CHAPTER 32

4.5K 204 12
                                    

Psalm 119:105

Your word is a lamp to my feet and a light for my path.




*****

EHRIS POV


Napaiyak na lang ako habang pinanonood ko si Akeesha dito sa psyche world..parang dinudurog ang puso ko habang tinatawag nya ako..wala akong magawa..kahit gustong gusto ko na syang puntahan, hindi ko magawa..gustong gusto ko syang yakapin at humingi ng tawad..pero eto ako, pinapanood lang sya..


"Ehris!!"


Tawag sa akin ni Aries..kalmado ang boses nya pero ramdam ko ang galit sa kanya..alam kong alam na din nya ang lahat..humarap ako sa kanya pero nakayuko lang ako..hindi ko kayang salubungin ang nga tingin nya..


"bakit mo itinago sa akin ang totoo?..bakit inilihim mo ang lahat??"

"p-patawad..g-gusto kong sabihin sayo..pero naghahanap pa ako ng lakas ng loob.."

"hindi ko maintindihan..Ehris..inilihim mo sa akin ang pagbubuntis mo noon..at ang masaklap pa..nagawa mo syang iwanan sa mundo ng mga tao..anong dahilan Ehris?..ano??!"

"alam ko na magkakaroon ng digmaan kaya lumayo ako..nakatakda akong maging psyche at iniwan ko sa normal world ang anak natin para ilayo sya sa kapahamakan.."

"pero itinago mo pa din sya sa akin..Ehris..anak ko sya..paano mo nagawa yun?..buo na sana ang pamilyang pinapangarap natin noon..pero bakit ang pagiging psyche pa din ang pinili mo?..bakit?.."

"p-patawad.."

"hindi na kita kilala Ehris..ibang iba ka na.."

Umalis sya sa harap ko..

"Aries..teka lang..intindihin mo naman ako!"

Pahabol kong sabi sa kanya..humarap sya sa akin..umiiyak na sya..

"ako na lang ba lagi ang iintindi Ehris?..pagod na pagod na akong intindihin ka..baka pwedeng ako naman ang intindihin mo.."

Tuluyan na syang umalis sa harap ko..napaupo na lang ako sa pwesto ko habang patuloy ang pag-agos ng mga luha ko..nilapitan agad ako nina Ahana at Aira at niyakap..


"naging masama ba ako?..masama ba akong ina??"

"Ehris..calm yourself.."


Sabi sa akin ni Aira..pero sa halip na kumalma ay lalo akong napaiyak..napakasama ko..ipinagpalit ko ang pamilya ko para lang sa pagiging psyche..


"Ehris..tahan na"


Pang-aalo sa akin ni Ahana..pero kahit ano pang sabihin nila..kusang pumapatak ang mga luha ko..nalaman na ni Akeesha ang totoo at alam kong galit sya sa akin..at si Aries, galit din sya sa akin..galit na galit sa akin ang mag-ama ko dahil sa naging desisyon ko noon..hindi ko ginusto ang desisyon kong yun..ginawa ko lang yun para sa kaligtasan ng anak ko..pero bakit ganito?..bakit ang sakit sakit?..mali ba ang naging desisyon ko?..





ARIES POV


Aaaahhhhhhhhh


Dito ako napadpad sa may pinakadulo ng psyche world..at sumigaw na lang ako dahil sa bigat na nararamdaman ko..

"Aries.."

Tawag sa akin ni Hayron..

"isa na pala akong ama Hayron pero hindi ko man lang alam..at ang masakit pa..nagawa ni Ehris na ilihim sa akin ang lahat.."

"lahat ng bagay may rason..at alam kong may rason sya kung bakit nya nagawa yun"


Napasuntok na lang ako sa isang puno..agad dumugo ang kamay ko..pero hindi ko maramdaman ang sakit nito..dahil nangingibabaw ang sakit sa puso ko..wala na ba talagang katapusan ang sakit na nararamdaman ko?..


Wala naman akong ginawang masama eh..nagmahal lang naman ako..pero bakit ganito?..sana sinabi sa akin ni Ehris ang totoo..para kahit sa maikling oras ay nakasama ko ang anak ko..bukas na ang itinakdang oras..at alam kong hindi ang psyche world ang pipiliin nya..wala na akong panahon para makasama ang anak ko..wala na..


Arghhh..


In Between Two Destiny - L.E book 2Where stories live. Discover now