Chapter 24

15.8K 315 12
                                    

Agad niyang isinugod ang asawa sa ospital. Pinaharurot na nga niya ang sasakyan para lamang makapunta agad sa ospital. Tinawagan niya na rin ang doktor ng asawa na si Dr. Kirth dahil sa nangyayari sa kanyang asawa. Nanlalamig ang buo niyang katawan at hindi siya makahinga ng maayos dahil sa nararamdaman. Kinakabahan siya ng todo at tila nakipagkarera siya sa isang sportscar na tumatakbo ng 140 kph. Ganoon na lamang ang abot ng kanyang pintig ng puso. Napakabilis!

Pagkarating niya sa ospital ay nagsusumigaw siya at hindi na niya alintana ang mga taong nakatingin sa kanya. Nasa peligro ang kanyang mag-ina, uunahin pa ba niya ang mga matang nakikiusosyo sa kanila? Wala na nga siyang pakialam na kahit lumabas pa sa diyaryo ang mukha niya na aligaga ay ayos lang sa kanya basta malaman niyang ayos lang ang kanyang asawa at anak.

"Sir, dito lang po kayo," suway sa kanya ng nurse.
"Damn rules! Papasukin niyo ako. Kailangan ako ng asawa ko." sigaw niya. Ayaw niya na mangyari ang dati. Ayaw na niya na hanggang labas lang siya habang ang asawa niya ay naghahabol-buhay.
"Pero sir rules po iyon ng ospital."
"Wala akong pakealam! I just want to be with my wife!"
"Sir"
"Ano ba ang gusto nila? Bilhin ko ang ospital para makapasok ako? O sige, ngayon din! But please, I want to be with my wife."

Hindi niya namalayan na umiiyak na siya sa harapan ng nurse. Yes he is known to be dominant. Alexander Luke Legazpi is not an underdog. He was known to be superior especially in business world. Kinatakutan siya at hindi kinakaawaan na siyang nasa harapan ng isang nurse at nagsusumamo na papasukin siya.

"Sorry po talaga sir hindi po talaga pwede."

Pumasok na ang nurse sa loob ng DR at saka niya nakita na kinakabitan na ng dextrose ang kanyang asawa. Bukod pa roon ay kitang-kita niya ang napakababang heart beat nito sa machine. Lalo tuloy siyang nalungkot.
"Mr Legazpi."

Napatingin siya sa kanyang likuran at nakita niya ang doktor ng kanyang asawa. Papasok na sana ito kaso kinausap niya na kung maaari siyang pumasok. Ayaw pa nga ng doktor kaso mababaliw talaga siya kung wala siya sa tabi ng kanyang asawa kaya pinapasok siya nito. Pinagsuot muna siya ng scrub suit at saka sila sabay na pumasok. Hinawakan niya kaagad ang kamay ng asawa at ayaw na niya iyon pakawalan pa.

Si Dra. Kirth naman ay tinitingnan kung ano ang nangyari. Tiningnan niya kung ayos lang ba ang mga anak niya at ganoon na lang ang abot ng kanyang pagdarasal na sana ay mabuting balita ang kanyang marinig.
Walang minuto na hindi niya binitawan ang kamay ni Yllana na ultimo iyon ang life line niya. Kay Yllana siya kumukuha ng lakas upang maging masaya at mabuhay. Hindi niya kakayanin na mawala ito sa tabi niya. Leaving him all alone ay kaya niyang patayin ang sarili niya.

Halos magpakamatay na nga siya ng mawala ito noon dahil sa pagkakawala ng kanilang anak. Masyadong dinamdam ito ng kanyang asawa. Hindi ito nagsasalita at puro tango lamang. Nakatitig pa ito sa kawalan at parang wala na sa sarili dahil nagwawala ito araw-araw. Naroroon siya ng mga sandaling iyon. Nasaksihan niya ang pagluluksa ng kanyang asawa sa pagkawala ng kanilang anak pero hindi lang naman ito ang nawalan. Nawalan rin siya ng anak at iyon ang ipinaintindi niya rito ng ilang buwan.

Lalong humigpit ang kanyang hawak sa kamay ng asawa ng marinig ang matinis na tunog. Natakot siyang bigla at napatingin siya sa Cardiogram at kitang kita niya ang pulang linya na diretsyo. Nanlamig bigla ang kanyang katawan at saka siya sumisigaw.
"Yllana! Yllana! Baby!"
"Nurse!"
"Sir. Dito po muna kayo"
Inuwestyo siya ng nurse sa may gilid. Sumunod naman siya rito at kitang-kita niya kung paano pagkaguluhan ang kanyang asawa ng mga nurse.

"Defribrillator pads." rinig niyang utos ng doktor rito at may ibinigay na instrument ang nurse. Pinagkiskis nito iyon at saka nagbilang.
"1. 2. 3. Clear!"

"1. 2. 3. Clear!"

Nakakailang ulit ang doktor sa ginagawa nito sa kanyang asawa. Wala pa ring nagbabago sa tunog. Matinis parin at natatakot siya lalo dahil baka iwan siya ng kanyang asawa. Napapaiyak siya lalo dahil wala na naman siyang magawa. Nasa loob nga siya pero wala siyang magawa upang mapawi ang sakit na nararamdaman ng kanyang asawa. Marami nga siyang pera. Kaya niyang bilhin ang lahat. Pero kung sana nabinili ang panahon o ang oras ay binili niya na dahil gusto niyang patigilin ang oras para hindi na ito sumapit. O kaya, kung nabibili lamang ang kakapangyarihan upang mabago ang hinaharap ay paniguradong bibilhin niya iyon dahil walang saysay ang perang meron siya kung mawawala naman aa kanya ang pinakamamahal niya. Bale wala ang lahat ng kanyang pinaghirapan. Bale wala lang.

Napapikit siya ng mariin habang nakatungo. Napapabilis ang daloy ng luha niya mula sa kanyang mga mata. Nakakailang punas na siya kaso naroroon parin ang mga luha na siyang dadaloy-daloy sa kanyang mata.

"Clear!" rinig niyang sigaw ng doktor at sa puntong iyon ay biglang nagbago ang tunog. Napatingin siya bigla sa asawa at sa Cardiogram na nakadikit rito. May pulso na muli ito.

"Yllana..." bulong niya. Napaupo siya bigla mula sa pagkakatayo. Para siyang nawalan ng lakas bigla pero kahit ganoon sumilay sa kanyang mukha ang pag-asa na siyang nawala sa kanya ng mag-agaw buhay ito.

Lumapit sa kanya ang doktor at nakangiti ito sa kanya kahit pawisan. Ini-anyaya siya nito palabas at sumunod siya rito. Umupo sila sa silya na makikita sa waiting area at saka nito kinuha ang kamay niya. Napatingin siya rito at ganoon na lang ang abot ng ngiti nito kaya hindi na lamang niya napigilang hindi mapangiti kahit pilit.

"Yllana do like to live Luke. Bumalik siya."

Yes. Hindi siya iniwan ng asawa at lubos na ang saya na kanyang naramdaman na hindi ito nawala sa kanya. Sa kanila ng kanyang anak.

"Love really do make miracles. Kitang kita ko ang pagmamahal mo sa kanya at hindi ako magtataka kung bakit ka niya parin mahal kahit alam niya sa simula na binili mo siya. She was sold to you right? Binili mo siya. Pero kahit ganoon minahal ka pa rin niya kahit nalaman niya iyon."

"How did you..."

"Sinabi niya sa akin noong nasa Anilao ako. Doon kami nagkakilala at hindi nga ako magtataka kung bakit baliw na baliw siya sa iyo."

Napangisi na lamang siya sa sinabi nito.

"She will be transfer to a private room after. Do not worry. Maayos ang lagay niya at ng anak niyo."


SLIGHTLY EDITED. STILL FOR REVISION.

Sold to Mr BillionaireWhere stories live. Discover now