CHAPTER 26

4.7K 246 5
                                    

Proverbs 12:25

An anxious heart weighs a man down, but a kind word cheers him up.




*****

AKEESHA POV

"Oh no!!..anong nangyari sayo Akeesha??"

Napabangon ako agad ng biglang sumigaw si Riya..ano ba yan..ang aga aga..inaantok pa ko eh..

"bakit ganyan ang mga mata mo?..umiyak ka ba?"

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin..pugtong pugto pala ang mata ko..ilang oras din ata kasi akong umiyak kagabi..nakakainis kasi si Aries eh..dinamay pa ako sa pagiging heart broken nya..

"sa puyat lang to..alas kwatro na ata ako nakatulog kagabi.."

Mukang naniwala naman si Riya sa palusot ko..hindi na kasi sya nagsalita pa at tumingin na lang sya sa salamin..

"nakabihis ka ata?"

"may pupuntahan kasi kami ni Jethro.."

Nakangiting sabi ni Riya..kaya pala naman todo ayos tong babaeng ito..

"maghapon na kayong magkasama kahapon..kulang pa ba ang maghapon sa inyong dalawa?"

"ano ka ba naman Akeesha..maikli lang ang buhay..ika nga..live your life to the fullest.."

Napangiti na lang ako..ang dami nyang nalalaman eh..

"maiwan na muna kita ha..at nga pala..may pagkain dyan..kumain ka na..grabe ka matulog..ala una na ng hapon..sige na..bbye.."

Umalis na si Riya so naiwan na akong mag-isa dito sa dorm..nahiga na lang ako at tumitig sa kisame..pinalabas ko sa kamay ko ang hour glass..kalahati na ng buhangin ang nalaglag sa kabilang part ng hour glass..napabuntung hininga na lang ako..bakit ba kapag masaya yung moment, ang bilis bilis ng oras..


"Akeesha!"

Napabangon ulit ako nung biglang lumitaw si Ehris..agad kong nilock ang pinto ng kwarto..

"Ehris?..anong ginagawa mo dito?"

Sa halip na sagutin nya ang tanong ko ay niyakap nya lang ako..isang mahigpit na yakap..

"t-teka"

"kahit ngayon lang Akeesha..please.."

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko..weird..bakit ganito ang pakiramdam ko?..may something eh..hindi ko lang maexplain kung ano..

Nag-umpisa nang umiyak si Ehris habang nakayakap pa din sa akin..teka..ibig bang sabihin nun ay sya ang tinutukoy ni Aries kagabi?..

Hinayaan ko lang na umiyak ng umiyak si Ehris habang yakap nya ako..hanggang sa sya na mismo ang huminto sa pag-iyak..kumalas na din sya sa pagkakayakap sa akin..


"sorry!"

Hinging paumanhin nya..

"ok lang.."

Yun lang ang nasabi ko sa kanya..hindi ko kasi alam kung paano ko sya iaapproach..marami akong gustong itanong about sa kanila ni Aries..pero nagdadalawang isip ako kung itatanong ko ba..kasi kung tutuusin, issue nilang dalawa ito at hindi ako kasali doon..

"kagabi ko pa sana gustong puntahan ka..kaso naunahan ako ni Aries.."

Malungkot nyang sabi sa akin..napaisip naman ako..may balak ba silang gawin akong tulay nila?..kasi sa akin sila parehong pumunta kahit yung kay Aries ay aksidente lang ang pag-oopen sa akin..

"narinig ko lahat ng pag-uusap nyo kagabi..lahat lahat.."

Umiyak ulit si Ehris..waahhh..anong gagawin ko?..hindi ata ako marunong magcomfort ng mga umiiyak..

"nasaktan ko sya ng sobra sobra..nung una, iniwan ko sya ng basta basta para lang sa pagiging psyche ko..tapos eto naman ngayon..nasaktan ko sya dahil hindi ko sya nagawang makilala.."

"pero kahit ganun..mahal ka pa rin nya.."


Napatingin sya sa akin..napaiwas naman ako..ang awkward..kasi sabi ni Aries, dalawampu't limang taon ang agwat namin..so kami ni Ehris baka ganun din..mas matanda sila pero bakit parang ako pa ata ang kailangang magbigay ng payo sa kanila..


"pero labis ko syang nasaktan..at hindi ko alam kung anong gagawin ko..mahal na mahal ko sya..pero hindi ko alam kung sapat ba yun para maibsan ang sakit na nararamdaman nya.."

"emotion psyche ka diba..so alam mo ang gagawin sa mga ganitong sitwasyon"

"isa akong tagagabay sa mga emosyon ng mga elementalist..si Aries ay isang psyche..hindi sya sakop ng kapangyarihan ko..at isa pa..hindi ko rin kayang gabayan ang sarili kong emosyon.."

Napanganga na lang ako..grabe..bakit parang mas komplikado pa ang sitwasyon nila kesa sa sitwasyon namin ni Ryan..


"may nakapagsabi sa akin..follow your heart..ano bang nilalaman ng puso mo?"

"mahal ko pa rin sya.."

Mahina nyang sabi sa akin..


"minsan na kayong naghiwalay..pero nagtagpo pa rin kayo..sobrang nasaktan na kayo pero mahal nyo pa rin ang isa't isa..nung una, mas pinili mo ang iba kaysa sa sarili mo..baka kaya pinagtagpo kayo ulit ay dahil para naman piliin mo ang sarili mo..baka ito na ang oras para ikaw naman ang sumaya.."

Yumakap ulit sa akin si Ehris..

"thank you so much!"

"ok lang yun..sige na..puntahan mo na sya..mag-usap kayong dalawa.."

Nakangiti kong sabi sa kanya..

"nakakahiya..mas matanda ako sayo pero ikaw pa itong nagpayo sa akin.."

Nakangiti na sya ngayon pero bakas pa rin sa mga mata nya ang lungkot..

"hahaha..mahiya talaga kayo ni Aries..sa akin pa talaga kayo pumunta para mag-open lang ng mga kabitteran nyo sa buhay.."

Tumawa lang din si Ehris at muling yumakap sa akin..

"salamat ulit..wag kang mag-alala..maayos din ang lahat sa inyo ni Ryan..sige..mauna na ako..ibabalik ko pa sa akin ang forever ko eh.."

Napatawa na lang ako..may kakornihan din pala ang mga psyche..kumindat muna sa akin si Ehris bago sya tuluyang umalis..

Naiwan ulit akong mag-isa dito..humiga na lang ulit ako at ipinikit ko ang mga mata ko..bakit ganun..nagagawa kong magpayo sa iba..pero bakit ang sarili ko, hindi ko magawang payuhan..nagagawa kong bigyan ng solusyon ang problema ng iba..pero sarili kong problema, hindi ko alam kung paano sosolusyonan..bakit ang unfair ng buhay?..


In Between Two Destiny - L.E book 2Where stories live. Discover now