Chapter 16

17.4K 313 4
                                    

Kahit anong gawin ni Yllana ay hindi parin siya makatulog. Paulit-ulit ang mga salitang sinabi ni Luke sa kanya kanina bago ito umalis ng kwarto upang makapagpahinga na rin raw siya pero hindi naman siya makapagpahinga dahil nga binubulabog siya ng mga salitang binitawan ni Luke.

I still love you even you left us and I am willing to let you remember all those memories...

I still love you even you left us and I am willing to let you remember all those memories...

I still love you even you left us and I am willing to let you remember all those memories...

''Ayoko na! Patulugin mo ako Luke.'' Sabi niya sa sarili niya at saka nagtalakbong ng kumot. Hindi nagkalaon ay naramdaman na lamang niya na nilalamon na iya ng antok.

Kinaumagahan ay naramdaman na lamang niya na may humahalik sa kanyang mukha kung kaya ay naalimpungatan siya sa kanyang pagkakatulog. Dinilat niya ang kanyang mga mata at nakita niya na nakangiti ang batang si Andrew habang nakaupo sa may gilid ng kama. Umakyat siguro ito kung kaya ay naroroon ito sa may tabi na ng unan niya.

''Hi baby Andrew. Good morning!'' bati niya rito. Yumakap lamang sa kanya si Andrew at saka umayos ng upo. Sumandal siya sa headboard ng kama at saka niya hinalikan ang magkabilang pisngi nito. Nang dumilat ang bata ay nakita na naman niya ang pares ng mata na naging dahilan kung bakit siya umiyak. Natatandaan niya parin kasi yung konklusyon niya na maari iyong mata na iyon ay namana ng bata mula sa ina nito. Napakasakit, oo pero kailangan niyang indahin iyon dahil hindi iyon makakabuti para sa kanya at sa bata. Gusto niyang lumigaya ito at kahit na kahapon lamang niya iyon nakilala ay napakagaan na ng loob niya rito. Nagagalit siya sa ina nito dahil iniwan na lamang niya basta ang bata. Paano na lamang kung walang pakealam yung si Luke? E di namatay na yung bata dahil sa gutom dahil hindi naman maintindihan ng mga tao ang iyak ng isang sanggol maliban sa isang ina.

''Did you take your breakfast now, baby?''

Umiling lamang ang bata at saka niya ito binuhat pagkatapos niyang ayusin ang pinaghigaan niya. Sinuklay niya rin muna ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay at saka binuhat ang bata. Masayang-masaya siya habang pababa ng hagdan dahil sa tuwing nakikita niyang tumatawa at ngumingiti sa kanya si Andrew ay tila buo na kaagad ang araw niya.

Ibinaba niya ang bata sa isang upuan at saka niya kunuha ang gatas na nakalagay sa baso. Pinainom niya iyon kay Andrew at saka siya kumain ng umagahan. Pagkatapos niyon ay ipapasyal niya sa mall si Andrew.

Hinatid sila ng driver papuntang MOA. Nakasuot siya ng isang kulay pulang peplum dress at pinaresan niya ito ng black sandals na may 2 inches heels. Samantala, si Andrew ay naka suot ng kulay pulang polo shirt tapos may suot na salamin sa mata at naka khaki pants na pinaresan naman ng black leather shoes. Ngayon pa lamang na bata ito ay talagang agaw pansin paano pa kaya kapag lumaki na ito at magbinata? Mukhang maraming mapapaiyak na babae ito.

Naglalakad sila papunta sa department store ng biglang narinig niya na may tumatawag sa pangalan niya. Tumigil siya sa paglalakad at luminga-linga kaso wala naman siyang makita kaya nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad. Nasa may stall siya ng mga sapatos ng Makita niya si Maribeth, ang pinsan niya na ayaw talaga sa kanya, simula pa lamang. Kasama nito ang kanyang tiyahin at agad siyang tinapunan ng matalim na tingin.

''I guess, you regain your memory now, Yllana? How was the life of being the wife of the most sought billionaire not just in town but around the globe? Masaya ba?'' tanong sa kanya ni Maribeth. Nagtataka siya sa mga pinagsasabi nito.

''What are you saying?'' tanong niya.

''Wow! My goody-cousin right here is playing with me huh? Dapat pala binalik ka na namin sa asawa mo para naman kahit papaano ay may makukuha kaming pera na mula sa kanya.''

Sold to Mr BillionaireDove le storie prendono vita. Scoprilo ora