Chapter 28

16.5K 295 2
                                    

Pitong buwan na ang kanyang tiyan at ganoon na lamang ang pagsakdaan niya ng tuwa dahil konting buwan na lamang ay isisilang na niya ang kanyang mga anak. Nalaman na rin nila ang kasarian ng kambal nila at ganoon na lamang ang tuwa na naramdaman niya na malaman na isang babae at isang lalake ito. It is a fraternal twin! Hindi nga lang niya malaman kung sino sa dalawa ang mauunang lumabas pero hindi iyon magpapabawas ng tuwang nararamdaman nila.

Pinapasok na nga rin niya si Luke dalawang linggo pagkatapos nilang magusap tungkol sa magiging pangalan ng kanilang kambal. Balita nga niya rito matatapos na ang hotel sa Anilao at sa ribbon cutting nito ay pupunta silang mag asawa. Minsan nadalaw siya sa opisina nito at katunayan nga halos sermonan siya ng asawa. Tinatanong nito kung bakit pa daw siya naglalalabas gayong mapapagod siya. Tandang-tanda pa nga niya ang nangyari nung huli.

Nagpadrive siya sa driver nila na si Topher. Si Leo ay kasama ni Luke dahil ito daw muna ang tutulong sa kanya. Nagleave kasi si Sandra dahil gusto nitong magbakasyon para naman daw kahit papaano ay ramdam niya kung saan napapapunta ang sweldo niya. Isa pa iyon! Malakas ang topak. Pwede naman na gastusin nito ang sweldo sa nga luho nitong libro at make up kaso ang kwento nito sa kanya ay halos magpatayo na daw ito ng library sa dami ng libro nito at yung make up, dalawang cabinet na daw. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya rito kaso magdadalawang isip pa ba siya? Dugong Legazpi ang nananalaytay sa capillaries at mga arteries nito kaya bakit pa 'di ba?

"Ma'am, nandito na po tayo."

Hindi niya napansin na nasa tapat na sila ng main entrance ng company. Masyado kasi siyang nawili dahil sa naiisip niya. Pinagbaonan kasi niya ang asawa ng paborito nitong niluluto niya, carbonara.

Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at dahan-dahang lumabas. Tapos saka niya kinuha ang isang bag na maliit na may lamang pagkain.

"Sa parking lang ako ma'am. Text niyo na lang po ako." Paalam sa kanya nito. Tumango siya at saka sinarado ang pintuan ng sasakyan.

Humarap siya sa pintuan ng main entrance at kita niya ang mga kapwa niyang empleyado na papasok. Ini-iscan nuna nila ang i.d sa sensor na nasa turnstiles at kapag nagsignal na confirm na ang identity ay lalabas ang picture sa screen at pwede ng makapasok. Meron ding tao sa front desk at may mga nakaupo sa sofa na nasa tapat lang ng ilalim ng isang napakalaking frame.

Naglakad siya papasok at ang automatic glass door ay bumukas. Sumalubong sa kanya ang amoy na kanyang hinahanap. Ang amoy na sadyang kinabaliwan niya noong nagtatrabaho siya. Napapikit siya habang mabigat na humihinga at sa muli niyang pagbukas ng talukap ng kanyang mata ay dumiretso siya sa mga turnstiles.

Wala naman siyang dapat ikabahala sa turnstiles dahil gawa iyon sa salamin kaya hindi niya na kailangan ba itulak ito kung sakali. Iniscan niya ang i.d niya at lumabas sa screen ang litrato niya kasama ang pangalan niya. Nakangiti siyang pumasok sa loob. May ilan nga siyang nakitang taga engineering department at accounting kaso hindi ata siya nakita.

Naglakad siya papunta sa elevator at saka niya pinindot ang floor department niya. Gusto niyang kamustahin ang mga ito. May mga kaibigan at kakilala siya na alam na buntis siya kaso may ilan din na hindi. Bukod pa roon ay may kukunin siyang dokyumento sa may drawer ng mesa niya.

Pagkarating niya sa department ay nanaig ang amoy ng papel. Mukhang maraming  tambak na projects ang department nila. Maingat niyang binuksan ang clear door at nakita niya na busy ang mga tao rito. Halos paikot-ikot na kung sasabihin.

"Ma'am!" bati sa kanya ni Reinna na may ngisi. Napasimangot siya at iyon naman ang ikinatawa ng kaibigan.

"Reinna!"

Humalakhak ito at saka niya nakita na napatigil ang mga tao roon at nakatingin sa kanila. Parang nakakita sila ng multo dahil hindi lamang ito basta nakatitig, namumutla pa ang mga ito.

"Engr. Reinna Tricia Parker, yung boses mo rinig na naman hanggang kabilang department." sita ng taong may malalim ngunit mapangakit na tono. Nakita niya na nanlaki ang mata ng kaibigan kaya siya tumalikod at kita niya ang isang lalaki na mas matangkad sa kanya. Maputi ang balat nito at ang suot nitong black tuxedo na may black tie ay talagang bumabagay sa katawan nito. Medyo malaman ito dahil halata sa braso nito pero alam niyang muscles lamang ito. May mapungay itong mata na kung tititigan no ay para kang nasa karagatan.

"Yllana." bati sa kanya ng lalake. Napakunot ang kanyang noo dahil paano siya nakilala nito gayong hindi naman niya ito kilala.

"Who are you?"

"Patrick John masungit na abogado slash palaging nirereglang nilalang Velasco" mahinag sabi ni Reinna sa likod niya. Napangiti na lamang siya at saka siya nakipagkamay rito.

"Mr Patrick John Velasco. Nice to meet you."

"Nice to meet you Mrs Legazpi." sagot nito sa kanya. Napangiti siya ng tipid at saka niya tinanong kung bakit ang init ng ulo nito kaso ang sinagot lang sa kanya... Isang malupit na walk out kung kaya ay nainis siya. Napagbuntungan niya pa ang kaibigan sa pagtatampo at inis niya.

"Chill ka lang girl! Buntis ka ingat-ingat." paalala sa kanya ng kaibigan kaya nawala ang inis at pagtatampo niya at saka nilibot niya ang tingin sa mga tao.

"Hello guys!''

"Yllana!" bati sa kanya at saka nagsilapitan ito sa kanya. Ningitian niya ang mga ito at saka siya unupo sa malapit na swivel chair. Alam niya na mapapa'hot seat' siya.

"Totoo nga ang balita na buntis ka. Ang laki na ah. Kabuwanan mo na ba?"

"Six months pa lang."

"Ang laki niyan!"

"Si Boss hottie daw ang ama niyan, totoo ba?"

"Ah E." tumango siya pagkatapos.

Halos tiliian ang narinig niya pagkatapos. Nagkamustahan lang sila at saka siya dumiretso sa table niya at kinuha na niya ang dokyumento. Nagpaalam siya sa mga katrabaho niya at saka sumakay muli ng elevator. Pinindot niya ang floor ng asawa at ng magbukas ito ay nakita niya kaagad si Leo na nasa mesa at may tinatype sa computer. Nakita siya nito kaya tumayo ito at ipinagbuksan siya ng pinto.

"Thank you Leo."

Wala siyang narinig na sagot mula rito pero hindi naman iyon ang maging dahilan kung bakit siya magtatampo. Di naman pwede yung ganoon.

"Yllana!"

Napangiti siya ng marinig ang boses na iyon.

"Hi Luke. Kain ka na o.''

Ipinakita niya ang bag na dala niya na may pagkain at saka nito kinuha ng asawa at ipinatong ito sa mesa nito. Pagkatapos niyon at niyakap siya nito at saka dinampian ang kanyang labi ng halik.

"Baby, baka mapagod ka niyan. Bawal masyado mapagod. Nagabala ka pa."

"Wala iyan! Tsaka di naman nakakapagod magluto ng carbonara."

"Carbonara?" tila nagliwanag ang mukha nito at nagningning ang mga mata. Shoot!

"Yes. I know it was your favorite."
"Thank you very much baby. But promise me wag masyadong magpapagod. Kapag pupunta rito tumawag ka muna sa akin. Ako na lang ang uuwi kaagad para di ka na mapagod. Kung magluluto ka , magpatulong ka kay Thalia."
"Luke naman! Kaya ko pa at tsaka mas better kung nagkikilos ako. At least nakakapagexcercise ako."
"Basta magpatulong ka kapag kailangan mo, okay?"
"Sir. Yes Sir!"

"Yllana..." tiningnan njya ang pinagmulan ng boses na iyon at nakita niya ang kanyang asawa. Yuamkao siya rito at saka may binigay sa kanyang card. Binuksan niya ito at doon niya nalaman na invitation pala ito para sa hotel sa Anilao.

"Hotel Sabrina?"
"Yes baby."

Sold to Mr BillionaireNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ