Chapter 12

19K 316 0
                                    

Masayang masaya si Yllana lalo na't yung pinapangarap niya nangyari na. Idagdag mo pa na kasama niya si Luke. Sa tuwing kasama niya ito ay hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Parang kilalang kilala na niya ito. Hindi siya magpapapanggap sa sarili niya na wala siyang nararamdaman kahit kakarampot na pagmamahal rito. She knew what she is feeling. She is in love with him. Sa tuwing naririyan sa tabi niya si Luke tila gumagalantong ang kanyang puso at nagkukumihit na lumabas sa hawlang kinasasakdal nito. Tapos kapag malapit lang sa kanya ang asawa ay tila dito na lamang umiikot ang kanyang mundo. Sa presensya pa lamang nito ay tila lubog na lubog na siya.

''Hey! Did you have fun?'' tanong sa kanya ni Luke na ngayon ay naglalakad papunta sa kanya habang tinatanggal ang tank na nakasuot rito. Napangiti na lamang si Yllana at saka sumagot.

''Good to hear that.'' Ikinawit ni Luke ang kanyang braso sa balikat ni Yllana at saka hinalikan ito sa noo. Napangiti na lamang si Yllana sa asawa at saka sila sabay na pumunta sa isang bench na hindi kalayuan sa dock. Doon ay hinubad nila ang suot nilang fins. Nakatitig lamang si Luke kay Yllana habang tinatanggal ang suot nitong fins. Kahit kalian tlaga hindi siya nagsasawa na ipaalala ang kanilang magagandang pagsasama. Tumayo si Yllana at saka tumalon sa pool habang siya ay nakatingin pa rin sa nakangiting mukha ni Yllana.

Marami siyang natatandaang magagandang panahon na kung saan ay umaangat ang ngiti ni Yllana at isa na roon ang panahong nakapagtapos ito sa BSU. Naimbitahan siya bilang guest speaker ng unibersidad at kahit sa dami ng kanyang trabaho noon dahil kakalipat lang sa kanyang pamamahala ang LGC ay pinilit parin niyang dumalo sa nasabing commencement exercises.

FLASHBACK

BSU 74th Commencement Exercises

Iyon ang nakalagay sa tarpaulin na nakalagay sa stadium ng unibersidad. Kanina pa siya nakarating sa unibersidad. Nasa loob parin siya ng sasakyan at kita niya sa kanyang bintana ang mga estudyanteng magsisipagtapos. Nakasuot na ito ng toga at kasama nila ang kanilang mga magulang na masaya dahil nakapagpatapos na sila.

Hawak-hawak ni Luke ang pirasong papel na kung saan naroroon ang kanyang speech para mamaya. Huminga siya ng malalim at saka siya lumabas ng sasakyan. Pumunta siya sa Chancellor---na siyang nag-imbita sa kanya na dumalo--- at binati siya nito. Naroroon din ang Dean ng College of Engineering na siyang nakipagkamay sa kanya.

''It is a pleasure that you accepted our invitation Mr. Legazpi despite of your busy schedule.'' Sabi sa kanya ni Dr. Olivia Heranez na siyang Chancellor ng BSU. Ngumiti siya rito at saka sumagot.

''BSU is one of the universities that is close to my heart. It is an honour for me that you invited me Dr. Heranez.''

Isang ngiti na lamang ang nakuha ni Luke bilang sagot dahil nagsisimula na ang seremonya. Kasama niyang maglakad ang Chancellor at ang Vice-Chancellor ng unibersidad. Ngumingiti siya sa mga estudyante na nadadaanan niya at nang malapit na sila sa stage ay may nakapukaw ng kanyang paningin.

Mapupulang labi, matangos na ilong, mapupungaw na mga mata na kulay itim, medyo mapulang pisngi na siyang nagpatingkad sa balat nitong maputi. Ang buhok nito na nakalugay at may mga kulot sa dulo. Lahat ng iyon ay napansin niya sa isang babae na halatang masaya dahil sa guhit ng mga labi nito. Tinandan niya ang pwesto ng dalagang nakaagaw sa kanyang pansin at saka naglakad papunta sa stage.

Nang makarating siya sa stage ay tanaw na tanaw niya rito ang ganda ng dalaga. Buong oras ng seremonya ay rito lamang siya nakatingin. He just experience love at first sight at nakakatawang sabihin na hulog na hulog na siya rito. Nang dumating na ang oras na kung saan nagbibigay na ng diploma ay tumayo siya upang makipagkamay sa mga estudyante na siyang tatawagin.

Halos paubos na ang mga estudyante pero hindi pa rin tinatawag ang dalagang nakapukaw ng kanyang pansin. Ang akala niya kanina ay nagsisimula ang apelyido nito sa letrang A kung kaya't naroroon ito sa may unahan kaso mukhang hindi dahil paubos na ang mga estudyante ay hindi parin ito natatawag isabay mo pa ang mga estudyanteng magtatapos with flying colors.

It hit his senses. Maybe the girl is graduating with flying colors. Hindi tuloy niya mapigilang hindi mapangisi.

A girl with beauty and brain.

Nang matapos na ang karamihan ay bumukas ang white screen at siyang lumalabas roon ang itsura, pangalan at ang antas nito.

''Mary Jane Velasco', Cum Laude''

''Pierre Carl Samonte, Cum Laude''

''Heinna Ysabelle De Castro, Cum Laude''

''Grace Dianne Alonso, Cum Laude''

''Gia Fatima Vergara, Cum Laude''

Sa limang estudyante na tinawag ay umaasa si Luke na baka tatayo na ang dalaga kaso naiwan na lamang ito mag-isa sa upuan. Alam na ni Luke kung ano ang maaring antas nito.

''Sabrina Yllana Ramos, Magna Cum Laude''

Sa tawag na iyon ay tumayo na ang dalagita at naglakad papunta sa stage. Napuno ng palakpakan ang loob ng kinuha nito ang diploma at saka siya sinuotan ng kanyang magulang ng medalya. Nang nasa unahan na niya ito ay binati niya ito.

''Congratulations!''

Isang ngiti ang ibinigay sa kanya ng dalaga at saka tinanggap ang pakikipagkamay niya. Kung kaninang malayuan ay tingkad na ang ganda nito, mas may ititingkad pa ang gandang mayroon nito ng malapitan. Napakaganda nito at doon ipinangako niya sa sarili niya na ito na ang dalagang pakakasalan niya. Hindi dahil sa matalino at maganda ito kundi dahil alam niya sa sarili niya nang magkadaupang palad ang kanilang mga kamay ay may naramdaman na siyang kakaiba at ang kakaibang iyon ay ang siyang simula kung paano siya nagmahal at patuloy na magmamahal sa isang dalaga na nagngangalang, Sabrina Yllana Ramos.

''Luke. Tara, swimming tayo.'' Yaya sa kanya ni Yllana. Lumapit siya sa may pool at saka nagdive. Hinuli niya ang katawan ng asawa at saka ito niyakap. Nagtitili naman si Yllana nang maramdaman ang kamay ni Luke sa kanyang katawan.

''Ano ba Luke! Ah!'' Tili pa ni Yllana dahil sabay silang lumubogg pailalim. Pinaghahampas niya ang asawa nang makainom siya ng tubig. Umangat si Yllana sa tubig at saka inubo paaalabas ang nainom niya.

Tawa lang ng tawa si Luke habang nakatingin kay Yllana ngunit napatigil siya sa pagtawa ng makitang masamang nakatitig sa kanya ito.

''Sorry na.'' paumanhin ni Luke habang lumalapit sa asawa.Ngunit hindi parin natinag ang masamang titig sa kanya ni Yllana hanggang sabinato na siya nito ng tubig na siyang ikinagulat niya. Nagbabatuhan lamang sila ng nagbabatuhan hanggang sa napagod sila. Bumalik na sila sa kwarto pagkatapos at saka sila magkasabay na pumasok sa banyo.    


SLIGHTLY EDITED. STILL FOR REVISION.

Sold to Mr BillionaireWhere stories live. Discover now