CHAPTER 39

4.9K 246 40
                                    

Ephesians 2:8

For by grace you have been saved through faith; and that not of yourselves, it is the gift of God;





*****

RYAN POV


"Ryan..may date ka na ba sa foundation day?..tayo na lang ang date"


Nakangiting sabi sa akin ni Athena..tiningnan ko lang sya saglit tapos umiling ako..narinig ko naman syang bumuntung hininga..

Dalawang taon na ang nakakalipas..dalawang taon ng wala si Akeesha..nakagraduate na kami sa academy at kasalukuyang mga trainor na kami doon..at malapit na ulit ang foundation day..padalawang beses na din akong niyaya ni Athena na maging date nya pero padalawang beses ko na din syang tinanggihan..dahil wala naman akong balak umattend sa foundation day..


"pare..nanaginip ako kagabi..nagsama daw ang element naming dalawa ni Riya.."

"tapos??.."


Napakamot na lang sya sa ulo nya..


"hindi porket alam ko ang ibig sabihin ng mga panaginip..eh lagi mo na lang akong tatanungin tungkol sa mga panaginip mo..wag kang dumepende sa mga panaginip mo..dahil panaginip lang yun..ito ang realidad..kaya gumising ka.."


Mahaba kong paliwanag sa kanya..mula kasi nung mapanaginipan ko ang nangyari kay Akeesha, nagagawa ko nang basahin ang mga panaginip ng mga elementalist..hindi ko alam kung paano ko nagagawa yun..basta narealize ko na lang..


"wow..pare..sa loob ng dalawang taon..yan na ata ang pinakamahaba mong nasabi"

"tss.."


Lumabas na ako ng faculty room at nagpunta na lang sa training field ko..wala pa ang mga estudyante ko dahil kalahating oras pa bago mag-umpisa ang klase ko..


Naupo na lang ako sa may damuhan at nilaro ko ang fire element ko..

Tuluyan ng napako ang pangako ko kay Akeesha..nangako akong magiging masaya ako at hahanap ng bagong mamahalin pero hindi ko nagawa..dahil sa loob ng dalawang taon, hindi ako naging masaya..hindi ko magawang buksan ang puso ko sa iba..dahil sya pa din..sya pa din ang mahal ko..pinilit kong mabuhay dahil umaasa ako na magkikita pa kami..wala naman sigurong masama kung aasa ako sa panaginip ko diba..

Sa loob ng dalawang taon, lagi kong napapanaginipan si Akeesha..sa panaginip ko daw ay magkasama kami ni Akeesha..simple lang ang panaginip kong iyon pero yun ang pinanghahawakan ko sa loob ng dalawang taon..at umaasa akong magkakatotoo ang panaginip kong iyon..






AKEESHA POV


"anak.."

"Ina.."


Humalik sa pisngi ko ang aking ina..kagagaling nya lang sa may burol dahil mayroon na naman syang itinakdang dalawang elementalist..


"napanaginipan ko na naman sya..magkasama daw kami sa may elemental tree..kaso hindi ko pa din makilala kung sino sya.."


Mula nung mapunta ako dito sa psyche world..wala na ako masyadong maalala sa naging buhay ko sa elemental world..ang tanging naaalala ko na lang ay sina Riya at Jethro..ang council at ang tatlong prinsesa..at sa loob ng dalawang taon, lagi ko na lang napapanaginipan ang isang lalaki na hindi ko maalala kung sino..sabi ng aking ina at ama ay baka naging kaibigan ko din daw yun sa elemental world..ang ipinagtataka ko lang ay bakit hindi ko sya makilala o maalala..at saka bakit ko sya laging napapanaginipan..


"wag mo na lang kaisipin yan anak..tamo namumula na naman ang birthmark mo"


Napatingin ako sa kamay ko na may birthmark..isa pa ito, sa tuwing napapanaginipan ko o kaya naaalala ko ang lalaking yun, bigla na lang namumula ang birthmark ko sa kamay..ang birthmark kong ito ay parang sign ng infinity..pakiramdam ko malaking parte ng buhay ko ang lalaking yun..sino kaya sya?..


"nga pala Akeesha..malapit nang dumating ang dream psyche.."

"talaga po?..kailan sya dadating?"

"sa isang linggo ang itinakdang araw sa kanya.."

"ibig sabihin..susunduin natin sya sa elemental world sa isang linggo?"

"oo anak..pero kami lang ang susundo sa kanya..maiwan ka na lang dito.."

"sige po..mabuti naman at magiging pito na tayo.."


Napangiti na lang sa akin si Ina..anim lang kasi kaming psyche..water, air, earth, fire, emotion at ako na balance psyche..at nung isang buwan, nagpakita ulit sa amin ang libro ng kasaysayan..malapit na daw ang itinakdang araw para sa itinakdang dream psyche..ang dream psyche ang gagabay sa bawat panaginip ng isang elementalist..


"Ehris..Akeesha..ang kasaysayan ng libro..may bagong pahina ulit"


Agad kaming nagpunta sa falls ng psyche world at tiningnan ang bagong pahina ng libro ng kasaysayan..



There are no boundaries or barriers if two people are destined to be together. And this is the time for them to be together.



Yan ang nakasulat sa bagong pahina..nagdiwang naman ang mga kasamahan kong psyche..parang ako lang ata ang hindi nakaintindi sa nakasulat..sa labis na katuwaan ay niyakap ako ni Ina na ikinagulat ko naman..


"t-teka lang po..ano bang ibig sabihin ng nakasulat?.."

"malalaman mo din anak..sa pagdating ng dream psyche"


Sabi sa akin ng aking ama..sa pagdating ng dream psyche?..ano namang kinalaman ng dream psyche sa bagong pahina ng libro?..


In Between Two Destiny - L.E book 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora