CHAPTER 31

4.3K 219 27
                                    

2 Corinthians 5:17

Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation. The old has passed away; behold, the new has come.




*****

AKEESHA POV


"Ehris!!!..magpakita ka sa akin!"


Nandito ako sa may elemental tree at tinatawag si Ehris..wala na akong pakialam kung may magising man dahil sa pagsigaw ko..kailangan kong makausap si Ehris..kailangang kailangan..



FLASHBACK


Nang mailagay ko yung kwintas sa box ay unti unti itong nagbukas..pagkabukas nito ay para syang hologram..at may parang video ang nagplay..basta ganun..

Unang pinakita yung isang babae at isang lalaki na nakaupo sa may falls sa likod ng academy..hindi ko makilala kung sino yung babae at lalaki dahil blurred ang mga mukha nila..masayang masaya sila at mukang mahal na mahal talaga nila ang isa't isa..sunod na ipinakita ay ang pagkawala nung babae..hinanap sya nung lalaki sa buong academy at sa apat na kaharian pero hindi nya ito nakita..nakita ko kung gaano naging miserable ang buhay nung lalaki..araw araw nyang nililibot ang academy at ang apat na kaharian at gabi gabi naman syang umiiyak dahil hindi pa din nya nakikita ang babae..hanggang sa sumapit ang kauna unahang digmaan na pinasimulan ni Paira..

After nun ay yung babae na ang ipinakita..nasa normal world na sya at may hawak na isang sanggol..umiiyak sya habang may sinasabi sa sanggol..


"patawarin mo ako anak..pero kailangan ko itong gawin..mahal na mahal kita anak..mahal na mahal..at sana balang araw, kapag nagkita tayong muli..mapatawad mo ako sa ginawa kong ito.."


Sa puntong ito ay napaiyak na ako..hinalikan nung babae ang sanggol at iniwan ito malapit sa may ampunan..sa ampunan kung saan ako lumaki..ibig sabihin isa talaga akong elementalist..may mga magulang ako..may pagkatao ako..

Ang sunod na ipinakita ng box ay yung lalaki ulit..nakatayo sya sa harap ng elemental tree at may isang liwanag ang parang kumakausap sa kanya..hanggang sa nagliwanag ang buong katawan ng lalaki..at naging kulay pula ang buhok nito..

Patuloy ang pag-agos ng mga luha ko..hindi ito totoo diba?..

Sunod na ipinakita ang babae..hinintay nya munang may makakita sa sanggol bago sya pumasok sa isang kagubatan..umiiyak sya hanggang sa may magpakita sa kanyang liwanag..nagliwanag din ang buo nyang katawan at naging kulay pink ang damit nya..ang buhok nya ay naging kulot din at nagkaroon sya ng bulaklak sa tenga nya..

Isinara ko ang box at tumakbo ako palabas ng dorm habang umiiyak pa din..hindi totoo yun diba..hindi..


END OF FLASHBACK



"Ehris!!"


Sigaw ko pa rin..pero walang Ehris ang nagpakita..napaluhod na lang ako..bakit ganito?..kailangan kong marinig mismo kay Ehris ang katotohanan..


Ehris..magpakita ka naman oh..sabihin mo sa akin ang totoo..gulong gulo na ang utak ko..please Ehris..magpakita ka sa akin..


Iyak lang ako ng iyak dito at hindi pa din nagpapakita sa akin si Ehris..sana pala hindi ko na lang binuksan yung box..sana pala hinayaan ko na lang na nakalock yun..edi sana hindi na nagulo pa ang utak ko..


Nakapagdecide na ako eh..si Ryan ang pipiliin ko..pero bakit ganito..bakit pinahirapan na naman ako?..bakit kailangan ko pang malaman ang lahat?..durog na durog na ako eh..bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng ito?..wala na ba talaga akong karapatan na maging masaya?..lagi na lang bang komplikado ang buhay ko?..lagi na lang bang may isakripisyo ako para maging masaya?..


Aaaaahhhhhhhhhhhhh


Malakas kong sigaw..hindi ko na kaya eh..ang sakit sakit na..wasak na wasak na ang puso ko..ito na ba talaga ang tadhana ko?..ang mabuhay sa sakit at sakripisyo?..


Sana pala tuluyan na akong namatay nung binuhay ko ang elemental tree noon..sana pala hindi na ako nabuhay..para hindi na ako nahihirapan ng ganito..hindi ko na kaya eh..ang sakit sakit na..





*****

Damang dama ni Otor yung nararamdaman ni Akeesha in a different way nga lang..hahaha..

Yun mga nakahula dyan guys..two thumbs up!!..ang galing nyo ^_^ ..hehe..malapit na matapos ito..thank you guys :D

God bless!!


----nnaeillek


In Between Two Destiny - L.E book 2Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang