Chapter 4

34K 605 12
                                    

Luke 

Maaga siyang umalis upang pumasok. Marami pa siyang kailangang ayusin at basahin na mga papeles. Ngunit bago niya iwan ang dalaga ay nagpaluto siya ng Chicken Casserole na siyang isa sa paborito niyang pagkain. Gusto sana niya itong ipagluto ang kaso ay kukulangin siya sa oras kaya ipinaluto na lang niya ito sa cook nila. 

He will admit that the talk that they have last night was terrible. Hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging reaksyon ng asawa niya. Hindi naman sigurog masama na maging possessive lalo na kung ang usapan ay ang asawa niya. Yllana IS a Legazpi and she will always be HIS. Sa kanya lang ito at sa kanya lang. Pero ito na mismo ang nagtaboy sa kanya kaya ang sakit lang dahil sa pagmamahal na binigay niya noon rito ay ipinagtutulakan siya nito palayo. 

"Sir, Mr Arayata want to see you," sabi ng secretary niya na si Sally,his niece.

''Let him enter. ''

Umalis naman ito pagkatapos at sa paglabas nito ay siya namang pagpasok ni Mr Jacob Arayata, one of his close friend. Sa itsura pa lamang nito ramdam na niya na kwento lang ang idinayo nito kaya napataas na lamang siya ng kilay at saka sumandal.

''What are you doing here?'' tanong niya rito. 

Umupo lang ito sa katapat na upuan ng silya na nasa harapan niya at itinaas ang paa. Napangisi na lang siya. Kahit kailan talaga, puro sakit ng ulo ang dala nito. Tanda niya pa nga noong inimbitahan siya sa isang stag party dahil ikakasal na ang pinsan nitong si Joaquin. Joaquin is also his trusted friends kaya nga lang sa sobrang pagtitiwala niya sa binata ay ginawaan siya ng kabalastugan. Siya ang naging substitute kay Joaquin that time dahil sa biglaang pagtawag ni Ginger--- his bride to be.

''I just heard some news and it talks about you.''

''Ano iyon?''

''Totoo bang kasal ka na?''  Ngumiti lamang siya bilang sagot. ''I am dati pa. Huli ka na ata sa balita.'' panukso niya rito. 

''Gago. Seryoso? Ikaw na palaging mag kinakama lumagay sa tahimik? Bro, baka naman nabibigla ka.''

Napangisi na lamang siya. Hindi ba kapani-paniwala na kasal na siya? Who wouldn't thought of that. May katotohanan ang sinabi ng kaibigan niya. Palagi siyang may kinakamang babae. Gabi-gabi siyang dumarayo sa bar at doon niya nakikilala ang mga babae na nai-kakama niya. Pero tulad nga ng pananaw niya, ibang usapan kapag ang asawa niya ang pinag-uusapan. Mahal niya ito at malayong-malayo sa mga babae niya.

''Seryoso ako Jacob lalo na sa asawa ko.''

''Tangina. Magugunaw na ba ang mundo? Bro, you must be lucky. Who is she? Hindi ko na itatanong kung sexy for I know your preference. But still, Fuck. Tumino ka na?" 

Gusto niyang tawanan ang kaibigan. Hindi talaga maniwala na kasal na siya pero kailangan dahil kasal na siya at walang makapagbabago niyon. Noong ikinasal siya, nasa out-of-town vacation leave ito kaya hindi nakadalo sa kasal niya pero napakalate reaction naman nito. Napangisi na lang siya. 

"Her name is Yllana." sabi niya rito at saka naman ang pagtipa ng kaibigan niya sa phone na mukhang sine-search. Baliw.

"Yllana?" tanong ni Jacob rito na mukhang may kinokompirma. Tumango lamang siya.

"Fucking cupid!"

"She is the one that I am looking for the last few years. Yung sa BSU.'' sagot niya rito.

"Oh Fucking Life! Nahanap mo na siya at asawa mo na. Ang bilis kumilos a." panukso nito at saka tumayo at pumunta sa may shelves niya at may dinampot na magazine.

Tanda niya pa noon na pinahanap niiya pa talaga ito sa mga kaibigan niya. He was captivated by his wife's beauty and charm na tipong siya mababaliw sa kakaisip kung kailan niya muli ito makikita.

''Ganyan talaga, kapag mahal mo, sunggaban mo.''

"Gago ka lang talaga. May panobya-nobya ka pang nalalaman noon pero ngayon, asawa mo na pala."

Tinawanan niya lang ito at saka tumabi sa kaibigan. ''Nabahag ang buntot ko e. Itinanan ko na.''

''Baka kamo, binili mo. Yun ang narinig ko. Binili mo raw ito sa mga magulang. Gago ka talaga Luke.''

''Ayaw nila ibigay si Yllana at kilala mo naman ako Jacob. What I want, I should have and Yllana is not an exemption to that rule.''

''Iyon na nga tayo, bro. Ang tanong, mahal ka ba niya? Baka naman ikaw lang ang nagmamahal sa inyong dalawa?''

Napatahimik siya rito dahil natamaan siya. Their first year was hell. Hindi sila natutulog ng magkatabi sa kama. Lumalayo ang asawa niya sa kanya at tipong pinandidirian siya. Tuwig kumakain sila, lumilipat ito ng lugar para hindi siya makita at ang sakit niyon sa kanya. Kaya ginawa niya ang lahat para lang maayos ang pagsasama nila at natuwa naman siya sa naging resulta dahil nagkaroon sila ng anak.

''Hindi naman siguro kami tatagal kung ako lang ang nagmamahal hindi ba?''

''Oo na bro. Mahal niyo na nag isa't-sa. Masaya na ako kahit hindi pa rin talagang makapaniwala.'' ngumisi pa ito sa kanya. Mukhang may alam ito kaso hindi pa sinasabi.

''Jacob, maniwala ka na apat na taon na rin kaming kasal.''

''Kung talaga nga bang apat na taon mo siya kasama. Sa pagkakarinig ko, dalawang taon siyang nawala. Anong nangyari?''

Parang bomba na sumabog ang nangyari. Sabi na nga ba at may alam ito na hindi niya alam. Yes, Yllana ran away from them at ngayon niya lang ito nahanap muli. Kaya, kasalanan ba niya kung paghihigpitan niya ito lalo? Ayaw niya lang ito mawala sa kanya muli.

''Sa susunod na lang 'yan. Umalis ka na. I have a meeting in 5 minutes,'' pagtataboy niya rito. Hindi niya pa kayang ikwento ang nangyari. Hindi pa.

Sold to Mr BillionaireOù les histoires vivent. Découvrez maintenant