CHAPTER 40

4.8K 237 11
                                    

Matthew 6:33

But seek first His kingdom and His righteousness, and all these things will be added to you.




*****

AKEESHA POV


"anak..pupunta na kami sa elemental world..ikaw na muna ang bahala dito hah.."

"Ina naman..kung magsalita kayo..parang matagal kayong mawawala.."


Ngumiti lang sa akin si Ina pati na din ang ibang psyche..nawiwirduhan ako sa mga ngiti nila..at kinakabahan ako..


"sige na..bye anak.."


Umalis na sila at naiwan lang akong mag-isa dito sa psyche world..at ngayon ko lang narealize, bakit ayaw nila akong isama sa normal world?..tss..nagpunta na lang ako sa may falls ng psyche world..ikinonekta ko ang katawan ko sa elemental tree..at naramdaman kong nawawala sa balanse ang fire element..kaya nagpalabas ako ng fire element ko at ikinonekta ko ito sa fire branch ng elemental tree..hanggang sa bumabalik na ito sa tamang balanse..

Ito ang katungkulan ko bilang balance psyche..ako ang nagpapanatili ng balanse ng apat na elemento ng elemental world..ginagawa ko ito upang hindi na muling magkaroon ng digmaan sa pagitan ng apat na elemento..at sa loob ng dalawang taon na pagiging psyche, masasabi kong buo na ang pagkatao ko..mayroon akong mga magulang at alam ko na din ang silbi ko sa mundong ito..kung tutuusin, dapat masaya na ako..kaso pakiramdam ko may kulang pa..there's a missing link na hindi ko alam kung ano..hindi ako lubusang masaya..at hindi ko alam kung bakit..




RYAN POV


"handa ka na ba?"


Ngiti lang ang tangi kong naisagot dahil sa sobrang kaba ko..sa wakas..pagkatapos ng dalawang taon, makikita ko na ulit sya..at makakasama..tama nga ang panaginip ko..magkakasama kaming muli..

Nung isang linggo lang ay nagpakita sa akin si Hayron, ang earth psyche..ipinagtapat nya sa akin na ako ang nakatakdang dream psyche..kaya pala kaya kong mag-interpret ng mga panaginip..dahil sa nakatakda sa akin..labis akong natuwa noon dahil magiging psyche din ako..ibig sabihin makakasama ko na ulit si Akeesha..


"pero Ryan..hindi ka nya naaalala..hindi namin alam kung bakit ikaw lang ang hindi nya naaalala dito sa elemental world.."


Nalungkot ako sa sinabing iyon ni Ehris..ako lang ang hindi nya naaalala..nakakatampo dahil si Akeesha ay hindi man lang naalis sa isip ko tapos sya, nakalimutan nya ako..


"pero wag kang mag-alala..dahil ito na ang araw na itinakda..para sundin ang tadhana nyong dalawa"


Nakangiting sabi ni Aries..ibig bang sabihin nun, suportado nila ako para sa anak nila?..ito na ba talaga yun?..magkakasama na ulit kami ni Akeesha..


"sige na..pumasok ka na sa psyhole..at pagkarating mo sa psyche world, isa ka nang ganap na psyche..at binibigyan ka namin ng oras para ipaalala kay Akeesha ang kung ano mang meron sa inyong dalawa.."


Ngumiti ako sa kanilang lahat at pumasok na sa psyhole..pagkapasok ko ay isang matinding liwanag ang sumalubong sa akin kaya napapikit na lang ako..saglit lang ang liwanag na iyon at sa pagmulat ng mga mata ko ay isang paraiso ang nakita ko..

Pero hindi sa lugar natuon ang mga mata ko..kundi sa isang babae na nakatingin lang sa mga bulaklak..nakahalumbaba pa sya at parang ang lalim ng iniisip..napangiti ako..i really miss her..at gustong gusto ko syang yakapin pero baka magalit sya sa akin..dahil nga sa hindi nya ako naaalala..kaya imbis na yakapin sya ay lumapit ako sa kanya at naghello..medyo nagulat pa nga sya ng makita nya ako..



"s-sino ka?"


Aray!..ang sakit..pero hindi ko ininda yun..dahil mas mahalaga na nandito sya sa harap ko..napakasaya ko..


"Ryan..ang dream psyche"


Hindi sya nakapagsalita..nakatingin lang sya sa akin na parang inaalala nya ako..sana maalala mo ako..sana..


"w-welcome sa psyche world"


Nanlumo ako sa sinabi nyang iyon..hindi nya nga talaga ako maalala..pero hindi pwede..dapat nya akong maalala..dahil ayoko ng mawala pa sya ulit sa akin..pero paano..paano ko ipapaalala sa kanya ang mga pinagsamahan namin?..paano?..


In Between Two Destiny - L.E book 2Where stories live. Discover now