"I believe that two people are connected at the heart, and it doesn't matter what you do, or who you are or where you live; there are no boundaries or barriers if two people are destined to be together."
----Julia Roberts
AKEESHA POV
Nanatili akong nakatingin sa dream psyche..sya daw si Ryan..at ewan ko ba, pakiramdam ko may kakilala akong Ryan..tapos yung itsura nya, pamilyar sya sa akin..pero hindi ko maalala kung nagkita na nga ba kami..
"baka matunaw ako nyan"
Natigilan ako sa sinabi nyang yun..
baka matunaw ako nyan
baka matunaw ako nyan
baka matunaw ako nyan
Saan ko nga ba narinig yun?..sigurado akong narinig ko na yung linyang yun dati eh..arghhh..
"ok ka lang?"
Tanong sa akin ni Ryan..tumango na lang ako..pilit ko pa din kasing inaalala kung saan ko nga ba narinig yun..
Nag-iisip pa din ako ng biglang umilaw ang birthmark ko sa kamay ko..yung infinity sign..at mas lalo akong nagulat nang makita ko na may ganung birthmark din si Ryan at umiilaw din ito..napangiti na lang sya ng makita nya ito..samantalang ako eh naguguluhan pa din..
"lahat ng sign nagbalik na..ikaw na lang ang kulang"
Ano daw?!..baliw na ba ang lalaking ito?..may saltik ata to eh..
"ang ganda pala dito sa psyche world noh.."
Nilibot nya ang paningin nya sa paligid hanggang sa matuon ang pansin nya sa gitara na nakapatong sa isang bench..eh?..paano nagkaroon ng gitara dito?..at kanino yun?..
"namiss ko ang tumugtog ng gitara..pahiram hah"
Napatango na lang ako..natutulala kasi ako sa kanya..tapos yung puso ko parang tatalon na..ang cute nyang ngumiti..tapos marunong syang maggitara..parang naattract ako bigla sa kanya..
Oh, love of my life
Destined forever
Wow..ang ganda ng boses nya..nakakainlove..O_O..napailing na lang ako..ano ba naman itong pinag-iisip ko..
I will be right here by your side
No falling tears when we're together
You know the joy you bring to me.
Kusang nagplay sa utak ko ang panaginip ko..pero this time, malinaw na ang itsura nung lalaki..