan..pero ni minsan hindi ka nya nakalimutan..ikaw pa din ang mahal nya nung mga panahon na yun..at hanggang ngayon Akeesha..ikaw pa din.."

"salamat Riya"

"wala yun..nga pala..nakita mo na ba yung kwintas?"

"hindi pa nga eh"


**blaaggggg**


Nagulat kami bigla nang may mahulog sa sahig..agad namin tiningnan kung ano yung nalaglag..yung box ko..teka..paano ito nalaglag?..at saka nakalagay ito sa cabinet ko eh..

"paano ito nalaglag?"

Tanong ni Riya habang pinupulot yung box ko..nagkibit balikat na lang ako..inabot nya sa kin yung box at kinuha ko naman..pinagmasdan ko yung box..at may napansin akong nakaengrave sa may takip nung box..kelan pa nagkaroon ito nito?..parang wala naman ito dati ehh..tinitigan kong mabuti yung shape nung nakaengrave..

"Riya..tingnan mo to"

Pinakita ko kay Riya yung nakaengrave sa box..pinagmasdan nya ito at parang kumunot ang noo nya na parang may narealize sya..

"how come?..."

"hindi ko din alam ehh"

"kailangan makita na agad ang kwintas mo"

Napatango na lang ako..nakakapagtaka naman yung box ko..yun kasing nakaengrave sa may takip nun, katulad na katulad nung shape ng kwintas ko, korteng flame sya..at sa palagay ko, kasya yung kwintas ko sa engrave nung box..posible kaya na ang susi ng box ko ay yung kwintas ko na bigay ni Ryan?..pero paano nangyari yun?..itinago ko na lang ulit yung box ko..kailangan ko na talagang makita yung kwintas ko..nasaan na kaya yun?..hindi kaya may kumuha nun?..pero sino naman ang kukuha nun?...hayyy..




*****



Kinabukasan, maaga akong pumasok..nauna na ako kay Riya..gusto ko kasing makausap si Ryan..ayoko nang patagalin pa ang away namin..may kasalanan din naman kasi ako, pinagdudahan ko sya..pagkarating ko sa classroom namin, wala pa si Ryan..napabuntung hininga na lang ako..tumambay ako sa may harapan ng room para abangan si Ryan..ilang minuto na din akong nakatayo dito nang matanaw ko sina Riya at Jethro..buti pa yung dalawa na yun..hindi yata nagkakaproblema sa relasyon nila..

"Jethro.."

Bati ko kay Jethro nang makalapit sila sakin..nginitian naman nya ako..

"si Ryan?"

"naku..hindi ko alam ehh..gumising na lang ako kanina na wala sya sa higaan nya..akala ko nga pumasok na sya eh..hindi pa ba sya nadating?"

Umiling lang ako..tinapik ako sa balikat ni Riya pagkatapos ay pumasok na sila sa loob..kaya pumasok na lang din ako..pagkapasok ko ay tiningnan ko pa ang upuan ni Athena..wala pa din sya..so may posibilidad na may sakit pa din si Athena at inaalagaan sya ni Ryan..umupo na lang ako sa upuan ko at umub-ob..bakit ganun?..sana sinabi na lang ni Ryan na hindi nya talaga ako mahal..para hindi na ako umaasa..nakakainis eh..ang sakit sakit..yung tipong ginawa ko ang lahat para makabalik sa mundong ito para sa kanya tapos hindi pala nya talaga ako mahal..parang lumaban ako sa isang gyera na walang dalang sandata..talong talo ako eh..


In Between Two Destiny - L.E book 2Where stories live. Discover now