Chapter 14

16.9K 363 6
                                    

Kakauwi lang ni Yllana galing Anilao. Kahapon ay tiningnan niya ang paggawa ng hotel at masasabi niya na mabilis ang paggawa. May pundasyon na at mayroon nang anim na palapag kumbaga may siyam pa dahil labing lima ang bilang ng palapag ng hotel.

''Good evening Mam!'' bati sa kanya ni Thalia na siyang nagbukas ng pinto. Pasadong alas onse na ng gabi at mukhang nandoon na si Luke dahil nasa garahe ang kotse nito.

''Good evening Thalia. Bakit gising ka pa?''

''Bilin ni Sir pagbuksan ka ng pinto dahil alam niyang pagod ka galing sa byahe.''

Napangiti na lamang siya at saka umakayat para magbihis. Pagkatapos niyang magbihis ay tumihaya na kaagad sa kama at saka huminga ng malalim. Kanina kasi nagkausap sila ni Martha na siyang namamahala sa proyektong nasa Anilao. I-kwinento niya ang nangyayari sa kanya nitong nakaraang araw kung saan may nararamdaman siyang kakaiba. Tuwing malapit kasi siya sa asawa ay tila may tumatambol sa kanyang puso na ultimo nagwawala. Tapos idagdag pa na halos parang kilalang kilala na niya ito noon pa man. Napakagaan ng loob niya rito na siyang ikinatuwa niya nung una kaso ngayon, hindi niya malaman kung matutuwa ba siya o matatakot dahil sa nararamdaman.

''Pwede ba akong pumasok?''

Napatingin siya sa may pinto at naroroon si Luke na siyang nakasilip sa kanya. Umayos siya ng higa at saka suandal sa headboard ng kama at pinapasok ito. Lumapit sa kanya si Luke at ibinigay sa kanya ang hawak nitong baso ng gatas. Tinangap niya ito at saka tumabi sa kanya ang asawa.

''How are you?''

''I am good. I am just a little bit tired but I can manage.'' Yllana smiled after.

''I miss you. As much as I want to go to Anilao and fetch you there I can't. I have several booked appointment that day. Pinagalitan na nga ako ni Sandra.''

Luke rub Yllana's backhand with his thumb and look directly into her eyes. It is hypnotyzing and she cannot hold her stare from his.

''Pasaway ka daw kasi kaya ka niya pinagalitan and I am okay. Look. Naririto na nga ako o!''

He smiled at her and then took the glass of her and put it on the near table.She rested on his shoulders. Ganoon na lamang palagi ang position nila whenever they wer only two. Sometimes, her head is in his lap while Luke caressed her hair.

''Yes. Natatakot lang ako na mangyari iyon ulit.''

''Hmm.. Yung ano?''

''Yung pag alis mo.''

''Babalik naman ako palagi sa iyo. Iyon ang tandaan mo. I can't live without you.''

''Sana nga. I don't want to experience without you in my life. My world is nothing without you by my side and only you who can make me fall in love.''

Yllana just smiled at Luke. Those sweet words lingered into her body that make her heart jumps into. She is falling... Scratch that. She is definitely inlove with Luke. Wala naming masama doon kung iisipin dahil legal naman silang mag asawa pero natatakot siya nab aka isang araw ay magfile na lamang ito ng divorce at iwanan na lamang sya. Hindi niya iyon kakayanin. If there is one thing na makakapagstay kay Luke, gagawin niya for she alone cannot survive wthout him. Kumbaga kay Superman, Luke is her kryptonite. Kung kay Thor naman ito ang hammer niya na hindi pwedeng mawala ng 60 seconds at kung kay Captain America ito ang bala na maaring pumatay sa kanya sa oras na mawala ang shield na siyang panangga niya mula sa sakit na mararamdaman.

''Take a rest now. Tomorrow I will introduce you to someone important to me.''

Inayos ni Luke ang kumot na tumatakip sa katawan ni Yllana. Dinala niya ang baso at saka pinatay ang switch ng ilaw. Sinarado niya ang pinto at saka siya bumaba para ilagay iyon sa lababo upang hugasan. Tumaas naman siya pagkatapos at saka pumunta sa pulang kwarto kung saan ramdam niya ang mga magagandang memorya nilang mag asawa. Yung mga panahong hindi pa siya nakakalimutan nito.

Humiga siya sa sofa na siyang hindi naman kalayuan sa higaan. Nilaro niya ang rubic's cube na siyang nasa mesa. Iniayos niya ang mga kulay batay na riin sa pagkakapwesto nito sa laruan. Ganoon na lamang ang ginagawa ni Luke habang nag iisip ng kanyang gagawin para bukas. Bukas kasi ay lalapag na ang eroplano na sinasakyan ng anak nila ni Yllana na si Andrew kasama ang kanyang ina na si Danielle Rachelle Legazpi.

Kinabukasan ay maagang umalis sila ni Luke. May susunduin daw sila sa airport na siyang matutuwa niyang ipakilala. Kanina nung sinabi iyon sa kanya ng asawa ay kinulit na niya ito ng kinulit upang sabihin kung sino iyon kaso nagmatigas si Luke at hindi na niya kinulit ito kinalaunan. Nang makarating sila sa airport ay nasa gilid na si Leo at may hawak itong cartolina na kulay puti at nakalagay ay WELCOME HOME na sadyang malalaking letra ang nakasulat. Kulay pula pa nga ang ginamit na kulay kaya talagang nakakaagaw pansin. Niyakap siya ni Luke at saka hinalikan sa pisngi.

''You are going to meet Andrew.'' Bulong nito sa kanya. Napatingin siya rito ng may halong pagtataka. Ngumiti lamang ito sa kanya at saka niyakap siyang maigi.

''Andrew is my son.---''

Agad niyang pinutol ang pagsasalita ng asawa ng marinig pa lamang niyang anak nito ang darating. Lungkot at selos ang bumalot sa kanyang uso dahil sa kung darating ang anak nito ay malmang ay mawawala na lamang siya sa paingin nito. She will be technically out of the picture and she doesn't like that. Lalo na ngayon na mahal na mahal niya ito at ayaw niyang mapawalay miski isang araw lang pero syempre labas na roon ang pagpunta niya muli sa Anilao upang bisitahin ang paggagawa ng hotel. Pero kahit na. She feels jealous.

''Your son! Luke naman e! I am not ready to meet hm. Ayoko! Baka mamaya niyan hindi mo na ako pansinin dahil halos lahat ng atensyon mo ay nasa anak mo lamang.''

Nakita niyang tumawa ito kaya napasimangot naman siya.

''You will never be out of the picture Yllana if that is what you are probleming about. Infact, he misses you. Andrew misses his mother.''

''Hindi naman ako ang nanay niyan for sure dahil sa pagkakatanda ko ay hindi pa ako nanganganak.''

Napahinga na lamang ng malalim si Luke at saka nagisip ng maaaring isagot kay Yllana.

''Basta. Please be good to him. I know you will love him.''

Hindi naman nagtagal ay mukhang natanaw na ni Luke ang kanyang anak dahil isinama sita nito papalapit sa gwapong bata na siyang kamukhang kamukha ng kanyang asawa. Napangiti siya ng makitang niyakap ng bata ang ama nito.

"Papa! Te extraño."masiglang bati nito.

"Papa misses you too Andrew. How are you?"

"Andrew's fine."

Tumingin sa kanya ang bata at sa hindi niya malamang dahilan ay tila parang kilalang kilala niya ito. Ang gaan ng loob niya rito at tila gusto niyang yakapin ng mariin.

"Mama!" masayang bati nito sa kanya.

Umupo siya upang pantayan ang bata at saka niya ito niyakap. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman dahil nang yakapin siya nito ay tila parang naluluha siya dahil sa kasayahan. Hindi niya lubos maipaliwanag ang nangyayari sa kanya dahil ito ay sadyang bago lamang para sa kanya.

"H-hi" bati niya rito. Tumingin sa kanya si Andrew at saka ngumiti ng pagkatamis tamis.

"I miss you mommy. Andrew loves you!" sabi nito at saka yumakap muli sa kanya. 


SLIGHTLY EDITED. STILL FOR REVISION.

Sold to Mr BillionaireUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum