Chapter 25

16.5K 292 5
                                    

Katulad nga ng sinabi ng doktor ay inilipat ito sa isang silid. Tinawagan niya ang kanyang mga kaibigan at papunta na ito. Nagpapasalamat siya na nariyan ang mga kaibigan niya. College friends niya ito at miski grumaduate na sila ay hindi pa rin nawala ang komyunikasyon nila sa isa't-isa. Sila rin ang nakakaalam kung ano ang nangyari sa pagsasama nila ng asawa.

Ipinaglandas niya ang kanyang kamay sa pisngi mg asawa. Kanina lamang ay tinakot siya nito. Hindi niya akalain na ganoon ang mangyayari at mas malala pa ito kaysa noon. Nakatingin lamang siya buong magdamag sa asawa hanggang sa nakatulog na rin siya. Alas tres pa lang ng madaling araw kaya talagang inaantok pa siya.

"Alam mo bakit nandito sa ospital na ito yung babaeng iyon?"
"Doktor kasi siya Bryan! Mag isip ka nga."
"Sa dinami-rami ng ospital rito sa Pilipinas bakit dito sa ospital na ito ko siya nakita. Kinalimutan ko na nga siya."
"Kung talagang kinalimutan mo na siya bakit pinapahanap mo?"
"Wala lang ako magawa noon. Tumigil nga kayo Bryan at Warren."
"Tss. Ayaw pa aminin. "

Nagising na lamang siya dahil sa ingay na narinig. Mistulang nagsasagutan ang kanyang kaibigan. Kilala naman niya ang mga ito kung magsagutan sadyang malalakas ang topak. Tiningnan niya ang mga ito at saka tiningnan ng masama.

"Chill dude. Tatahimik na." sabi sa kanya ni Bryan.

"Kamusta siya?" tanong sa kanya ni PJ. Tiningnan niya ang asawa at ganoon pa rin. Hindi pa ito gumigising simula kanina. Umaasa siya na gigising ito. Maghihintay siya at hindi siya magsasawang maghintay lalo na at ang kaligayahan niya ang hihintayin niya. Nakayanan nga niya na hintayin ito ng ilang taon. Hinanap niya ito saan mang lupalop ng mundo. Tapos ngayong alam niyang nandirito lang ito at mahimbing na natutulog susuko pa ba siya?

"Ayos na rin siya." Nakatitig siya sa asawa habang sinasabi iyon.

"Kumain ka na ba?" tanong nito.
"Hindi pa."

"Good morning!" bati ng pumasok na babae sa silid. Napatingin siya kaagad rito at masasabi niyang maganda ito. Balinkinitan ang pangangatawan at may makinis na balat.

"Paula." bati kaagad ng kaibigan niyang si Clyde rito. Ngumiti ang babae at saka niyakap si Clyde.

Napangiti na lamang siya sa nakita niya. Mukhang may susunod na sa grupo na magkakaasawa. Pagkaraan ng apat na taon may susunod na sa yapak niya.

"Luke, alam ko iyang nasa isipan mo!" sabi naman sa kanya ni Bryan. Napangisi na lamang tuloy siya. Mukhang alam ni Bryan ang kwento.

"Clydiee... Pahiram naman si Paula mo. Ayaw mo na pakawalan oh." panunukso ni Bryan rito. Sinamaan lang ng tingin ni Clyde ang kaibigan at saka inilayo ang babae.
"Luke, Paula. Paula, he is Luke"
"Nice to meet you!" bati nito.

Well, alam niya sa sarili niya na itong si Clyde na ang susunod. Bagay na bagay sila. Tiningnan niya muli ang asawa at saka hinawakan ang kamay nito. Hinimas niya ito at saka hinalikan. Maghihintay siya. Maghihintay siya na gumising ito.

Napatingin siya sa may pinto ng may kumatok. Bumukas iyon at saka niya nakita ang doktor. Napamura pa nga si Bryan ng makita ito. Tiningnan niya parehas ang dalawa at ganoon na lamang ang talim ng tingin nilang dalawa sa isa't-isa. Samantala, nakatakip sa tenga ni Paula yung parehas kamay ni Clyde. Marahil ay ayaw nito marinig na may nagmura. Napangisi na lamang siya.

"Doc." tawag niya rito. Tumingin sa kanya ang doktor. Nawala na ang matalim na tingin nito at ngumiti pa ito sa kanya.

"I need to talk to you. Privately. Yung walang asungot." Binigyang diin nito ang salitang privately at nung sinabi nito na walang asungot ay tumingin ito kay Bryan. Mukhang may kailangan siyang malaman a.

Katulad nga ng sabi nito ay nagusap sila. Lumabas sila ng kwarto pero bago iyon ay pinabantay niya ang kanyang asawa sa mga kaibigan. Wala namab nagawa dahil nasuhulan niya iyon ng libre mamaya ng lunch.

Tuloy-tuloy lang ang paglalakad nila hanggang sa pumasok sila sa opisina nito. Pinaupo muna siya nito at saka nagsalita.

"I know you are wondering why I want to talk to you privately. Well, I know you need this to know. She have experienced ecclempsia. This was the reason why we need to revive her. It is a good thing that your twins get a gripped on her. Gusto nilang mabuhay."

Medyo nalungkot siya nung una pero agad din naman napawi ang lungkot niya dahil sa sinabi ng doktor. Yes. They want to leave. Natutuwa nga siya. He always dreamed on having a conplete family with his wife. Akala niya matutupad iyon ng malaman na buntis ito noon pero dahil nga nangyari ang hindi inaasahan ay nawala ang panganay niyang si Andrei at doon nagsimula siya muli upang mangarap na sana mangyari iyon. Na sana ay magkaroon siya ng isang kumpletong pamilya. Walang mamatay. Walang malalagas.

"We need to observe her until she get her consciousness. We need to wait for her. "
Napatango na lamang siya dahil totoo naman. They need to wait at katulad nga ng sinabi niya sa sarili niya, hindi siya magsasawang maghintay lalo na at si Yllana ang kapalit nito. Ganoon niya kamahal ang asawa niya.

"Congratulations! You remained strong all the way. "

Isang ngiti na lamang ang binigay niya rito at saka umalis. Well, it is a job well done. Ang kailangan na lamang niya ay intayin na gumising ang asawa at roon ay ipapadama niya ang pagmamahal na dapat ay binigay niya sa oras ng pangangailangan nito at iyon ay ang oras kung saan nawala ang panganay nila.

SLIGHTLY EDITED. STILL FOR REVISION.

Sold to Mr BillionaireWhere stories live. Discover now