- CHAPTER FOUR -

183 22 0
                                    


NVREM'S POV

Papunta ko ngayon sa park dito sa loob ng subdivision namin literal na sa amin dahil papa ko nagpatayo. Napag-usapan kasi namin kahapon na samahan nila ko maglibot dito para malaman nila papa kung ano ang dapat pang ipatayo at ipabago. Ayun na pala yung park na hintayan namin. 8am palang naman.

" Dito nga muna ko sa mga bench. " Malaki ang park na 'to. marami rin fruit bearing trees. pwedeng manguha as long as hindi uubusin ang bunga ng isang kuhanan at kapag dito kinain sa park dapat itapon sa basurahan at ndi ikakalat lang..

" isang oras na pala ang nakakalipas. Himala ata at late ang mga yun ngayon. " nakakapagtaka. never pang mga nalate sa usapan mga yun. lagi kaming maaga ng 30mins or 1hour. " Baka naman di makakapunta?. pero never pa naman nila ko hindi sinipot. kahit may biglaang lakad sila, they'll make sure na dadaanan muna nila ko para mag-apologize at magpaalam. " pagkausap ko sa sarili ko.

Mahigit 11am na. tumataas at gumigitna na din ang haring araw.

" wala naman sigurong nangyari masama sa kanila. Nawawala lang naman sila bigla dito sa subdivision kapag --. hindi, bura bura! " napatapik ako sa noo sa naiisip ko. bayaan mo na nga ako nalang ang maglilibot.

Habang naglalakad ako ng kumakanta kanta at nakapayong dahil sa init may narinig akong nagtatawanan.

" ang saya naman nila sa ganitong init na oras. Wait! that voice. I mean voices- Familiar sakin. " sumilip ako sa pagitan ng dalawang puno at nakita kong may apat na tao- dalawang babae, dalawang lalaki.

" I knew it! " napahampas ako sa katawan ng makilala ko sila- Nicky, Mouse at ang dalawa kong pinsan na si Mia at may kambal sila.

Ayaw ko sa kanila para sa dalawa kong kaibigan dahil pera lamang nila ang gusto ng kambal. Oo, di sila mayaman pero dahil ng pinsan buo ng papa ko ang papa nila. pinagawan na din sila ng bahay dito sa subdivision namin. Di ko sila gusto dahil simula pa noon binubully na nila ko. Kaya nagtataka ko kung bakit ang bestfriends ko ay nalilimutan ako kapag nakikita sila. Don't get me wrong, I'm not gay. madali lang talaga ko magselos lalo na sa dalawang mokong na yun dahil kasama at protector ko na sila eversince at kung sa kambal lang sila mapupunta, di ako papayag dahil masasaktan sila.

BEASTMODE ON!

" ow hi there?. kamusta naman ang tawanan niyo jan?. " tanong ko sa kanla apat pero tinagalan ko ang titig sa bestfriends ko.

" hey there cous?. what's up? Alone? " ngumisi ng pasimple si Mia.

" Nope! dapat kasi talaga may kasama ko kaso mukhang may mga nang-agaw. " sabay tingin sa kambal. hindi ko talaga gustong pumatol o makipag-away sa kanila pero sabi ng mama ko.

*flashback*

" Nvrem, anak may lilipat daw na mga pinsan mo jn. ipagpapatayo ng papa mo ng bahay. alam kong sila ang madalas manakit sayo. " sabi ni mama.

" mama sino po?. yung kambal po b? ayoko po sa kanila lagi po nila kong inaaway. " sabi ng 7-year old na Nvrem.

" wala na tayong magagawa anak. gusto ng papa mo. alam kong masamang makipag-away o manakit pero tandaan mo huwag mong hahayaan na sinasaktan ka ng mga taong may utang na loob sa atin. " bilin ni mama. " Ang utang na loob tinatanaw at hindi binabayaran. ngayon kung hindi nila kayang tanawin, gawin mo ang lahat para ipatanaw sa kanila. Tandaan mo anak, wag kang papayag na masaktan ka, lumaban ka hangga't wala kang masasagasaan na tao. "

" opo mama. " sabay yakap ng bata.

*flashback ends*

" Oh! wala naman kasing mang-aagaw kung walang magpapaagaw. " pasaring ni May. Nagtaka ko kung bakit wala man lang reakson sila Nicky.

" talaga ba?. okay lang naman sakin. kaya ko naman maglibot mag-isa. Natatawa nga ako sa dalawang yan kasi kung ako sila maglilibot nalang ako mag-isa kaysa makasama ang mga pangit na katulad niyong dalawa. Oopppps! sorry. " sabay kunwaring napatakip ako ng bibig.

" Bastos ka! Gusto mo ba ng away ha?. " may paghahamong boses ni May.

" hindi ako pumapatol sa babae. Mag-aaksaya lang ako sa inyo ng --. " hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil binato na ko ng pie sa mukha ng kung sino.

" HAHAHAHAHAHAHAHAHA! " umalingawngaw ang apat na boses na nagtatawanan. ibig sabihin ba nito ay.

Pinunasan ko ang pie sa tapat ng mata ko para makota ang nagbalibag sakin. Nagulat ako sa may hawak..

MOUSE'S POV

Nakarinig ako ng tawanan na parang nagpagising sakin sa pagkakatulog. Nakita ko sa harapan ko ang dalawang babaeng- si mia at may saka si Nicky na nakatitig kung kanino. Pagtingin ko sa tinitingnan at tinatawanan nila ay.

" sheyt! What happened to you Nvrem?. " lalapitan ko sana siya pero isinenyas niya yung kamay niya na huminto daw ako kaya ginawa ko.

" Huwag mo ng subukan lumapot kung gusto mong mapatawad kita. " may pagbabanta ang bawat salita niya. ano ba talagang nangyari? tiningnan ko si Nicky na puno ng pagtataka at may hawak na Pie.

Nagulat nalang ako ng tumakbo si Nvrem na mabilis at naiwan kaming tulala. Hindi ko na siya hinabol dahil kilala ko kung pano siya magalit. hindi mo nanaising makita siya sa ganong sitwasyon dahil para kang nakakita ng lion na nagwawala sa kagubatan. Hinila ko nalang si Nicky at mamaya nalang namin hahanapin si Nvrem dahil ndi naman siya uuwi agad, mag-iikot ikot lang yun dto.

" anong nangyari?. bakit binato mo siya ng pie?. " seryoso kong tanong kay Nicky.

" hindi ko din alam. pakiramdam mo ay kagigising ko lang sa mahabang pagkakatulog. " may diin ngunit mahinahon niyang sagot.

" Parehas pala tayo ng naramdaman. ano kayang nangyari?m. " hindi ko na siya pinasagot at hinanap na namin si Nvrem.

Naikot na namin ang buong park pero hindi pa namin siya makita hanggang sa makarating kami dito sa pinakasentro. Kung saan mas malalago angpuno.

" Mouse, sapatos ni Nvrem yun di ba?. " sabay turo niya sa paa na kita lang sa nakatabing na malaking taniman ng halaman.

" Si Nvrem nga! " pinuntahan agad namin at lakinng gulat ng makita namin siya.

Puro sugat at walang malay. Anong nangyari?


The Power WithinWhere stories live. Discover now