CHAPTER 20

4.6K 212 3
                                    

Lamentations 3:25-26

25The LORD is good to those whose hope is in him, to the one who seeks him; 26it is good to wait quietly for the salvation of the LORD.




*****

Guys..thank you so much :D

God Bless!!


----nnaeillek



*****

AKEESHA POV


Medyo malayo pa kami sa Air Kingdom ay damang dama na ang aura nito..malamig na simoy ng hangin kahit tirik na tirik ang araw..parang summer lang..

Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa gate ng kaharian..kulay puti ang gate nito na napakataas at may dalawang diamond sa tuktok..

Pagkapasok pa lang namin sa kaharian ay sumalubong agad sa amin ang napakaraming maliliit at cute na mga fairies ^_^..sa apat kasing uri ng elementalist, ang mga air elementalist ang may kakayahang bumuo ng mga mini fairies..ito ang pinaka ipinagmamalaki nila..ang mga mini fairies na malilikha nila ay magiging gabay nila buong buhay nila..hindi ko lang alam kung bakit si Ms. Alexa ay walang fairy..marahil ay ayaw nya itong ipakita sa iba..or maybe nahihiya sa iba ang fairy nya..si Riya naman ay hindi pa sya maaaring lumikha ng fairy nya hangga't hindi sya nakakagraduate sa academy..bigla tuloy akong naexcite sa malilikhang fairy ni Riya..

Pinagpatuloy namin ang paglilibot sa kaharian..napakaganda din ng Air Kingdom katulad nung dalawang nauna naming puntahan..


"ang cute cute nila"

Nakangiti kong sabi habang pinagmamasdan ang mga fairies na masayang lumilipad sa ere..at sa paglipad nilang iyon, nakakalikha sila ng iba't ibang kulay ng magic dust na mas nagbibigay ganda sa buong kaharian..


"ang cute nga"

Nakangiti ding sabi ni Ryan..napalingon ako sa kanya at nakita kong sa akin sya nakatingin..agad kong ibinalik ang mga tingin ko sa mga fairies..pakiramdam ko kasi namula ako..

Ilang saglit lang ay may lumapit sa amin na isang fairy..kulay dark pink ang pakpak nito at ang ganda nya..napangiti na lang ako ng iniabot nya sa akin ang isang maliit na kulay dark pink na bulaklak..

"salamat.."

Nakangiti ko pa ding sabi..lumipad na ulit sya kaso yung iba pang mga fairies ay lumapit din sa akin isa-isa..binigyan nila ako ng maliit na bulaklak na ang kulay ay base sa kulay ng pakpak nila..

"i think they like you!"

Bulong sa akin ni Ryan habang napupuno na ng mga bulaklak ang mga kamay ko..after makapagbigay sa akin ng bulaklak ang lahat ng fairies ay pinalibutan nila kami ni Ryan..

"this time, follow your heart"

Bulong sa akin nung fairy na unang lumapit sa akin kanina..napatingin ako sa kanya at nakangiti sya sa akin..nagtaka naman ako sa sinabi nya..what does she mean?..

Naputol ang pag-iisip ko nung hawakan ni Ryan ang mga kamay ko..nagulat ako kasi hawak ko pa din yung mga bulaklak..baka mapisa sila :'(..sasabihin ko na sana kay Ryan na tanggalin ang kamay nya pero hindi ko naituloy..bigla kasing nagliwanag ang mga kamay naming dalawa..nagtaka kaming dalawa samantalang ang mga fairies ay nakapalibot pa din sa amin..ilang saglit lang ay nawala na ang liwanag..isa isa na ding umalis ang mga fairies..ang naiwan na lang ay yung dark pink ang pakpak..

"sign of infinity"

Nakangiti nyang sabi habang nakatingin sa mga kamay namin..kaya napatingin din ako sa kamay ko..nanlaki ang mga mata ko nung makita ko na parang nagkaroon ng tattoo ang pulso ko..ito ba yung sinasabi nung fairy na sign of infinity?..para syang 8 na nakahiga..basta yun na yun..

Tiningnan ko din ang kamay ni Ryan..katulad na katulad nung sa akin yung sa kanya..nasa kanan naming kamay ang tattoo na 8 na nakahiga, sa may pulsuhan..

"teka lang..bawal ito hindi ba?"

Tanong ko dun sa fairy..naalala ko kasi yung bilin sa aming mga estudyante..

"hindi yan materyal na bagay..kaya hindi yan bawal"

Nakangiting sabi nung fairy..napangiti na lang kami ni Ryan..lumayo na rin sa amin yung fairy at nakipaglaro na sa mga iba pang fairies..

"anong ibig sabihin nito?"

Nagkibit balikat lang si Ryan..

"ngayon pa lang ako nakakita ng mga fairies eh.."

Napatango na lang ako sa sinabi nya at muli ko na lang pinagmasdan ang mga fairies na walang pagod sa paglipad..nakakarelax silang pagmasdan..

Ilang saglit pa naming pinagmasdan ang mga fairies bago nagpasyang umalis na..tatlong kaharian na ang napupuntahan namin..one more to go..


Water Kingdom..here we come!!


In Between Two Destiny - L.E book 2Where stories live. Discover now