CHAPTER 28

4.5K 207 2
                                    

Hebrews 13:8

Jesus Christ is the same yesterday and today and forever.





*****

AKEESHA POV


Aries!!!..alam ko naririnig mo ako..kailangan kitang makausap..


Nandito ako sa may elemental tree ngayon at kinakausap ko si Aries sa isip ko..kailangan naming mag-usap..dahil sa hour glass ko..


ARIES!!!!


"Akeesha!"

"Ehris?..teka..si Aries.."

"may inaasikaso lang sya kaya ako muna ang pumunta sayo.."

Napaisip naman ako bigla tungkol sa nangyari nung isang araw..

"ok na kayong dalawa?"

Ngumiti lang si Ehris sa akin..ibig sabihin ok na sila..nakakatuwa..feeling ko ang laki ng ambag ko sa pagkakaayos nilang dalawa..

"bakit mo pala sya hinahanap?"

Napatingin ako kay Ehris at napabuntung hininga..inilahad ko ang kanang kamay ko at ipinakita sa kanya ang hour glass..


"may tatlong linggo pa ako dito..pero ang hour glass na ito..dalawang araw na lang ang katumbas nito.."

"Akeesha.."

"ang usapan ay dalawang buwan..at may tatlong linggo pa ako diba.."


Halos maiyak iyak kong sabi..nagtataka kasi ako sa hour glass na binigay sa akin ni Aries..sa tantya ko kasi, dalawang araw na lang ang itatagal ng hour glass..at hindi maaaring mangyari yun..kasi tatlong linggo pa ang natitira kong oras dito sa elemental world..


"ang libro ng kasaysayan..binago nya ang oras ng pagtatakda sayo..patawad Akeesha..pero pagkatapos ng dalawang araw.."

"hindi pwede..may usapan diba..may tatlong linggo pa.."


Napaiyak na lang ako..ang daya naman eh..hindi sila marunong tumupad sa usapan..may tatlong linggo pa dapat ako..


"Akeesha..makinig kang mabuti..you are in between two destiny"


Naguluhan ako sa sinabi ni Ehris..anong in between two destiny?..hindi ko maintindihan..


"hah?!"

"yung kwintas mo na galing kay Ryan noon..hindi ba kamuka ito ng kwintas na ibinigay nya sayo nung foundation day last year?"


Tumango lang ako bilang sagot..


"hindi sya basta katulad ng kwintas na iyon..dahil yun na mismo ang kwintas..hindi talaga sya nagfade noon..bumalik lang ito kay Ryan.."

"pero sabi ni Ryan.."

"sinabi nya lang yun para hindi ka na magtanong..dahil hindi din nya alam kung bakit nagkaganun ang kwintas.."


Naguluhan ulit ako sa sinabi ni Ehris..paano napasok sa usapan ang kwintas na yun?..

"hindi naglaho ang kwintas na yun tanda na kayo ni Ryan ang itinakda sa isa't isa.."


Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nalaman ko..nakatakda kami sa isa't isa ni Ryan..ibig sabihin we are meant to be..pero nakatakda rin ako na maging isang psyche..ito ba ang ibig sabihin nya na dalawa ang nakatakda sa akin?..


"naguguluhan ako.."

"alam ko Akeesha..nakatakda ka kay Ryan..pero nakatakda ka rin na maging isang psyche..dalawa ang nakatadhana sayo..pero isa lang ang maaaring maisakatuparan..at may dalawang araw ka para pag-isipan kung aling tadhana ang susundin mo..nasa iyo ang desisyon.."


Gusto kong magsaya dahil may choice pala naman ako..at may pag-asa na manatili ako sa elemental world dahil sa nakatakda ako kay Ryan..at hindi ko na kailangang mag-isip pa..dahil si Ryan ang pipiliin ko at tatalikuran ko ang pagiging psyche..kung tutuusin wala na akong problema..pero bakit ganito ang pakiramdam ko..yung pakiramdam na gusto kong manatili pero may part din sa akin na gusto kong maging isang psyche at makasama ang lima pang psyche sa psyche world..ang weird lang..dahil noon, ayokong maging isang psyche..pero nang malaman ko na may dalawa akong choice, bigla akong nalito kung anong choice ang pipiliin ko..


"Akeesha..may dalawang araw ka pa para pumili kung anong landas ang tatahakin mo"

Dalawang araw..napakaikling panahon naman ang ibinigay nila sa akin..

"at sana kung ano man ang mapili mo..hindi mo ito ikapahamak.."

"teka..anong ibig mong sabihin?"

"dalawang araw Akeesha..at wala dapat makaalam nito na kahit na sinong elementalist..magkikita tayong muli Akeesha.."


Pagkasabi nyang iyon ay naglaho na sya..hindi nya sinagot ang tanong ko..ano kayang ibig nyang sabihin na wag ko sanang ikapahamak ang pagpili ko..tss..nagkaroon ako ng choice..ang umalis o manatili sa mundong ito..pero bakit parang mas lalong humirap para sa akin?..


I'm in between two destiny..tama sya..nasa gitna ako ng dalawang tadhana..at hindi ko alam kung anong pipiliin ko..pero syempre mas matimbang sa akin si Ryan kesa sa maging isang psyche..pero bakit gulong gulo ang isip ko?..bakit hindi panatag ang isipan ko?..bakit ako kinakabahan?..bakit ganito?..


In Between Two Destiny - L.E book 2حيث تعيش القصص. اكتشف الآن