CHAPTER 30

4.5K 211 8
                                    

Zechariah 8:16

16These are the things you are to do: Speak the truth to each other, and render true and sound judgment in your courts;




*****


EHRIS POV


"Aries.."

"hmm"

"y-yung kwintas ni Akeesha..nasaan na?"

"naibalik ko na sa kanya"

"what?!"

Napatayo ako dahil sa sinabing iyon ni Aries..hindi pwedeng mapabalik ang kwintas kay Akeesha..hindi na pwede..

"bakit?..diba matagal mo na akong kinukulit tungkol sa kwintas..ibinalik ko na sya..and sorry kung kinuha ko iyon"

Hindi na mahalaga sa akin kung kinuha man nya iyon..oo noong una, nagalit ako sa kanya dahil sa kinuha nya ang kwintas..pero iba na ngayon..ayokong magulong muli ang isipan ni Akeesha..i know nakapagdecide na sya..at ayokong malito ulit sya dahil sa kwintas..

"Aries..kailangan kong makuha ang kwintas"

"hah?..bakit naman?..at saka hindi na tayo pwedeng pumunta sa elemental world..bukas ng alas dose ng gabi pa tayo maaaring pumunta ulit doon"

Napaupo na lang ako sa damuhan..hindi pwede..hindi nya pwedeng malaman ang lahat..

"ano bang problema?..may hindi ba ako alam Ehris?"

Seryosong seryoso si Aries at hindi ko kayang salubungin ang mga tingin nya..napayuko na lang ako at napaiyak..hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nalaman pa ni Akeesha ang lahat lahat..hindi ko na alam..





AKEESHA POV


Alas nwebe na pala ng gabi..si Riya ay natutulog na..ako naman ay hindi pa makatulog..sabi sa akin ni Ehris, pupunta daw sila dito bukas ng alas dose ng gabi para malaman ang desisyon ko..ang totoo kasi may desisyon na talaga ako pero naguguluhan pa din ako..hindi ko alam kung bakit..


Ayokong iwanan si Ryan at ang mga kaibigan ko..ayokong maging miserable ulit ang buhay ni Ryan dahil sa akin..at saka itinakda kaming dalawa at yun ang gusto kong sundin..kaya buo na ang desisyon ko..mananatili akong isang elementalist..tatalikuran ko ang pagiging psyche..kahit may alinlangan pa rin sa isipan ko, i know in my heart na si Ryan ang mas matimbang sa akin..


Tama ang sinabi nung elementalist sa fire kingdom, piliin ko ang mas makakapagpasaya sa akin..tama ang sinabi ng elementalist sa earth kingdom, isinakripisyo ko ang buhay ko noon kaya this time, pipiliin ko naman ang sarili ko, pipiliin kong mabuhay kasama ang mahal ko..i will live for my own happiness..tama din ang sinabi nung fairy sa air kingdom, this time I will follow my heart..at tama din ang sinabi ko noon sa elementalist sa water kingdom..kung may paraan ang isang nagmamahal para makasama muli ang mahal nya, gagawin nya yun..may paraan para makasama ko si Ryan at hindi na muli syang iwan..and I will choose it..hindi ko iiwan si Ryan..


Pinunasan ko ang mga luha ko..hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako..lumapit ako sa may cabinet ko at kinuha ang kwintas na isinoli ni Aries..hindi ko pa pala nasasabi kay Ryan na nasa akin na ulit ang kwintas..


Pinagmasdan ko lang yung kwintas at bigla akong may naalala..bumalik ako sa may cabinet at kinuha yung box na mula sanggol pa lang ako ay nasa akin na..pinagkumpara ko yung kwintas ko at yung naka engrave sa box..


Ang galing naman..coincidence ba ang matatawag dito?..kasi katulad na katulad talaga yung nakaengrave dun sa kwintas ko..hindi kaya ang kwintas ko ang susi ng box na ito?..pero imposible eh..ewan ko ba..bigla na lang akong kinabahan..what if kung ito nga ang susi..wala namang mawawala kung susubukan ko diba..


Muli kong pinagmasdan ang kwintas at ang box..kinakabahan talaga ako pero may part sa akin na nag-uudyok na subukan ko ang nasa isip ko..and nakita ko na lang ang sarili ko na inilalagay yung kwintas ko sa box na may naka engrave..napasinghap ako dahil kasyang kasya yung kwintas sa box..para akong nakabuo ng isang puzzle na matagal nang nawawala ang kapiraso..


Ilang saglit pa ay umilaw yung kwintas ko..at unting unting nagbubukas yung box..sa tagal ko nang iningatan ang box na ito..ngayon ko na makikita kung ano ba talaga ang laman nito..




At hindi ko alam na ang box palang ito ang muling gugulo sa isipan ko at dudurog ng puso ko..


In Between Two Destiny - L.E book 2حيث تعيش القصص. اكتشف الآن