EPILOGUE

6.6K 321 66
                                    

John 3:16

For God so loved the world, that he gave his only Son, that whoever believes in him should not perish but have eternal life.






*****


Ako si Akeesha..lumaki sa isang bahay ampunan..galit ako sa mga magulang ko noon dahil nagawa nila akong iwan..hindi ako nakipagkaibigan sa kahit na sino dahil takot akong iwanan din nila ako..pero nagbago ang pananaw ko noong nakilala ko sina Riya, Jethro at Ryan..mabait si Riya at madaldal..si Jethro naman ay may pagkasweet at maalagain..at si Ryan na napakamasungit at suplado..akala ko simpleng mga kaibigan ko sila..pero nagkamali ako..dahil sila ang naging daan ko para makilala ang tunay na ako..isa daw akong elementalist katulad nila..nung una ayaw kong maniwala hanggang sa dalhin nila ako sa mundo nila..ang elemental world..


Hindi naging madali ang buhay ko sa mundo nila na mundo ko na din daw..komplikado at mahirap yan ang masasabi ko sa mundo nila..dahil ako ang tinuring na pinakamahina sa mundo nila..pero hindi ako iniwan ng mga kaibigan ko..tinulungan nila akong umangat..hindi nila ako pinabayaan..lalo na ni Ryan..kahit masungit sya sa akin noon, hindi nya ako iniwan..bawat training ko sya ang kasama ko..bawat paghihirap ko, sya ang nasa tabi ko..lalo na nung malaman ko na ako ang Legendary Elementalist..isang napakalaking responsibilidad ang maging Legendary Elementalist na gusto kong talikuran noon..pero hindi ko nagawang talikuran dahil napamahal na sa akin ang elemental world..napamahal na sa akin ang mga kaibigan ko..napamahal na sa akin si Ryan..


Nailigtas ko ang elemental world sa mga rebelde..akala ko tapos na..pero hindi pala..dahil mas malaking problema ang kinaharap ko pagkatapos ng digmaan..nakatakda akong maging psyche..ayokong tanggapin yun dahil ayokong iwan ang elemental world..ayokong iwan ang mga kaibigan ko..ayokong iwan si Ryan..pero wala akong nagawa..lalo na ng malaman kong ang mga magulang ko pala ay parehong psyche..ipinagtabuyan ako ng mahal ko..gusto ko syang ipaglaban pero sya na mismo ang sumuko..kaya pinili ko ang pagiging psyche..pinili ko ang mga magulang ko at iniwan ko ang elemental world..iniwan ko ang mga kaibigan ko..iniwan ko si Ryan..


Pero sabi nga nila, what is meant to be will find its way..akala ko wala nang pag-asa ang pagmamahalan namin ni Ryan..mali ako..dahil sa dalawang taong pagtitiis, nakita ko sya at nakasama..isa na din syang psyche..at wala na ngang makakapaghiwalay sa amin..tinupad ko ang tadhana ko sa psyche world..at ngayon, tutuparin ko na ang tadhana ko kay Ryan..


Marami na akong napagdaanan..marami na akong tawa na naitawa..luha na naubos at kilig na naramdaman..at sa palagay ko, lahat ng naranasan ko sa normal at elemental world ay naging worth it..dahil kung hindi ko naranasan ang mga iyon, baka wala ako sa kalagayan ko ngayon..


Lahat ng bagay may rason..lahat ng bagay may purpose..hindi aksidente ang lahat..siguro nasasaktan ka ngayon..siguro umiiyak ka ngayon..ok lang yan..sabi nga nila, it's part of growing up..at kung umiiyak at nasasaktan ka ngayon, matuwa ka..dahil may magandang future ang nag-aabang sayo..ang kailangan mo lang gawin ay ang maghintay..mahirap gawin..pero i know, marerealize mo din na "it is all worth it"..



"daddy!!..si mommy tulala na naman"

"tiyak iniisip na naman ako ng mommy mo..inlove na inlove sa akin eh"

"yiieeehhh.."


Napatawa na lang ako sa pag-uusap ng aking mag-ama..


"hoy kayong dalawa..ako na naman ang nakita nyo"

"Rysha baby..nagagalit na naman si mommy oh"

"kiss mo lang si mommy..hindi na yan magagalit"


Napatingin sa akin si Ryan..at nakangisi..


"pano ba yan..anak na natin ang nagsabi"


Pakiramdam ko namula ako sa sinabing iyon ni Ryan kaya binato ko sya ng unan..


"Rysha oh..si mommy mo nang-aaway"

"mommy!!..bakit mo niaaway si daddy?..ikiss mo na sya..dali na"


Masaya na talaga ako sa buhay na meron ako ngayon..maybe it's not a perfect life..pero kasama ko ang mag-ama ko na sina Ryan at Rysha..kaya wala na akong mahihiling pa..


"sige na nga..isa lang baby hah.."


Ngumiti naman sa akin ang anak ko at ito namang magaling kong asawa ay nakangisi sa akin..tss..para paraan ang asawa ko..pero sige, pagbigyan ^_^ ..kaya kiniss ko sa lips ang asawa ko..


"yiieeehhhhh...ang sweet nina mommy at daddy"



"ouch!!"


Napahawak ako bigla sa tiyan ko nang makaramdam ako ng extraction..


"Akeesha..manganganak ka na ba?"

"sa tingin ko?"


Nataranta naman bigla si Ryan..


"Rysha baby..tawagin mo si Lolo at Lola mo..dali!"


Agad tumakbo palabas ng kwarto namin si Rysha..si Ryan naman ay tumabi sa akin at hinawakan ang tiyan ko..


"baby Akeeyan..wag mo masyado pahirapan si mommy hah..konting tiis na lang..makakalabas ka na din dyan"


Napangiti na lang ako sa sinabing iyon ng asawa ko..hinalikan nya ang tiyan ko at pakiramdam ko nawala ang sakit ng tiyan ko..



"FIRE WATER AKEESHA.."


"FIRE WATER RYAN"






*****

^________^

Guys..ayan tapos na ang story nina Ryan at Akeesha..maraming maraming salamat guys sa pagsuporta sa kwentong ito :D mula book 1 hanggang dito..thank you thank you..dun sa mga naiyak dyan..wag kayong mag-alala dahil umiyak din si Otor..hahaha..basta guys..salamat talaga ng marami..^_^

Fire Water guys!!..

God bless!!

----nnaeillek


In Between Two Destiny - L.E book 2Where stories live. Discover now